This is a start for me again to write a new story after a long time.. i hope you all like it and please support and give me some inspiration for me to continue this story...
Take note: sorry to all the mistakes! Phone lang ang ginamit ko para isulat to ngayon.
Thanks to Julie ann for giving the title at kay halimaw sa cover!
Happy reading..
................ .
Penpen di sarapin di kutsilyo di almasin how how de karabao di batuten ,pitpit namimilipit .........
"MARISSSSSSS!" Sigaw na nagpatigil sa mga batang naglalaro aa gitna ng kalsada..
" PO?" sagot ng batang babae
"anong po? anong oras na?"
"Kuya naglalaro pa ako" reklamo ng batang babae.
" Uwi"
" eeeeehh!!! Naglalaro pa kami!"
" uwi sabi!"
" kuyaaaaa"
"isa!"
"dalawa" inis na sagot ng batang babae
" tatlo at pag sinundan mo pa ng apat makakatikim ka sa akin" galit na sabi nito
" sabi ko nga pa uuwi na! hmmmp! kainis! sige bukas na lang tayo laro pinapauwi na ako ng kuya kong higante" na pabulong pa sabi nito sa mga kaibigan na hindi naman nakaligtas sa pandinig ng kuya nya kaya nakatikim sya ng isang pingot habang akay akay sya pauwi.
..........
"Nakakainis nakakainis! " habang padabog at napapadyak sa labas ng bahay nila
" pasok na! nagrereklamo ka pa!"
" eh kasi naglalaro pa nga ako, istorbo ka! eh ang aga aga pa oh 5 pa lang , walang pang 6 na usapan natin na kailangan na nasa bahay na ako!" nakasimangot at nakatayo lang sya sa harap ng pintuan nila .
" ang dami mo pang katwiran pumasok kana sa loob"
" ayaw ko nakakainis ka kuya! piningot mo pa talaga ako sa harap ng mga kalaro ko!"
" hindi ka mapipingot kung hindi matigas ulo mo at pagsasagot mo ng pabalang"
" nangangatwiran lang ako kuya! At yan ang lagi mong sinasabi sa akin pag may katwiran ka ipaglaban mo!"
Gusto man mapangiti ng kapatid sa naririnig nito sa bunso nyang kapatid ay pinigilan nya. At itinuloy ang panenermon.
" wala sa ayos ang pangangatwiran mo!
"Nasa ayos! Ikaw ang wala! at hindi ako maiinis sayo ng ganito kung sumusunod ka sa usapan natin na hanggang six ako pwedeng maglaro sa labas"
" wala ka sa ayos dahil hindi maganda sa batang babae na inaabot ng dilim sa kalsada!"
" madilim lang pero hindi pa six o'clock!" Pagpipilit ng batang babae
"Ang kulet mo pumasok kana sa loob!"
"ayoko!!naiinis ako sayo!"
" pumasok kana sabi eh"
" ayoko nga ,kung gusto mo ikaw pumasok dito lang ako hanggang six"
" bakit ba ang tigas ng bungo mo?"
" bakit ba din ang gulo mo kausap!"
" maris di na ako natutuwa sayo "
" kanina pa ako di natutuwa din sayo!"
Sasagot na sana ang kuya nito ng mabaling ang attention nito sa biglang pagbukas ng pinto sa harap nila..
" hey fourth !what goin on here? Abot hanggang loob ang arguments nyong magkapatid"
" hay naku ikaw na nga ang makipag usap dito sa kapatid ko at sumasakit na ulo ko" sabi ni fourth na feeling nya na nakakita ng saviour dahil nauubusan na sya ng pasensya at alam nyang sobtang haba ang pasensya ng matalik nyang kaibigan at kayang kaya nito e-handle ang kapatid nyang sobrang tigas ng bungo at pumasok na sya sa loob ng bahay at iniwan ang dalawa.
" bata what did you do this time?"
" eh si kuya ang usapan namin until 6 ako pwedeng maglaro sa labas pero 5 pa lang pinapauwi na ako" sumbong ng batang si maris
" please understand your kuya, kasi nga madilim na sa labas kaya pinauwi ka na nya"
" pero ang usapan ay usapan!" Maktol ng bata.
Napailang na lang ang binatang si daniel at biglang kinarga ang batang babae sa loob ng bahay . At ini-lock ang pinto ng di na makalabas ang matigas na ulo na si maris.
"Ahhhh kuya daniellllllll!..."
"Now go to your room and take a bath because you smell bad "
" Ewan ko sayo! Magsama kayo ni kuya mga GURANG! grrrrr! Sabay pasok at malakas na isinara ang pinto . Kaya napailing ulit ang binata na si daniel.
Pero pagkapasok naman ng batang si maris ay nagbago ang expression ng mukha at ngumiti ng pagka tamis tamis! At sabay yakap sa sarili na kinilig kilig at masiglang pumasok sa loob ng banyo......