Prologue

63 16 3
                                    

4 years ago

May 13, 2015

Ito yung isa sa mga araw na pinakahihintay ko. Ito kasi yung araw na magkakasama kami na pamilya ko.
Hindi ko din mapigilan ang nararamdaman ko kasi niluto din ni Mama ang mga paborito kong pagkain. At mamayang gabi, dadating si Papa dahil binilhan niya ako ng paborito kong cake.

Sa araw na ito, pinagdiriwang namin ang ika-labinglimang kaarawan ko. I thanked God for giving me yet another year existing in this world.

Laking pasalamat ko din ito dahil hindi lahat ng mga tao ang pinibigyan ng pagkakataon na mabuhay pa. Yung iba pa nga naghihingalo na para malaban yung buhay nila.

Bigla na lang nawala yung nasa isipan ko ng bigla akong tinawag ni Mama.

"Maia!! Pwede bang tulungan mo ako dito sa pagluluto? Para na rin matapos na din ito at maghintay nalang na dumating yung Papa mo." narinig kong sabi ni mama galing sa kusina ng aming bahay.

"Opo Ma!! Nandyan na po!!" dali-dali kong sabi at tsaka nagmamadaling pumunta sa kusina.

Makalipas ang ilang oras ay natapos na rin ang pagluluto para sa handa ng aking kaarawan. Naayos na din ang lamesa at ang mga iba pang pagkain. Simple lang ang handa namin at kaming tatlo lamang ang magsasalo ngayong kaarawan ko.

Naghihintay na lang kami ni Mama na dumating si Papa galing sa kanyang trabaho. Paminsan-minsan na lang kasi umuuwi si Papa. Kailangan niya kasing mag-stay sa trabaho niya sa isang Manufacturer ng mga produkto.

Naiintindihan ko naman si Papa dahil ginagawa niya ito para sa amin ni Mama. Para na rin may makakain kami at may pangtustos sa aking pag-aaral. Scholar kasi ako sa isang Unibersidad pero may mga fees na kailangan bayaran.

Masayang-masaya ako ngayon dahil pinayagan si Papa sa kanyang trabaho na umuwi dito sa amin. Kahit na bukas ay alam kong babalik naman siya doon pero makakasama ko siya sa espesyal na araw ko.

Everything ChangesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon