Chapter 3

70 1 0
                                    

Sean Guzman, is a typical campus crush type of guy. He has a lot of talents to offer, he got the looks and the body to die for. I don't know but since I met him, every day in school went smooth at hindi ko rin alam kung bakit ako napapa english dito, wow ha?

"PING PING!" Sigaw ng prince charming ko este ni Sean

"Oh?" Ngiti ngiti pa akong lumingon sa kanya, pang Catriona Gray na slowmo twirl, twirl ba tawag don? Basta.

"Papasok ka na? Maaga pa ah" kakamot kamot niyang tanong, nahawaan ko ata ng lisa sa papables, patay na.

Napatingin naman ako sa relo ko, "Hala oo nga no? Tatambay nalang siguro ako library neto hehe"

"Wowz library? Talino natin ping ah!" Nakangisi niyang sabi, ang puputi ng ngipin ni koya.

"Ha? Grabi ka, makiki air con lang naman ako doon"

"Ahh, sige sabay na ako sayo" yakag niya at nauna pang maglakad ang mokong.

May kalayuan din yung library galing sa pinagkakatayuan namin, mga 250 steps siguro? Oo binilang ko, ganoon ko ka love ang math lul.

Nung nakarating na kami, ambilis no? Ayun nga, agad rin naming inilista ang mga pangalan namin tapos inilagay yung mga bag namin sa baggage counter na mukhang bookshelf naman, baka pagalitan kami noong majubis na library staff eh, akala mo naman ikinaganda niya yung paglaki ng mata at butas ng ilong niya sa tuwing pinapagalitan niya yung mga students.

Pumwesto narin kami sa may kaliwang banda nga library, doon malapit sa air con para dama ang lamig.

Naikwento ni Sean yung buhay pamilya niya, may tatlong anak na siya at limang taong gulang ang bunso niya. CHAROT! Tungkol sa mga bagay bagay ang napag usapan namin, kung bakit nga raw ba ako lumipat dito, ano ang naging kurso ko sa dati kong paaralan, kala mo naman wala siya noong nagpakilala ako.

"Library ito, bawal mag landian" singit ng library staff namin na mukha rin namang singit na walang aruga, yak. Napalingon yung ibang estudyante sa amin.

"Po? Hala miss, hindi po kami naglalandian" ouch dineny pero laban papables, makalusot lang tayo.

"Anong hindi? Umayos kayo ha? Naku mga kabataan nga naman ngayon" sabi niya sabay walk out, bat ang bitter neto? Wala sigurong nanliligaw neto.

Sakto pag talikod ni Miss Taray eh nag bell naman, nagtinginan kami ni Sean at nagngitian, char kelegs. Pero yung totoo, nayayamot talaga si Sean, ikaw ba naman mapahiya sa dami ng tao doon sa library dahil sa air con.

"Uyyyy ano yan"

"Bat sabay kayo"

"Naknang, saan kayo galing"

Naging tampulan kami ng asaran pagbalik namin sa silid, yung ba pangisi ngisi pa habang nakatingin, yung iba naman may ibang kahulugan yung tingin. Patawa tawa naman si Sean habang nag aapiran silang magkakaibigan. Ako naman dumeretso na sa likuran kung asan ang upuan ko, late enrollee kasi ang lola niyo kaya ayan, pero if I would be given a chance to choose my seat, pipiliin ko sa harapan charot, wala lang feeling matalino ako eh.

"Miss Bubog, okay ka lang ba sa iyong pwesto? Mukhang nahihirapan ka?" Ay sa wakas napansin ni ma'am, hinihintay ko lang din naman kasi na mamention niya yun, na sa may pinakalikuran sa kaliwa ang pwesto ko so medyo mahirap hirap talaga.

"Ah? Eh yon nga po ma'am, nais ko po sanang lumipat sa may bandang gitna." Kakamot kamot kong sagot, lenchak mukhang dumadami na yung kuto ko at napapanahon talaga pag may nagtatanong sakin eh no? Maka spray nga ng baygon.

"TABI NA TAYO PING!" Biglang sigaw ni Sean na ikinagulat ng lahat maging akong, kunot noo ko siyang tinignan, nalamigan ba utak neto kanina sa library?

Tumayo ang gwapo papunta sa pwesto ko sabay akay sa may bandang gitna kung saan may dalawang bakanteng upuan. Naging tampulan na naman kami ng tukso ng mga kaklase naming kulang sa aruga kung maka tukso, si ma'am naman kahit na weiweirduhan eh pangiti ngiti rin, wow ha?

Nang naging komportable na kami sa upuan namin, nagsimula narin mag rap si ma'am sa harapan este nag turo pala, hindi ko rin naman naintindihan. Paano ba naman, kanina pa ngisi ngisi tong katabi kko natatakot na nga ako at baka nalamigan talaga utak niya dahil sa lamig ng library kanina or crush yata ako neto, yiiiee talande, asa ka pa lul.

"Ping" bulong niya sa akin, enebe nekekelete, bagya akong umusog papalapit sakanya.

"Oh" kunwari walang interest kong sagot, MAPAGPANGGAP!

"May tanong ako" mahinang sagot niya na animoy isang anghel na may magandang tinig na kaysarap pakinggan charot.

"Ano?" bahagya pa akong lumingon, kunwari focus ako Kay ma'am ganern.


"May boyfriend ka na?"

Nilandi pero di sineryoso. [2019]Where stories live. Discover now