Kabanata 1 - Isang Pagtitipon

1.2K 0 0
                                    

Sa kabanatang ito ay sinimulang ipakita ni Rizal ang isa sa mga kaugaliang Pilipino na hindi kasiya-siya – ang kinaugaliang pagdalo sa isang pagtitipon na walang paanyaya. Hindi matiyak ng may piging kung ilan ang dadalo sa handaan. Dahil dito, kailangang ubos-kaya ang handa, nagiging sanhi ng labis na paghihirap ng mga karaniwang mamamayan.


Inihambing ni Rizal ang Pilipinas sa bahay ni Kapitan Tiyago. Ang bayan at bahay kapitan Tiyago ay kapwa bukas sa lahat (nagpapakilala ng katutubo nating pagkamatanggapin o hospitality). Sino man ay maaaring dumalo lalo na kung ito ay dugong kastila(dayuhan). Ipinakita rin ang tinig ng mga paring nangingibabaw sa mga pakikipagtalo at pakikipagbidahan.


Litaw din ang gender discrimination sapagkat nakahiwalay ang mga kababaihan sa mga pulutong ng mga kalalakihan. Ang mga kababaihan ay bibihira lamang mag-usap at kung minsan ito'y pabulong pa, samantalang ang mga lalaking panauhin ay masiglang nagkukwentuhan. Ipinakikita lamang ni Rizal na sa kanyang panahon ay pinatatahimik ang mga kababaihan na itinutulad sa imahen ng birhen.


Mapapansin din ang paninirang puri sa atin ng mga dayuhan, sa katauhan ni Padre Damaso ay makikilala natin ang mga katutubo bilang mapagwalang bahala o walang paki-alam, mangmang tamad at walang pinag-aralan kaya nararapat lamang na tawaging "indyo".


Ipinamalas din sa kabanatang ito ang gitgitan ng kapangyarihan ng simbahan at ng pamahalaan. Kinakatawan ng simbahan si Padre Damaso samantalang si Tenyente Gueverra naman ang sa pamahalaan. Ipinalalagay na mas makapangyariahan ang mga pari dahil anuman ang kanilang naisin ay nasusunod at walang sino man ang makahahadlang kahit ang kanyang kamahalan (hari ng Espanya).

Noli Me TangereWhere stories live. Discover now