Paalala madami yatang error hahah.. inaantok na kasi ako... pasensya na....
Maris..............
Ng mag 10 pm lalong dumami ang tao at buti na lang nag reserve si kuya ng special place. At ang sosyal lang nasa taas kami kasi dalawang floor yung bar . Yung sa ibaba halos mga dikit dikit ang tables at chairs tapos sa front katapat ng mga nag jamming sa stage yung dance floor. Astig nga namin solo namin yung buong floor kaya kahit anong klaseng sayaw namin gawin dito ay okay lang ...
Nakita ko si kuya at yung mga ka bandmate nya nag ready na . Nakaka proud palang makita na madaming humahanga sa kanya at kilalang kilala sya at higit sa lahat ng mga kababaihan na tilian ng umakyat sya sa stage. Parang gusto ko ngang sumigaw na kapatid ko yan kaso nakakahiya . Pero ang walang hiya ay yung katabi ko na nag simula ng tumili
" waaah go go go A "
" kyaaaaa A galingan mo" tuloy tuloy pa rin ang sigaw nya na parang solong cheering squad sa isang basketball game." A .. A..A...waaaaaahhh" tili nya at gusto kong pasakan yung bibig nya ng tumahimik dahil nakakuha na rin sya ng attention at lahat ng tao sa ibaba ay nakalingon na at nakatingala. At diko na napigilan na takpan ang bibig nya gamit ang kamay ko.
" anak ng tukneneng naman ! Bakit ka ba nasigaw at sinong A yan?" Tanong ko sa kanya at nagsalita sya na diko maintindihan " ano?" At nagsalita pa rin sya pero diko pa rin naintindihan ang sinabi nya. Kaya pwersang tinanggal nya yung kamay ko sa bibig nya.
" pweee ang baho ng kamay mo! Naghugas ka ba??" Sumbat sakin ni pups at inamoy ko naman yung kamay at hindi naman mabaho .
" hoy hininga mo lang siguro ang naamoy mo at tandaan mo malapit yang bibig mo sa ilong mo hmmmp!!!" at nakita kong pasimple nyang inamoy amoy ang hininga nya at napapailing na lang ako..
" hindi din naman noh!"
"good evening everyone" bati ni kuya kaya napalingon kami ni pups At mukhang titili na naman sya kaya bago pa ulit sya tumili ay pinigilan ko na.
" opps shut up will you! " at napanguso sya na bubulong bulong pa. " at sinong A ba yan sinisigaw mo?"
" sino pa bang nilalang na may dalang agila sa mundo kundi si kuya mo " natatawang kabaliwan na bulong nya sakin ng kuya at ang bruha napahagikgik pa.. pero nawala ang ngiti ng mapansin nyang kinawayan ni kuya si maya. At kaya tumaas ang kilay ni pups hanggang skulp yata ang inabot sa taas ng kilay nya"
"Oh wag ngayon , wag mong sirain ang gabi ko please lang" banta ko sa kanya dahil alam ko anong mang oras ay magmamaldita na sya kaya bago pa nya maupisahan ay pinigilan ko na.
" kids!!! here's the food na" sabi ni kuya na kakarating lang at may kasunod na waiter yata dito sa bar
" seriously kuya "kids" at pizza and ice tea plus fried chicken?" meron ba sa bar na ganitong food, diba mostly mga pulutan at mga beverages na nakakalasing .
" why? Is there any problem with pizza?" Sabi ni kuya
" where in a bar diba dapat beer at pulutan ang nakalagay sa mesa natin?" Tapos si kuya na diko alam ang pangalan ay sakto naman nag lagay nga ng isang barrel ng beer at pulutan na sisig at mani sa mesa katabi ni kuya daniel. " kanino yun?" Turo ko sa beer