C H A P T E R 3

12 0 0
                                    

S O U L
******

Napapailing parin ako pag ka tapos maalala ang nangyari sa first day ko ang we-weird talaga na mga tao rito .

Yung lalaki nag tanong sakin si Mr.Constasio Tinanong ko ulit kong anong sinabi niya pero tiningnan niya na lang ako na parang di ako nag eexist

Mukhang Tanga ang puta yung mga kaklase ko namang tumawa tinanong ko kung anong Ibig sabihin ni Mr.Constasio nag si iwasan lang sila ng tinggin at bumalik na sa kanilang mga sariling upuan mga langkwenta.

"Ganon ba talaga yung school Niyo I mean Natin err Mga weird yung tao?" Naka pangalumbaba kong tanong kay Timothy na nag la-laptop ngayon sa study table niya .

Well di naman kami close sadyang Feeling Close lang talaga ko Pampatanggal Boring lang .

Nagpagulong gulong na lang ako sa kama niya para naman may magawa ako .

"Hindi." Napa tigil ako sa ginagawa ko at muling humarap sa kaniya

"Anong Hindi?" Napatitig ako sa kisame niyang Kulay Black na may Tuldok tuldok na white .

"Hindi sila weird." Tumayo nako sa pag kakahiga at umupo sa gitna ng kama niya .

"Ano tawag mo sa kanila kung ganon? Abnormal?" Natatawa kong tanong Nag eenjoy talaga akong kausapin siya Paano ba naman Bihira lang siya mag salita .

Nag tataka nga ako buti hindi siya napapanisan ng laway .

Napakunot ang noo ko ng umiling lang siya pag ka tapos tinitigan ako ng matagal at malalim .

"Bago ka lang wala ka pang alam." Napa taas ang dalawang kilay ko anong Connect non ?

"Anong ibig mong sabihing dahil bago pa lang ako?" Lumapit nako sa pinaka harap niya.

Pero tutuk parin siya sa laptop Napa simangot ako ng makitang wala talaga siyang balak sagutin ako sa tanong ko NAKAKAINIS!!

Bumalik na lang ako sa kama at muling dumapa roon.

Ilang Oras na ganon ang posisyon ko Diko na sinubukan pa mag tanong di narin naman siya sasagot .

Kinuha ko ang kumot niya at padabog na nag lakad papuntang pintuan lumingon ako sa kaniya at nakita ko siyang naka kunot ang noong naka titig sakin .

Ngumuso ako bago pabagsak na binagsak ang pintuan niya Makabalik na nga lang sa kwarto walang kwenta mga tao rito .

"Soul Pwede ka bang Mamalengke Ngayon may mahalaga kasi akong gagawin" Napa simangot lalo ako ng marinig ko ang boses ni lola Tinatamad nga ako tapos gusto niya pa ko pumuntang palengke .

"Ano naman gagawin mo La? Bukod sa Tingnan ang gilagid mo mag hapon sa salamin?" Sinamaan ako ni lola ng tinggin kaya Napa irap na lang ako .

Pano ba naman Nung isang araw Nakita ko siya Nagsasalamin at tinititigan ang gilagid niya kala naman niya magkakangipin pa siya tss.

"Sige na nga ako na mamamalengke " Yamot akong Pumasok sa kwarto ko para makapag Bihis .

Paano naman kasi kung maka tinggin sakin sa Lola ng masama parang kakainin niya ko.

School Of Tears Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon