"Anak, dito ka muna ha. Mamaya pa ako babalik. Matatagalan ako kaya, keep yourself pre-occupied ha?" Sabi ng papa ko. Tumango naman ako at umalis na siya.
Sa totoo lang, sanay na akong mag-isa. Sa school, sa gala, laging ako yung extra lang, third wheel, back up friend, sanay na ako dun.
Iniwan ako ni papa sa park na malapit sa dati kong school at nagdrive na siya sa office niya. Gabi na pero hindi naman ako natatakot kasi tahimik naman yung lugar. Pero, di naman ako mahilig sa katahimikan kaya naman kinuha ko ang earphones ko at saka nagpatugtug.
Nagshuffle ako ng music at sumakto ito sa isang kanta, isang kanta na matagal ko nang hindi napapakinggan. Pero hindi ito isang ordinaryong musika dahil ang kantang ito ay may espesyal na lugar sa puso ko.
"It's been 8 years na pala." Sinabi ko sa sarili ko at tumawa, pero yung tawa ko, may bahid ng lungkot.
Kausap ko sarili ko dahil wala namang masyadong tao sa park. Siguro tatlo lang o apat ang tao dito.
Nag-iba ang ihip ng hangin, biglang lumamig, biglang lumakas. Parang nakikisabay pa ito sa kantang pinapakinggan ko. Dahil gusto kong magsink-in yung feeling, ipinikit ko ang mga mata ko.
---
"Grabe 'no? Maggagraduate na pala tayo. Ang bilis ng panahon. Parang kailan lang yung nagkakilala tayo noong August tapos ngayon, magiging high-school na tayo." Tumingin siya sa langit at pinagmasdan ang mga kumikinang na bituin, at kagaya ng mga bituin ang mga mata niya, kumikinang din.
Gabi na iyon at nakaupo kami sa bench na nakapwesto sa park na malapit sa school namin. Open ang area kaya kita ang night sky.
"Shaine?" Tanong niya sa akin, "Gusto mo na bang umuwi?"
"Ayoko, Gael. Ayoko pang umuwi at matulog dahil sa makalawa, graduation na. Ayoko pang maging high-schooler. Sa totoo lang, kahit pasa naman ako, ayokong mag move up. Ayoko kasing magkahiwa-hiwalay tayo."
First crush ko siya. At siya ang magiging last ko. Matagal na akong may crush kay Gael pero parang best-friend ko na rin siya. Hindi pa ako umaamin hanggang ngayon. Pero, kahit classmates lang kami, ayokong mahiwalay sa kanya noon. Alam ko kasing lilipat na siya ng school. Ako rin, lilipat na. Lilipat rin siya ng bahay papunta sa probinsya kaya hindi na kami magkikita sa totoong buhay. Puro video call lang.
"Ok lang naman yun. Malay mo, magkaroon tayo ng reunion." Pakalma niya sa akin.
"Eh, paano kung hindi mangyari yun?"
"Mangyayari yun. Solid yung section natin diba?"
"Matagal pa yung reunion. Paano kung magkalimutan na tayo kasi may sari-sariling circle of friends na tayo?"
Natahimik siya. Biglang nag-ring yung phone ko.
Sinusundo na ako.
Napapikit ako at naramdaman ko na ang mga luha na tumutulo mula sa mga mata ko.
"Ayoko. Ayoko. Ayoko pa!" Sigaw ko at rinig sa buong parke ang boses ko. Mabuti nalang at walang tao.
Napahawak ako sa mukha ko para kahit papaano, mapunasan ko ang mata ko na puno ng luha. Nakaramdam ako ng init na bumalot sa aking katawan.
"Tahan na. Tama na." Niyakap niya ako. "Kahit aalis kami, kahit hindi na tayo magkikita, maaalala mo pa naman kami diba? Maaalala mo parin ako, diba?"
"O-oo naman." Bumitaw siya sa yakap.
"Sige, pahiram ng cellphone mo."
"B-bakit?"
"Basta."
Ibinigay ko ang cellphone ko. Binuksan niya ang spotify ko at may hinananp na kanta. Pagkatapos niyang i-add ang kanta sa playlist ko, ibinigay niya sa ang cellphone.
"Pagdating mo sa bahay, i-play mo lang yung kantang sinave ko."
Tiningnan ko yung title nung kanta.
"D-diba kanta n-atin 'to?" Nauutal na binigkas ko. Naiiyak pa kasi ako.
"Oo. Kaya pag pinakinggan mo yan, gusto ko na isipin mo ako, para maaalala mo ako kahit hindi na tayo magkikita."
Kanta kasi namin 'to sa singing competition. At dahil naman sa singing competition na yun kaya ako nagkagusto sa kanya.
Nag-vibrate at nag-ring nanaman ang cellphone ko.
'Mam asan ka na po? Matagal ka pa ba? Kanina pa po ako dito naghihintay. Magagalit na po mommy mo.'
"Uh, s-sige, mauna na ako." Pagpapaalam ko at saka tumayo. Tumayo rin siya at niyakap ako bigla.
"Pangako mo, walang kalimutan ah." Ramdam ko ang paghikbi sa boses niya.
"O-oo naman."
"I'll miss you."
"I'll- miss you too."
Bumitaw na kami sa yakap at naglakad na ako papunta sa parking lot. Nakatayo lang siya doon at pinagmasdan niya ako na papalayo sa paningin niya. Tumingin ako sa kanya at saka nag-wave.
'Bye' sinabi ko pero walang boses na lumabas sa bibig ko.
'Goodbye.' Sabi niya rin.
At lumabas na ako ng park.
Di nagtagal, narating ko ang kotse namin. Pagpasok ko sa loob, tiningnan ako ng driver.
"Ma'am, umiyak ba kayo?"
Hindi ako umimik. Naintindihan naman niya ang gusto ko, katahimikan. Kaya nagsimula na siyang magmaneho. Pero, hindi ako sanay sa katahimikan, kaya naman nilabas ko ang earphones ko at nagpatugtog. Pinatugtog ko ang kantang sinabi ni Gael.
Now Playing: Demonyo (Reimagined) by juan karlos
At ipinikit ko ang aking mga mata.
---
Hindi ko namalayan, umiiyak na pala ako. Kahit 8 years na ang nakalipas, ang sakit parin. After kasi ng 2 years noon, rarely nalang kaming mag-usap.
"Namimiss na kita. Gusto kitang makita, kahit sulyap lang. Gusto ko ulit na marinig ang boses mo, kahit isang hello lang." Bulong ko sa sarili ko. Pero bigla kong naalala, imposible na pala yun.
"H-hahah, ang tanga ko. Hindi na tayo magkikita. Kahit kailan. Ang layo layo kaya niya. Napakaimposibleng mangyari yun."
Ang iyak ko ay naging hagulhol. Ang mga luha na, kung kanina ay tumutulo, ngayon ay umaagos na.
Umiiyak ako nang may naramdaman akong kamay na tumapik sa likod ko.
"Miss, ok lang po kayo?" Sinabi ng isang boses na malamig at tila, pamilyar.
Lumingon ako para sagutin ang lalaki at nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko.
----••••----
A/N: sana magustuhan niyo! <3
YOU ARE READING
Memories
Short StoryFirst crush never dies until you meet your partner in life. Pero, paano kung hindi ka makalimot sa first crush mo?