The Diagnosis

21 1 1
                                    

"H-hindi... Hindi! Nandito lang siya kanina!" Hinanap ko siya, pero wala. "Baka nagtago lang siya o tumakbo o..."

Tumakbo ang papa ko papunta sa akin para mayakap ako.

"Anak, kung ano man ang nakita mo kanina, wala lang yun. Kaya huwag mo nang alalahanin ah."

"Pero papa! Nandito lang siya kanina!" Tuluyan na akong humagulhol. Hindi kasi pwede. Totoong totoo yung nakita ko kanina. Yung boses niya, yung pagsayaw namin, totoo yun!

Nababaliw na ba ako...?

Hindi na nagsalita si papa. Sinenyasan niya nalang ako na pumunta sa kotse namin. At sumunod naman ako.

Bakit ganoon, lagi nalang siya nagpapakita? Last week, nakita ko si Gael sa malayo. Noong isang araw, nakita ko siya na nasa school crowd, Ang naisip ko lang noon, namamalikmata lang ako. Pero, ngayon, totoo na talaga eh. Kinausap niya ako. Kinamusta, tapos sumayaw kami! Inposibleng hindi yun totoo, diba?

[Narrator's POV]

Mula noon ay mas tumindi ang pagiging reclusive nito. Bago pa kasi ito nangyari, hindi na masyadong active sa lessons at extracurricular activities si Shaine. Kung dati ay sumasama pa siya sa kaunti niyang mga kaibigan at, kahit papaano, sumasagot sa klase, ngayon ay wala na siyang ginagawa. Ni wala man lang siyang kinakausap at para bang laging tulala.

Minsan, bigla nalang niyang sinigawan ang isang kaklase kaya naman mas napalayo sa kanya ang buong klase.

Eventually, naging isolated na siyang tao. Ayaw na niyang bumangon sa kwarto. Kailangan pa siyang pilitin at hilahin para lang pumasok.

Her parents are getting worried so they decided to do something about her.

[Shaine's POV]

Knock Knock.

"Anak, please labas na dyan. Kumain ka naman kahit konti. Kahit isang sandwich lang." Pakiusap ng mommy ko sa labas ng aking kwarto.

Ayokong lumabas ngayon. Wala ako sa mood. May hinihintay kasi ako.

Sino? Well,

alam niyo na siguro kung ano ang sagot, diba?

"Mamaya na, ma!" Sambit ko.

Maya maya, may narinig akong tunog ng susi. Pagkatapos, biglang bumukas ang pintuan ng kwarto ko at nakita ko si papang pumasok.

"Anak! Hindi 'to pwede na hindi ka na umaalis dito!" Sigaw ni papa.

At pwersahan niya akong hinila palabas. Maya-maya, nasa garage na pala kami, at hanggang ngayon, ginagamitan pa ako ng pwersa.

"P-pa! Anong gagawin niyo? San niyo ako dadalhin?" Tanong ko.

Hindi man lang ako sinasagot o tingnan ni papa. Basta nagmaneho nalang siya papunta sa hospital.

"P-pa? Anong ginagawa natin dito? Bakit tayo nandito? May bibisitahin ba tayo? Papa, sagutin mo naman ako!" Sunod sunod kong tanong sa kanya.

Huminga ng malalim si papa. "Anak, gagaling ka rin. Sumunod ka lang." Sinabi niya na may seryosong ekspresyon sa mukha niya.

At lagi na kami pumupunta sa doktor simula noon. Sa totoo lang, hindi ko alam kung ano yung sakit ko. Hindi kasi ako kasama sa loob ng office kapag check-up. Pinapapasok lang kapag examination na. Ang sabi lang ni papa, yung sakit ko, parang naalog lang daw yung utak ko. Kaya ako pinapasagot lagi ng mga tanong-tanong.

One time sa isang session, habang nasa labas ako ng opisina ng doktor, biglang may lumabas na pasyente sa kabilang opisina.

He looked oddly familiar, para bang isa siyang dating matalik na kaibigan pero biglang nagkahiwalay.

MemoriesWhere stories live. Discover now