lagi akong nag ask ng like di pala to facebook wala man lang nag correct sa akin lol..
Please Vote and Comment...
Thanks ... and Sarreh kung sabaw at tagal ng UD..
Mye <3
......................................................................................
Maris
Umaga pa lang wala na ako sa mood .. Sabi ni kuya kanina dinatnan na naman ako ng topak. Hay ewan ko ba napaka emotional ko ngayon. Naiyak nga ako kanina ng pagalitan ako ng teacher namin kasi wala akong 1/4 sheet paper at nagkataon nag quiz kami kaya humingi ako kay bestfriend kaso wala din pala syang dala kaya nanghingi kami parehas sa mga classmate namin, tapos dun nag start mag ingay kaya yung teacher namin nagalit at pinagalitan ang mga walang papel at kasama ako. Eh okay lang naman yun kasi hindi ako nag iisa kaso pag tingin ko sa may pinto may mga student napadaan sa classroom namin at sakto na pinapagalitan kami at nagkataon naman na isa sa mga student na napadaan ay si Inigo kaya ayon hiyang hiya ako. Parang gusto kong maglaho sa kinatatayuan ko. Kaya lumingon ako kay bestfriend pups kaso mukhang hindi affected nakangiti pa at nagpapacute! hmmp jusme napagalitan na kami nakangiti pa at nagawa pang mag pa cute! Hay buhay!!!!...
Natapos ang quiz at klase ko buong araw pero feeling down pa rin ako. Diko alam dahil napagalitan ako o sama lang talaga ng gising ko. Kaya ng magsalita ng dismiss yung teacher namin sa last subject agad akong pumuslit at hindi na ako nag paalam kay pups kasi baka di na ako lubayan ang daldal pa naman at sarap sapakan ng tinapay sa bibig . Txt ko na lang sya na nauna na ako at absent muna ako music org.
Papalabas na ako ng gate ng makarinig ako na parang may tumatawag pero nag bingi bingihan ako.
"Marissss" sabay daklot sa braso at paglingon ko si Inigo pala.
" ka khanina pa ki kita ti tinatawag pero hindi mo yata ako naririnig" sabi nya na humihingal pa at nakonsensya naman ako sa hitsura nya.
" naku sorry sorry " naawa naman tuloy ako sa kanya kasi halatang napagod
" wala yun atleast nakapag exercise ako" biro nya
" sorry talaga ha ! Nag bingi-bingihan kasi ako ay ibig kong sabihin bingi ako " at tumawa sya sa sinabi ko
" yan ang gusto ko sayo .. yung witty side mo .. "
" asus yan naman ang ayaw ko sayo masyado kang straight forward" sakay ko sa kanya at inferness nawawala yung topak ko sa kanya
" ayaw mo ba ng honest?" Napakamot na sabi nya at feeling ko tinamaan ng hiya si pugee
" gusto ko syiempre kaso depende rin sa kung gaano ka honest" sabi ko at nakita ko na naguluhan yata sya sa sinabi ko eh kasi naman feeling ko binobola nya ako
" what do u mean gaano ka honest? Feeling mo ba nagsisisnungaling ako sayo?"
" ha ewan ko? at ano ba tong pinag uusapan natin? naguluhan ako bigla " palusot ko pero naguluhan talaga ako sa isasagot ko kasi feeling ko kasi binobola lang ako nito
" honest ako sa tao at totoo ang mga sinasabi ko sayo . Gusto kita" sabi nya at nanlaki ang mata ko, ang bilis naman nito, naku hindi pa ako pwedeng ligawan! malalagot ako nito kay kuya..
" gusto mo ko?" paninigurado kong tanong sa kanya
"oo gustong gusto" hala paano ba sasagutin ang tanong nya? kasi pag may nag tatanong sa akin na kung pwedeng manligaw ang laging sagot ko hindi pwede.. pero sayang naman sya ang pugee nya at ang bait pa.. kaso hindi pa talaga pwede kaya bahala na..