Chapter 2

22 7 0
                                        

March 12, 2019

PAGKAGISING ko ay nakaramdam ako ng sakit sa kamay ko. Napangiwi ako ng bumangon ako kasi biglang nasamid ang aking kamay sa gilid ng kama.

Tinignan ko ito at bakas pa rin ang dugo na galing sa ginawa ko kahapon. Mapapansin rin na kailangan ko na ring palitan ang band aid kasi bakas na ang mga dugo sa sugat ko.

Tumayo na ako sa aking higaan papuntang sala ng may naamoy akong isang baho. Sininghot ko ito at malalaman mo na isa itong panlalaking perfume.

Saan naman kaya nangaling ang amoy na iyon eh mag-isa lamang ako dito sa bahay. Tapos wala din namang pumasok na lalaki rito.

Napahinto ako ng bigla kong naalala na may nakita akong anino ng lalaki kahapon. Nakangunot noo ang nag-iisip dahil hindi ko naman naamoy ang baho na ito kahapon.

Bigla akong kinabahan na baka nandito pa ang lalaking iyon kaya linibot ko ang buong bahay kung may makita akong isang lalaki.

Wala sa kusina.

Wala sa sala.

Wala sa banyo.

Wala din naman sa kwarto ko.

Wala akong nakitang isang tao at hindi ko din naman naramdaman ang presensya na may tao dito sa loob ng bahay.

Ipinagbahala ko na iyon at nagkunwaring hindi ako nag-aalala dito na baka may biglang saksakin ako ng kutsilyo o barilin ng patahimik.

At kinain naman ng sistema ang aking katawan sa mga kalungkutan at ng pagiging mag-isa.

Pero bakit naman ako mag-aalala? Iyon ang gusto mong mangyari, diba Maia? Mas mabuti pa ngang mamatay ka na.

PAGKATAPOS kong kumain ay inayos ko ang mga plato at hinugasan ko na rin ito. Tumingin ako sa orasan ay alas-nuebe na pala ng umaga. Kung pumasok ako kanina ay wala pang alas-syete ay nandoon na ako sa Unibersidad.

Absent ako ngayon. Hindi ako magtataka dahil alam ko na ang mga kaklase ko ay nababahala dahil absent ako ngayon. Ako kasi ang tipo ng studyante na hindi palaging na-le-late or pala-absent.

Isa akong studyante na may pakialam sa kanyang mga grado. Ginagawa ko ang lahat para makakuha ako ng mataas na marka.

Ewan ko sa aking sarili kung bakit naisipan ko na umabsent ngayon. Gusto ko lang talagang makapagpahinga at makapag-isip ng maayos. Gusto kong lumakad sa lumayo at walang iniisip na mga bagay.

Gusto kong maging mag-isa. Mag-isang lumalakad ng payapa at hindi nagpapadala sa mga sinasabi ng aking isipan at emosyon.

Kinuha ko ang aking phone at tama nga ang hinala ko. Ang mga kaklase ko at adviser ko ay tinadtad ako ng mga messages.

23 messages received:

From Marga

From Hadel

From Sean

From Asher

From Ms. Jole

Iilan lamang iyan sa mga messages na aking natanggap sa kanila. Hindi ko na iyon binasa dahil alam kong tatanungin nila ako kung bakit ako umabsent at nasaan ako ngayon. Sana lang hindi sila maghinala. Kampante naman ako na hindi nila malalaman kung nasaan ako dahil hindi nila alam kung saan ako nakatira.

Ibinalik ko ang phone ko sa cabinet at pagkatapos ay kumuha ako ng tuwalya para maligo kasi may pupuntahan ako ngayon.

Nakabihis na ako ng isang simpleng red t-shirt at skinny jeans. Sinuot ko din ang rubber shoes na binigay sa akin ng aking Auntie Rama kasi noon napansin niya na ang rubber shoes na sinuot ko noon ay medyo may sira na.

Everything ChangesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon