Chapter Two: The World Turns Upside Down

117 0 0
                                    

Chapter Two: The World Turned Upside Down

Naniningkit ang mga mata kong sinundan siya. Kung alam niya lang kung gano ko siya tinotorture sa imagination ko, nako! Nakakainis talaga!

Tahimik lang siyang naglalakad habang nakalagay sa dalawang bulsa niya ang mga kamay niya. Saktong-sakto ang sukat ng uniform niya para bumakat ang katawan niyang laki sa gym. He also has his wavy and slightly mohuk, dark brown hair. As far as I could remember he's like a typical american teen guy. He has his squared jaw, thick brows, piercing brown eyes, tipped nose and soft lips. Hep hep! Clarification lang po. Nandidiri pa rin ako sa kanya kahit na may itsura siya. Yes I agree. Totoo naman kasing gwapo siya at hindi na maipagkakaila yun but I LOATHED him ok? I just described him para naman ma-imagine niyo ang itsura nitong menopause baby na to.

Hindi ko alam na tumigil pala siya kaya namang nauntog ako sa likod niya.

He faced me, exasperated, and said, "Will you please get lost? Bakit mo ba ako sinusundan?" then I saw his jaw clenched dahil yata sa gigil.

I blinked several times. Wait. . . Totoo ba itey? Nagtagalog siya? Akalain mo yun, may konti pa palang pagka-Pilipino ang lalaking to? Wow, this is news to me. Tuwing kakausapin kasi ako nitong lalaking ito ay palaging english ang ginagamit kaya pag nagsalita siya ng tagalog, nalalaglag na lang ang panga ko. Hmp. Pero mas bagay talaga sa kanya ang English language kesa Filipino. Siguro nasanay na ako kaya uncomfortable ako kapag tagalog ginagamit niya. And he's so masculine sa pagsasalita ng English. Ayay! Ano ba to? Psh.

I raised my right brow, "Ako?" tinuro ko ang sarili ko, "Susundan ka?" nilapit ko pa ang sarili ko sa kanya at medyo nakaangat ang ulo kong lumapit sa kanya. Hanggang tenga niya lang kasi ako eh. "Asa." I mouthed to him then I pushed him out of the way at iniwan ko na siya.

Geez! Thumbs up for me! Kahit papaano nakaganti rin ako. Kung kaya niyang mang-inis, aba, kaya ko rin.

"Trisia, bakit naman ang tagal mo?" tanong agad ni Sophie pagkaupo ko sa tabi niya.

Nasa gitna ng covered court ang mga estudyanteng bibigyan ng awards at by year and by ranking and as usual I'm second from the top at sinundan ako ni Sophie. Classmate ko rin kasi siya kaya naman tulungan kami sa pag-aaral (But mostly, nagkokopyahan kami xD). At wag niyo nang tanungin kung sino ang nagTop sa year namin. Err.. Iniisip ko palang na makakatabi ko siya nandidiri at naiirita na ako eh.

"Ah, wala naman, may delubyo lang kasi akong sinagupa." I fake a smile. Psh. Delubyo talaga. Delubyo sa pang-iinis.

Nagulat nalang ako nang biglang kinilig si Sophie. Anong meron?

"Trish!" she said, giggling, while knocking my side using her elbow. "The Prince is coming! Haleluja, baby!"

and before I know it, may lalaking umupo sa tabi ko. Err. Andito na pala siya.

"Haay nako, kung pwede lang sanang lumipat . . . Baka mahawa ako ng HIV!" I said loudly pero sigurado akong narinig niya.

Napangiti ako bigla nang marinig ko ang pagkainis niya. Oh yeah! Kaya ko pala siyang inisin! This'll gonna be fun for me!

Pero nagulat ako nang hinablot niya ang braso ko at may inilagay sa kamay ko at sabay hagis ulit ng kamay ko pabalik sakin na para bang diring diri.

I frowned nang makita kong nasa kamay ko ang isang hi-tech na XLR camera.

I faced him with puzzled expression, "A-ano 'to?"

Tumingin siya sakin pero mata niya lang ang ibinirik niya. Grr. Napaka suplado talaga nito!

"Tss. Camera. Ano sa tingin mo yan?" he rolled his eyes to me at ibinalik na ang paningin niya sa stage kung saan pinaparangalan na ang mga awardee ng first year college.

He's My SpyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon