Present Time
March 11, 2019
LUNES ngayon. Malapit na ding matapos ang semester sa pagiging SHS ko sa Unibersidad na ito. Parang kailan lang na pumasok ako dito para mag-aral sa JHS Dept. Totoo nga ang mga sinasabi nila na , "Time flies fast."
Naalala ko noon na masaya kaming nagtatakbuhan sa grass land sa ibang Department noong mga JHS years namin. Walang mga problemang iniinda at walang kamalay-malay sa mga nangyayari.
Masarap balikan ang mga panahon kung saan bilang isang bata na walang masyadong iniisip. Walang kaalam-alam kung ano ang nangyayari sa mundo. Hindi nila malalaman ang mga masasaklap na nangyayari sa bawat tao.
Gusto kong bumalik sa aking pagkabata kung saan ang inaalala ko lang ang mga laro na nilalaro sa labas ng aming bahay. Sa kalsada kung saan nagaganap ang patintero ng mga batang walang magawa. At ang mga sigaw ng mga nanay na dapat matulog para mas tumangkad.
Kung papiliin ako kung kailan ako babalik sa pagiging bata, ay pipiliin ko na ngayon na. Ngayon. Hindi ko na dapat pag-iisipan kung kailan ako babalik dahil gusto ko ngayon. Para bumalik ako sa mga masasayang alaala na ibinaon ko sa mga taon na iyon.
At para na rin kapag bumalik ako sa panahong iyon, may magawa ako. Ang isang pangyayari na sana ay mababago ko. Na sana ay pwede ko iyong mabalik at baguhin ang pangyayari. Baka mabago na ang takbo ng buhay ko ngayon.
Nang dahil kasi sa pangyayaring iyon, nagkawasak-wasak na ang buhay ko ngayon. Wasak na wasak na kapag bubuoin mo ito ay hindi na maayos pa. Kahit ilang beses mo pa itong ayusin ay makikita pa din ang mga bakat ng mga sakit na dinanas ko.
Natigil ako sa aking pag-iisip na tinawag ako ng isa kong kaklase na si Marga.
"Uy Maia. Kanina ka pa nakatulala diyan. Ano bang iniisip mo? Pagod ka ba dahil sa mga tasks na kailangang ipasa ngayon? Okay ka lang?" nakita ko sa kanyang mukha na parang nag-aalala siya sa akin. Siya iyong kaibigan ko na parang tensyonado kapag nagsasalita. Si Marga ay mabait at maganda. Ewan ko lang kung bakit ganyan siya magsalita.
"Ha? Okay lang kaya ako. Saka natapos ko na naman ang mga tasks. Uuwi na ako pagkatapos kong ayusin tong mga gamit na kailangan para bukas." sabi ko kay Marga na nanatiling nakatingin sa akin.
"Ah, okay. Basta kapag may problema ka ha, nandito lang ako. " nakangiting sabi ni Marga na nagpagaan ng loob ko pero kaagad itong nawala.
Hindi Marga. Kasi kahit sasabihin ko ang mga ito sa iyo, hindi ito magpapabago sa nararamdaman ko. Mas mabuti pa na hindi ko sasabihin sa iyo kasi baka makita mo kung gaano ako kawasak ngayon..
UMUWI na ako kagaya ng sinabi ko kay Marga, may inayos lang ako saglit sa aking mga gamit para bukas.
Ilang metro na lang ay makakarating na ako sa bahay namin. Walking distance lang kasi yung bahay namin sa Unibersidad.
Ilang saglit pa ay nakarating ako sa amin. Sumalubong sa akin ang katahimikan. Ang tanging ingay na naririnig ko ay ang mga takbo ng mga sasakyan na nasa labas ng bahay namin.
Inilagay ko ang aking bag sa aking kwarto at nagbihis ng kaswal na damit. Gumawa muna ako ng assignment at tinapos muna ang mga gawain para wala na akong gagawin mamaya.
Pagkatapos kung gumawa ng mga assignments ay pumunta ako sa sala. Nanatili parin ang katahimikan dito sa bahay. Baka isipin nga ng iba na walang tumitira dito dahil nakapatahimik.
BINABASA MO ANG
Everything Changes
Любовные романыEverything was normal. Everything was perfect in her eyes. But what made her world turn upside down?
