Miyerkules. Pebrero katorse taong dalawang libo and eighteen charot. Dahil medyo napaaga ang gising ko ngayong araw, napa aga rin ang pagpunta ko sa eskwelahan na isang malaking himala dahil palagi akong late lols.Puno ng mga lobong naka hugis puso ang hallway, Hindi ko alam kung nabibitter ba ako oh sadyang naaawa ako kay mother nature dahil madami na namang matatapong plastic sa kung saan saan. Charot lang bitter lang talaga ako, at dahil hindi rin papahuli ang aming eklavung paaralan sa mga dress code dress code kuno, heto ako ngayon basang basa sa ulan ay wait mali ayun nga eto ako ngayon daig pa ang mga sinaunang emo sa super all black outfit ko. Trip kong mag drama at magpapansin eh urur.
"Hoy Jomar anong ginagawa mo diyan?" Sigaw ko sa isa kong kaklaseng ang sarap ilibing sa ilalim ng dagat dahil sa kakulitan. Eh ang mokong, nakita ko ba namang pasimpleng linalagay sa bag niya ang isa maliit na heart balloon.
"Uy good morning ping! Wala baka maunahan nila ako eh, Wala akong maibigay sa gelprend ko pag nagkataon" dere deretso niyang sagot habang inaayos ang bag niya.
"Langya ka, maparaan ka rin eh no? Seryoso ka?"
"Ha? Mukha ba akong nag jojoke? Te, wala ka say wow mali. Gising gising hoy" ngisi ngising kantyaw ng dumuho
"Balakajan" lintek na unggoy, umagang umaga eh kung maka pang dekwat ng lobo parang member ng salisi gang eh.
Pag dating ko sa room bigla namang nag heart heart yung beautiful eyes ko dahil naka couple shirt kami ni krass este ni Sean. Naka black din ang actor natin mga bessss! COUPLE KAMI NGAYON SHET NA MALAGKET
"Uy good morning ping, happy balemtayms" pa kyot si koya ih, pero wait anudaw? Bopols din to eh.
"Happy Valentine's din po, asan na gift ko?" Ay shet bat ko natanong yun? Feeling girlfriend ganern?
"Ha anong gift?" Yung heart mo yiieeee lande
"Ha? Gift anong gift? Sinong nagsabi ng gift" patay mali kong sagot habang inaayos yung bag ko, di pa pala ako nakaka upo, maka upo na nga lol.
Fast forward na tayo mga baks, di nga ako nakinig sa lecture namin eh, tapos ikukwento ko sa inyo na ang manta ray daw eh 9 months din pinag bubuntis ang baby manta ray, pero di ako sure kasi nga di ako nakinig diba?
"Ping, dun na tayo sa bhouse mag lunch" Sabi sa akin ni Sean, wait Lang inaaya niya ba akong makipag date? Hayaan niyo akong mag assume mga kontrabida to.
______________________________________
Author's note:
Hi, sorry natagalan at sabaw na sabaw yung update huhu, medyo naging busy rin ako sa life ko eh, Hindi ko alam kung saan ko iinsert ang pagsusulat ko dahil sa trainings ko sa softball tsaka sa pag aaral ko rin tapos nasira pa cp kooooo. Pasensya na talaga, lam niyo na medyo boplaks din si author ganern. Babawi ako promise! Love lots XOXO