please dont forget to like and comment para ma-inspired naman akong mag ud pero pag di nyo like ignore hahahaha...
thanks..
enjoy reading <3
Mye<3<3<3
................................................................
Naglalakad ako ng nakangiti ng sobra .. ang sarap at ang saya lang ng pakiramdam ko kasi wala ng problema okay na ang lahat. Kasi okay na kami ni kuya daniel , wala naman malaking or madramang na nangyari basta na lang nag usap kami ,nag hi sya at nag hello ako. Tapos everything went well na. Nag uusap at nag bibiruan na kami. Pero syiempre gagawin ko na rin yung pinag usapan namin ni bestfriend pups na i should enjoy may teenage life saka na yang love love na yan bata pa naman ako. Ang mahalaga focus muna ako sa studies ko at kasi lagi lang naman nandyan si kuya daniel sa tabi ko panahon na lang ang mag sasabi kung hanggang saan makakarating tong nararamdaman ko sa kanya, Baka simpleng crush lang o puppy love lang.. haist sabi ko diba di ko na yun iisipin kaya sabi nga bahala na si batman..
Pero dahil sa abala ako sa pag iisip diko nagawang iwasan ang bolang tumama sa mukha ko at pagtapos nun nakakita ako ng star .. Napapikit ako ng madiin ng hindi ma balance ang sarili ko at nararamdaman ko ang unti unti kong pag tumba.
"got you!!" narinig ko na may nagsalita sa may tenga ko . pero hindi ko yun inintindi dahil baka guni guni ko lang yun at ang concentration ko yung pag bagsak ko sa lupa. At nanalangin ako na sana naman di masyado masakit ang pagbagsak ko. Pero ilang segundo na ang lumipas wala akong maramdam na sakit at baliktaran nga ang nararamdaman ko ngayon dahil para akong nakahiga sa warm na bed..
One
Two
Three
Bilang ko sa sarili ko bago ko idilat ang mata ko at harapin ang kahihiyan na sigurado na nakapaligid na sa akin ang mga school mate ko at nakikiusyuso na kung ano nangyari sa akin.
Pero pagdilat ko "oh my geeeeeeeee!!!!!!" alam nyo yung parang biglang may background na music at yung song ni toni gonzaga na awit ni gini? yun na yun ang naririnig ko habang nakatitig ako sa mga mata na nakatitig din sa akin... kyaaaaaaaaaaaaaaa tumibok tibok ang puso ...Ika nga ni toni sa song nya. "akoy natutunaw, bakit nalulusaw... oh my geeeeeeee
" anak ng tokwa ano magtitigan na lang ba kayo hello pinapanood na kayo ng people" narinig kong sigaw ng isang nilalang at gusto kong isumpa buong buhay nya. Nagmoment pa akooo tapos... tapos.......
ISTORBO!!!!...
" Hoy Maris !!!" di pa nakuntento hinila pa ako wala na.. wala na yung magic .. tinapos na ng walang hiyang bestfriend ko.. kakainis kaya ang sama sama ng tingin ko sa kanya at kung nakakapatay lang tingin ko mukhang dead na to at wala na sa story ko...
" ahm by the way .. I'm sorry" sabi nung lalaki sa harapin namin at bakit naman sya nagso-sorry diba nga sya ang sumalo sa akin?
" ah walang ano man yun di naman sya nasaktan" sabat ni pups aba epal lang ?
" actually bago ka natamaan nag warning na kami sayo na umiwas kaso mukhang ang lalim ng iniisip mo? okay ka lang ba?" tanong ulit nya at halatang concern
" okay talaga sya sadya lang ta-tanga tanga tong bestfriend ko" sabi ulit ni pups
" i hope hindi masakit yung pagtama sayo ng bola" sabi nya ulit.