Natulala ako sa tanong ni Sean. Nung natagalan akong sumagot ay lumingon siya sa akin at ngumiti, bahagyang tumaas ang mga kilay niya, shet wait lang.
"Wele" pabebe kong sagot.
"Ha?" Nankang, wait lang neheheye eke.
"Wele ekeng beypren" talandeeee
"HOY ANO YANNNNN" Tukso noong isang chismosong bakla sa likuran namin, Si Verg short for Vergilio.
Sabay kaming lumingon ni Sean, at ang mokong tinawanan lang si bakla, teka wait lang, assuming na ba ako neto?
"Maniwala ako sa'yo, sa ganda mong yan" pambobola ng papables.
"Ganda lang ang meron ako walang boypren" confident na sagot ko, pak ganern!
"Sus, don't lie. Baka naman may naiwan kang boyfriend sa City niyan ha"
"Wele nge iiiih" shet baka tuluyan na akong mag baby talk neto.
Si Verg naman, tukso ng tukso sa likuran kala mo naman may pumapansin sa kanya, upakan ko yan eh.
"Ah sige kunwari naniniwala ako" ngisi ngising sagot ni gwapo, hindi narin ako nakasagot dahil mukhang wala rin naman akong masagot kasi nakikipaglandian ako, asar.
Niyaya ako ni Sean na kumain sa boarding house nila, umOo narin ako sa dalawang dahilan, una wala akong kasabay kumain sa canteen at baka magmukmok na naman ako sa library at sumobra ang katalinuhan ko, pangalawa nanlalandi na naman ako.
Pagdating doon, nakilala ko ang ibang boardmates niya na surprisingly kaklase din pala namin, wow bat di ko napansin.
Todo asikaso naman si gwapo sa akin, kasi haler? Bisita ako, iwas iwas din tayo sa pag assume.
Simula noon, naging madalas narin yung pagpunta ko sa boarding house nila, kasi hindi lang naman siya ang naging ka close ko kundi ang mga boardmates niya rin lalo na si Kuya Jeff na distant relative ko pala.
BUWAN ng pebrero kung saan mas nagiging aktibo ang mga kalahi kong malalantod pagdating kay krass.
Yung tipong aasa na naman na mapansin ni crush, oh di kaya aasa na magbibigay ng flowers and chocolates ang mga secret admirer kahit wala naman.
Pebrero labing-tatlo taong kopong kopong, kahapunan noon biglang bumulong na naman si Sean, walang klase kasi may biglang meeting si ma'am kaya nag iwan nalang siya ng seatwork at dahil mabait ako kunwari nagsusulat ako.
"Ping" bulong niya, shet kelegs
"Po?" Kunwari serious ako sa ginagawa ko.
"May plano ka na bukas?" Teka wait lang.
"Ha? Anong meron bukas?" AMALAYER! Mapagpanggap, kunwari hindi alam.
"Valemtimes bukas" yak wait medjo sumemplang si koya doon ah.
"Ay oo nga no? Bakit pala" kunwari mangmang ganern
"Ah, half day lang kasi tayo bukas. Uuwi ka ng maaga?" Tanong niya
"Hmmm oo, ano naman gagawin ko bukas" yiiieee paveve
"Ay wag, mag whole day ka. Sige na, kain tayo libre kita ng ice cream" Shet eto na mga talanders!
"Ha? Sure ka" wait konting pakipot lang.
"Oo basta wag kang uuwi ng maaga bukas" ngisi ngisi niyang sagot.
"Ay iba talaga yung friend ko" kantyaw ni Joshua. Pabebe naman akong tumawa.