YMOM 1

12.2K 253 4
                                    

ART KIEL CRUZ

"Hoy bakla! ano tutunga-nga ka nalang ba diyan?" nagising ako ng biglang nagsalita si tita sa harapan ko, naku naman to si tita kanina pa ako nag di-day dreaming dito eh!

"Bakit po?" tanong ko rito, nag pamewang naman siya at nagtaas ng kilay, akala mo talaga ang ganda-ganda niya para gumanyan siya eh! kilubot na ang mukha niya tas ang puti-puti pa nito na hindi pumantay sa leeg niya tapos akala mo laging may problema sa mundo kasi laging galit.

"Aba eh! ang daming hugasan dun sa lababo! wala nang magamit ang mga costumer dun sa labas! kanina ka pa nakatayo diyan!" oh diba? galit na galit nanaman siya friend!

"Ay sige po tita." kaagad akong pumasok sa kusina at dumeretso sa lababo at boom! malabundok na ang taas ng hugasan.

"Uy ito pa isama mo na." sabi ni kuya tj isa sa mga trabahador dito at naglagay nanaman ng panibagong plato.

Ay wow!

Ngumiti na lamang ako at sinimulan ang paghuhugas ng plato, ganito ang naging buhay ko buong summer tumutulong kay tita Onelia dito sa kanyang karenderya well okay naman tong karenderya niya kais masarap naman daw "kuno" yung mga pagkaing
binibenta nandito lang din naman naka pwesto sa harap ng bahay niya.

Nakikitira lang kasi ako dito dahil ayun nga ulila na ako, *Sad face* oo ulila na ako (inulet!) kasi iniwan na ako ng mama ko, she died 2 years ago at simula nun dito na ako nakatira sa pamamahay ng bruhilda kong tita na akala mo maganda joke!

Di naman talaga siya maganda eh! ako lang! koke ulit!

Kung tinatanong niyo yung tungkol sa papa ko well di ko siya kilala, simula nung bata ako di ko siya nakita at inisip ko nalang nun na napulot lang ako ni mama eh pero hindi daw, iniwan daw kami ng papa ko dahil may pamilya daw itong iba.

kaya ayun kaming dalawa lang ng mama ko pero ayon iniwan na niya ako.

Ako nga pala si Art Kiel Cruz, 18 years old na dalaga na ako friend pwede nang mabuntis hahahah! as if naman pwede.

Oo bakla ako pero unlike sa iba di ako yung tipong nagsusuot ng mga pambabaeng damit, simple lang naman akong tao no.

Pagkatapos kong maghugas ay nagpunas naman ako ng lamesa sa labas kasi mag-gagabi na at mag sasara na din kami.

"Oh Art, Bilisan mo na diyan! may pasok ka pa bukas!" Oh shoot! oo nga pala for your information bukas pala papasok na ako sa bago kong school kasi nung napunta ako dito kanila tita ay nag exam ako sa mga school dito at luckily nakapasa ako sa isa sa mga ito kaya nagkaroon ako ng scholarship.

"Sige po tita." sagot ko at nagmadali na, pagkatapos kong mag linis ay pumasok na ako sa loob ng bahay at pumunta sa kwarto, oo may kwarto naman ako kahit papaano kwarto ito ng anak ni tita pero ngayon wala na dahil nasa ibang bansa nag tatrabaho wala na din namang asawa si tita dahil namatay ito sa Aksidente kaya pansin niyo masungit dahil di na siya nadidiligan choss!

Inayos ko muna ang sarili ko at pati na din ang bag ko para bukas

napabuntong hininga nalang ako, malaki ang university na papasukan ko at medyo may kamahalan din ang tuition pero buti at scholar ako dun oo nga pala ang pangalan pala ng school ay Wellinford University sabi nila sikat daw ang school na yun kaya nga ang hirap ng exam nila at karamihan daw dun ay mayayaman ofcourse ni research ko yun dun sa computer shop na katabi namin, wala naman kasi akong cellphone eh.

Tiningnan ko ang allwhite uniform ko na naka hanger psychology ang course na kinuha ko kasi yon naman talaga yung gusto ko dati pa at pangarap ko talaga makasuot ng all white uniform dati pa.

You're Mine Only MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon