Ang Pabalat ng aklat na Noli Me Tangere ay idinisenyo mismo ni Rizal para sa kaniyang nobela. Pinili ni Rizal ang mga elemento at simbolismo na ipapaloob niya rito, hindi lamang sa aspektong astetiko ang kaniyang naging konsiderasyon – higit sa lahat ay ang aspekto ng simbolismo.
Sa pabalat pa lamang ng aklat ay tila ninanais na ni Rizal na maging unang pasilip sa kanyang nobela upang ng sag anon ay magkaroon ng unang pagkaunawa sa kanyang tatalakayin. Pagkatapos mabasa ang mga simbolong nakaloob dito ay maituturing na ito na pinakamabisang paraan nang pagkakabuod ng kanyang nobela
1. Pamagat ng Aklat- (HUWAG MO AKONG HIPUIN.) Nagbababala kaya si Rizal sa kaniyang mga mambabasa sa maaring maging epekto ng pagbabasa nito sa kaniyang kapanahunan.
Itaas na Bahagi Ang pamagat ng nobela ay humahati sa pabalat sa dalawang magkahiwalay na bahagi. Ibabang bahagi
Sa kabilang dako, ang paghahati ay hindi itaas at ibaba – mayroon tayong mapapansin na hugis. Ang kanang triangulo na malapad ang paanan,subalit papakitid ang ulunan. Ang kaliwang triangulo na makitid ang paanan,subalit lumalapad sa ulunan.
PANSININ ANG MGA NAKAPALOOB SA ITAAS/KALIWANG BAHAGI Ang krus Simetrikal na sulo Dahon ng laurel Bulaklak ng sunflower Supang ng kalamansi Ulo ng babae Bahagi ng manuskrito ng paghahandog sa Noli Me tangere
PANSININ ANG MGA NAKAPALOOB SA IBABA O KANANG BAHAGI Bahagi ng manuskrito ng paghahandog sa Noli Me tangere Punong Kawayan Lagda ni Rizal Tanikala Pamalo sa Penitensiya Latigo capacete ng guardia sibil Paa ng prayle na labas ang balahibo
Subalit tingnan natin ang pabalat ng nobela, mula sa ibaba pataas. Ang magkabilang triyangulo na inyong nakikita na hinahati ng pamagat ay kumakatawan sa dalawang magkaibang kapanahunan. Ang Kahapon Ang hinaharap ng bayan
PAGBALIKAN NATIN NG PANSIN ANG SIMBOLISMO PARA SA GAGAWIN NATING PAGBIBIGAY PAKAHULUGAN Bahagi ng paghahandog sa Noli Me tangere Punong Kawayan Lagda ni Rizal Tanikala Pamalo sa penitensiya Latigo ng alperes capacete ng guardia sibil Paa ng prayle na labas ang balahibo
MGA KAHULUGAN NG MGA SIMBOLISMO Ang kanang triangulo ay isang paglalarawan ng mga elemento na bumubuo ng panlipunang realidad sa kapanahunan ni Rizal.
KAHULUGAN NG MGA SIMBOLISMO
Paa ng prayle-Inilagay ni Rizal sa pinaka-ibabang bahagi ng tatsulo ang paa ng prayle. Ito ay upang ilarawan sa mga mambabasa kung ano ang pinakabase ng kolonyal na lipunan sa kaniyang kapanahunan. At bilang pagpaparamdam sa mga mambabasa kung sino ang tunay na nagpapalakad ng bayan.
Sapatos- Ang paglalagay ni Rizal ng sapatos sa paanan ng prayle ay isang anyo ng pagbubunyag sa pagiging maluho ng mga prayle sa Pilipinas. Ang sapatos ay simbolo ng pag-iwan ng mga prayle sa aral ni Cristo para sa kaniyang mga tunay na alagad. Huwag din kayong magdala ng supot ng pagkain sa paglalakad; kahit dalawang bihisan, kahit panyapak , o tungkod; sapagkat ang manggagawa ay may karapatan sa kaniyang ikabubuhay. Mateo 10:10
Nakalabas na binti sa ibaba ng abito.-Pagpapahiwatig ni Rizal sa kalaswaan ng pamumuhay ng mga prayle sa Pilipinas na kaniyang hayagang tinalakay sa loob ng nobela. O kaya ay isang lihim na paglalarawan ni Rizal sa balahibo ng lobo na nasa loob ng damit ng kordero. Ang pulang pangungusap ay lihim na ipahihiwatig ni Rizal sa Kabanata 14 noong murahin ni Don Filipo si San Agustin ng "putris" at sa isang sulat ni Rizal kay Blumentritt (Peb. 2, 1890)
Helmet ng guardia sibil-Simbolo ng kapangyarihan ng kolonyal na hukbong sandatahan na nang-aabuso sa karapatang pantao ng mga Pilipino sa kaniyang kapanahunan. Pansinin na inilagay ni Rizal ang helmet sa ilalim ng paanan ng prayle.
Latigo ng alperes-Simbolo ng kalupitan ng opisyal ng kolonyal na hukbong sandatahan. Maging si Rizal ay personal na naging biktima ng latigo ng alperes. Ang paglalagay ni Rizal ng latigo ng alperes ay pagpapakita na hindi niya malimutan ang ginawang pananakit sa kaniya ng alperes sa Calamba noong kaniyang kabataan. Pansinin na inilagay ni Rizal ang latigo sa ilalim ng paanan ng prayle.