Chapter 2

85 4 0
                                    

Ang weird. Alam niyo yung nasanay kayo sa mga bagay na nakasanayan niyo? Wait, ano daw? Pero yun nga, yung nasanay ka sa malaki, mahaba-haba at sa mabilog na campus. OO CAMPUS ANG SINASABI KO ANG DUMI NG UTAK MO HA.

Pero kahit gaano pa ka yummy ang nakasanayan mo, tatanggapin mo nalang, andito na ako eh, ang pangit naman kung bigla akong mag tratransfer ulet eh no? Parang tanga.

"Teka Miss, excuse me" sabay kalawit ko sa babaeng nakatalikod.

"Ay sorry, sige daan ka na" luh parang shunga, napakamot nalang ako sa ulo ko, dumami ata yung mga lisa ko yak!

"Ay hindi, itatanong ko lang ho sana kung saan tong room na to" ngisi ngisi kong tanong, napa kunot-noo naman ang babae

"Wala kang gps?" Teka kailangan pa ba nun?

"Hehe wala eh" ang kati na talaga ng ulo ko, asar!

"Ahhhh, sa likod ng building na yan doon yung room na hinahanap mo" turo niya sa building sa harapan namin. Sows, eh doon lang pala sa likod maka gps pa ang gaga.

"Sige te, salamat. Yung kulangot mo pala sumisilip" paalam ko sa kanya.

Iba rin yung ihip ng hangin ng probinsya eh no? Parang parang hmmmm, teka bakit ang bantot? Napatingin ako sa bandang kaliwa ko, pakshet ang bantot ng CR ditey! Ano ba to, mukhang pambabae eh.

Pagpasok ko shet na malagket parang air freshener na kaka spray ang bumungad sa akin, mukhang mas mabango pa ata pukengkeng ng aso namin dito eh. Pagharap ko sa kaliwa, may malaking salamin, syempre todo pose naman, pang Asia's next top model ang peg.

Sa kalagitnaan ng photoshoot ko sa cr, may narinig akong umuungol sa isa sa cubicle dito. Dahan dahan akong naglakad papunta roon, pigil hininga akong sumilip kasi lalong lumalakas ang mabahong amoy, kinakabahan ako sa ginagawa ko bes, giniginaw at hindi makagalaw, nahihirapan ang pusong pinipilit ay ikaw, CHAROT!

Nilakasan ko na yung loob ko, dahan dahan kong tinulak yung cubicle. Aba! Nakabukas, kaya ayon nilakasan ko ang pagtulak.

"HOY ANO BA, TUMATAE AKO!" Sigaw noong babae sa luob ng cubicle na hindi alam ang gagawin kung maghuhugas ba siya ng pwet o tatayo na kasi kitang kita na yung kepay niya.

"SHET BLACK FOREST!" Sigaw ko naman, lalong namula yung babae na akala mo naman ikinaganda niya. Pero sobrang baho na talaga kaya tumakbo na ako palabas, nakalimutan ko pang isara yung pintuan ng cubicle niya, bahala siya, malaki na siya may bulbol na nga eh, kulot pa.

Sa wakas nakarating na rin ako sa room na naka assign sa akin. Halos nakatingin sa akin yung mga tao sa room, ikaw ba naman makakita ng dyosa di ka matutulala? Chos!

Ngumisi lang ako sa kanila tapos umupo sa unang upuan sa ikatlong row, in short sa may center aisle banda.

Ang init naman ditey! Pinapaypayan ko yung sarili ko nang pumasok yung professor namin. Sa akin siya unang tumingin, kasi haler? Sa ganda kong ito talagang kapansin pansin ako charot. Awkward akong ngumiti sa kanya.

"Alright class, looks like we have a transferee, please introduce yourself here in front miss" dere deretso niyang sabi, wow hindi man lang nag good morning.

Dahan dahan akong naglakad sa harapan tapos nag slow-mo turn ako gaya noong kay Catriona Gray tapos pagharap ko sa mga kaklase ko ayun titig na titig, yummy ko kaya.

"Ehem ehem" pa suspense kunwari, dami kong drama sa buhay "Hi Good morning, My Name is Sophia Ellen Bubog, a 20 year old stunner, I'm a former Mass Communication student and a transferee from the University of Shungantadia, hope we'll get along well, thank you" pabebe kong pakilala with matching maalindog na poise.

"Eh ano kayo ngayon? Nga nga?" Sabi noong bakla sa may likuran, ang tahimik nila, wow.

"Alright thank you Ms. Bubog, I hope you enjoy your stay here in this college, let's start shall we?" Wow kung maka "I hope you enjoy your stay" si ma'am eh nag bakasyon ako sa isang 5 star hotel eh.

So ayun nga wala namang espesyal na nangyari sa buong araw ko kundi pakilala eklavu nalang sa bawat enrolled subject.

At gaya ng mga naunang araw ko sa paaralan, loner parin ang beauty ko.

Tamang punta lang sa canteen pag kakain tapos tambay sa library pag vacant kala mo naman ang tali-talino eh nakiki air con lang naman.

Pagsapit ng alas dos lumabas na ako sa library at tumungo na sa class room, mahaba habang lakaran din itey.  Tingib tingin din sa akin yung ibang mga estudyante kasi ako lang yung hindi pa nakapag uniform, eh one month naman yung binigay ma palugit para mag civilian ako eh kay sinulit ko na

"Hi" bati ng isang lalaking bigla nalang sumabay sa akin sa paglalakad. Napakunot noo akong tumingin sa kanya, ngisi ngisi naman si koya, "Ikaw yung transferee diba? Classmate kita kanina sa math eh, pati rin din ba sa Filipino? Ay Sean nga pala" grabe ang daming sinasabi, pero at least may kilala na rin ako

"Ay sophia pala, pero you can call me ping. And yes, Filipino din next class ko, classmates tayo" ngiti ngiti ko, cute rin naman si kuya eh, yun nga lang kapansin pansin yung pimple niya sa noo na mukhang puputok na.

"Ayos! Sige pasok ka na, friend na kita ha?"

"Hehe sige" litse bat ang pabebe ko.

Nilandi pero di sineryoso. [2019]Where stories live. Discover now