Chapter 1(Deado!)

67 2 0
                                    

Raine's POV

"Aray ang sakit ng katawan ko!" na paano ba ako, bahala na nga.

Oo nga pala, malalate na ako sa meeting place namin ng bestfriend kong si Zayn Klyne. Excited na akong makilala siya uli, nagpa-US kasi siya dati. Ngayon pa lang siya uuwi.

OMG! May nabundol? Grabe tsismis nila.

"Patay na kaya siya?"

"Napano ang dalagang 'to, kawawa naman"

"Sayang ang sexy sana" loko 'to, maniac!

"Gumalang ka nga, iho"

"Sorry po" mabait naman pala, maniac nga lang.

Lumapit ako roon, ako yun ah! Im still alive no, nandito pa nga ako nakatayo sa harapan nila eh.

"Ouch!" multo na nga ako dahil sa hindi ako nakikita ng mga tao na narito.

"Nooooooo!!!!!"

"Ang ingay mo!!" sabi nung maniac

Nakikita niya ako? Pero multo na ako no

"Bro, sino kausap mo, your creepy" Sabi ng kaibigan niya yata.

"Wala! Ang ingay lang talaga ng mga sasakyan"

Nagteleport ako papunta sa maniac na yun."Nakikita mo ako?"

"Hindi ah" pabulong niyang sabi, hindi marunong magsinungaling ang taong 'to! What?

Nag walk out siya at pumunta sa walang tao, habang ako ay nakasunod.

"Nakikita mo talaga ako no!?!" humarap siya sa akin at talagang nakatitig siya sa mata ko.

"Oo, nakikita kita. Ok na?!" sabi ko na nga ba eh

"Pero paano? Hindi naman tayo magkakilala ah?"

"Baka kasi destiny kita.." sabay tawa ng maniac

"Gusto mong mamatay gaya ko!?!" i curse kaya kita, sana naging grimreaper na lang ako para naman mapatay ko ang maniac na 'to.

"Wag mo nga ako tatawaging maniac sa isip mo!" paano nya nalalaman, creepy. Bahala na nga sa puso ko na lang kaya sabihin lahat ng ayaw ko sa maniac na 'to.

"I'm Ra---" naputol ang sasabihin ko dahil sumingit ang maniac na lalaking 'to.

"Isa pa talagang tawag mo saking maniac hahalikan kita, but by the way I'm Zky." ang bait ng pangalan, pero sobrang maniac ng gumagamit.

"Sabi ko nang wag mo na akong tatawaging maniac eh" kinuha nya ang aking braso pero pingilan ko siya at ti-nouch down.

"Kahit multo na ako kaya ko pang lumaban" tumayo siya at tawang tawa ako dahil sa ang dumi niya tapos ang mukha niya sobrang epic. Hahaha

"Bahala ka na nga diyan, multong hindi marunong gumalang" lumakad na siya palayo saakin.

"Bakit ikaw marunong?!" hindi nya ako pinansin. Oo nga pala kailangan ko ang tulong nya dahil hindi ko alam kung pano mabuhay kung isa ka nang multo. At hindi ko rin alam kung paano ako namatay.

Nag teleport nanaman ako papunta sa kanya."Ginulat mo kasi ako! Hindi ko naman yun sinasadya. Sky, patira ako sainyo, please" nagpuppy eyes pa ako.

"Ayoko!! Gusto mong mamatay?!"

"Patay na nga eh!"

"At ang pangalan ko ay Z-K-Y hindi S-K-Y..... Tsk" eh kung yun ang gusto ko pake mo!

"Please patirahin mo na ako sainyo" nagpacute nanaman ako. Haha

"Sige na nga pero huwag mo kong maniacin ah" siya nga yung maniac eh.

"Linya ko yan no!"

Zky's POV

Bakit ko nababasa ang utak ng multong 'to. Ang masaklap ay titira siya sa bahay ko, bakit ko pa kasi sinabi yun eh. Mawawalan ako ng gaming hours dahil sa babaeng 'to. No!!!

Ayaw ko rin sa mga taong nagpapakilala saakin dahil hindi ako naniniwala sa mga taong nakikipag-kaibigan. Mga fake lang yan eh. Isa lang ang hindi fake saakin yung bestfriend ko dati, bakit kaya hindi nya pa ako tinatawagan hanggang ngayon?

Maka change topic nga sa ulo ko

"Hoy, kung hindi ka sasama saakin bahala ka na diyan, wala akong panahon sa mga babae!"

"Kahit saan ka man pumunta ay mahahanap kita!" sabay pa cute ng babaeng 'to!

"Iw no, akala ko pa ba naman inosente maniac rin pala! Haha"

"Bye alis na ako!" sabi ko sa kanya.

"Joke lang yun, sama ako. Pero pwede sa mall muna tayo guton na ako eh." pa talon talon pa siya.

"Remember, multo ka na!"

"Bakit ang multo ba hindi kumakain"

"Aba malay ko sainyo!"

***

"Halika na, food time!" sa tingin ko matakaw ang babaeng 'to.

Hinanap ko yung wallet ko pero wala eh. Sa tingin ko nakalimutan ko sa condo ko."Diba may wallet ka naman kahit multo ka?"

"Meron pero hindi ko alam kung nasaan"

"Eh, walang kwentang multo. Hindi kita papakainin kaya lumayas ka na!" 'Ka inis

"Edi, Bye" wow nagpacute pa talaga.

Tinalikuran ko na siya at bumalik na lang ako sa condo buti na lang ang mall ni Tito malapit sa condo ko.

(Authors note: Thank you for reading and vote for more chapter. TY!)

Hit and RunWhere stories live. Discover now