Soaring High

12 0 0
                                    

[Shaine's POV]

Hinabol ko ang aking hininga at saka sumakay sa sasakyan ko. "So, saan nga uli tayo pupunta?" Tanong ko.

"Sa Tagaytay. Doon sa gusto mong puntahan. Doon sa may kita yung sunset." Sagot ni Gael.

Palihim kong hinanda ang gamit ko kanina at isinakay sa sasakyan na ito. Dala ko na ang lahat ng kailangan ko. Handa na ako.

Pinaandar ko na ang sasakyan at sinet-up ang aking waze.

"Then tagaytay it is."

---

"Ang boring naman. Tapos ang traffic pa. Nasa skyway na nga eh." Reklamo ko.

---

"Rainbow notes up on the wall..." Kinanta niya habang nakatingin sa labas ng bus.

"Ha?" Tanong ko.

"Come on. Tulog naman sila. Wag ka na kasi magalit dahil lang sa traffic." Sabi ni Gael.

Nasa field trip kami ngayon. Magkatabi kami ni Gael dahil kaming dalawa ang inassign na magkatabi. Pauwi na kami ngayon at halata namang exhausted na lahat ng students dahil tulog na sila. Tanging ang driver, ako at Gael nalang ang natitira pang gising.

"Dancing children under rainfalls
Perfect sunset set to ten
Then we begin again." Tinuloy niya ang kanta.

Huminga ako ng malalim at saka ko itinuloy ang kanyang pagkanta.

"There's a ribbon in the sky
Painting rivers on the moonlight
Moving pictures say the words
Of a story that begins"

"I'll hold your hand and wipe your tears,
We'll laugh until we run out of years" We harmonized.

"'Cause no matter if our blue skies turn to gray"

"There's a ray of sun that's bound to light our way"

"And although the roads are rough
I'll get through it just because"

"I'll have my you"
"You'll have your me"
"No matter what may come"

"We'll have our we and us."

"Uy masyado ata kayong masaya ah!" Sigaw ng aming teacher, pero tila nag-iba ang boses nito. Boses lalaki.

---

"Uy masyado ata kayong masaya ah!" Sigaw ng isang lalaki sa likod namin at saka nagpatunog ng horn ng paulit ulit.

Hindi ko napansin na nagusad na pala ang mga sasakyan, at malayo layo na pala ang nasa harapan kong sasakyan.

"Hay, yan kasi, kumanta pa tayo." Sinabi ko at saka pinaharurot ang aking kotse. Buti nalang, Tagaytay exit na kaya wala nang katraffic-traffic.

"Sabi ko sayo eh, makakalimutan mo yung problema mo pag dinaan mo lang sa kanta. Gaya ng dati, diba?"

"Oo naman. Gaya ng dati."

MemoriesWhere stories live. Discover now