March 12, 2019
ANG MGA ulap sa langit ay unti-unti ng dumidilim. Nagsisimula ng maglitawan ng mga tila sa itaas. Ang asul at itim ay naghalo para mapansin na gumagabi na nga. Ang simoy ng hangin ay medyo tahimik at makakaramdam ka ng lamig. Sana naman hindi umulan dahil wala akong dalang payong. Nakalimutan ko ding magdala ng phone. Malas talaga.
Ewan ko kung anong lugar ang kinalalagyan ko ngayon. Hindi ko na din pamilyar ang mga daan na tinungo ko kanina. Nagpatuloy lang kasi ako nang paglalakad kahit hindi ko alam kung saan ako pupunta.
Siguro nadala rin ako sa aking mga iniisip. Hindi ko na napapansin kung saang daan ako patutungo. Ilang oras din akong naglakad pero hindi pa din ako nakakaramdam ng pangangalay sa aking paa.
Nilibot ko ang aking paningin kung nasaan ako ngayon. May kalsada na nakapwesto sa gitna ng mga puno. Mga punong nagdudulot ng sariwang hangin. Makikita din dito na walang masyadong sasakyan na dumadaan sa kalsada.
Jusko, nasaan na ba ako?
Bumuntong-hininga na lamang ako dahil kasalanan ko din naman kung bakit naliligaw na ako dito. Pero ang tahimik dito, parang inaanyayahan ka na sumama sa kanya at ipalagay ang kalooban mo. Parang pinapagaan niya kung ano ang dinadamdam mo.
Kaya naisipan ko na pumunta sa mga puno at naglakad. Wala naman sigurong wild animals na nandito. Ang liwanag lamang ng buwan ay siyang nakapagbibigay ng liwanag dito sa kagubatan. Hindi ko din masyadong makita ang nasa paligid ko ngayon.
Nagpatuloy lamang ako sa paglalakad hanggang may makita ako. Isang tanawin na nakabighani ng aking atensyon. Parang hinihila ka niya na lapitan iyon.
Kaya lumapit ako kung nasaan ito. Tinignan ko itong mabuti at napangiti ako ng masilayan ko na ang ganda pala ng bulaklak na ito.
Isa itong puting rosas.
Nilibot ko uli ang aking paningin sa paligid dahil nagbabasakali akong may makita pang mga bulaklak pero bigo akong makita iyon. Baka wala na ngang ibang bulaklak dito. Nakapagtataka naman dahil imposible namang tumubo lang ito ng walang nagtatanim. Puro lang kasi mga puno ang nandito. Baka nga may nagtanim na tao dito.
Ibinalik ko din ang aking paningin sa puting rosas. Napangiti ako dahil sa dinami-dami ng mga puno na nandito sadyang mapapansin pa rin siya kahit napakaliit niya. Kahit na nag-iisa siya dito, hindi pa rin mawawala na kapag tumingin ka dito ay makaka-agaw ito ng pansin.
Ang nag-iisang rosas na pinapalibutan ng isang-daang mga puno.
Kapag sinuri mo ito ng mabuti ay makikita ang mga maliit na dumi sa petals baka dahil sa lupa. Pero, parang wala lang ito kung titignan. Kahit may dumi kang makikita ay makikita mo pa din ang taglay na kagandahan at ang tunay na loob nito.
Naalala ko bigla kung anong ibig sabihin ng isang puting rosas. Mapapangiti ka na lang kapag nalaman mo ang kahulugan nito.
A white rose symbolizes purity, symphaty, innocence, and love.
Sumasakto sa kulay nito ang ibig sabihin ng bulaklak na ito. Ang puti ay nagsisimbolo sa puro nitong kalooban .
Ilang minuto din akong nakatitig sa bulaklak hanggang sa may narinig akong isang boses na nangagaling sa malayong parte ng gubat.
May ibang tao ang nandito? Wala naman akong narinig o nakitang may taong lumalakad dito sa gubat. Baka may pumapasyal dito.
Sa aking kuryosidad ay tumayo na ako sa aking pagkaka-upo at nag paalam na sa puting rosas. Medyo nakakatawa pero ayaw kong iwan ang rosas na ito. Gusto ko kasing malaman kung sino ang mga taong nandito.
![](https://img.wattpad.com/cover/175102470-288-k510420.jpg)
BINABASA MO ANG
Everything Changes
RomanceEverything was normal. Everything was perfect in her eyes. But what made her world turn upside down?