#4. ToLine?

4.3K 106 9
                                    

"why are you late?"

Lutang pa rin ako habang papasok ng office.

"Kinakausap kita" hinablot niya ang kamay ko.

"Huh?" Bakit parang hindi na tulad ng dati?

"Anong huh? 10 na. 9 ang photo shoot mo. At may book launch ka ng 2."

Bakit hindi na masyadong masakit?

"Sorry. Mag reready na ako."

May sasabihin pa sana siya pero umalis na ako.

"Bago Yun ah. Hindi ka nag breakdown sa harap ni fhen"

"Hindi ko nga alam eh. Siguro may iniisip lang ako kaya ganun."

"At ano naman Yun? Or sino naman Yun?"

"Kwento muna. Cge na" pangungulit sakin ni celine.

Si celine ang isa sa mga close friend ko dito sa work. At alam kong hindi nya ako tatantanan.

"Kkwento ko mamaya ok?. Magsimula na nga tayo may appointment pa ako ng 2"

Sinimulan nya na akong ayusan.

After ilang minutes pumasok na siya at inaaus ang camera niya at ang set.

Nakatingin lang ako sakanya hinihintay kong maramdaman Yung nararamdaman ko lagi pag nakikita siya.

Yung sakit.

Yung pagnanais na sana ngumiti siya tulad ng dati.

Pero ni isa wala na akong nararamdaman.

Siguro napagod na din ako.

Napagod na din akong maghintay at umasa.

.
.
.
.
.
.
.
.
.

Pagkatapos ng photoshoot umalis na kami ni celine papunta sa book launching ko.

"Napaka traffic naman. Pero maaga pa kaya simulan mo ang kwento"

May pag TaaS TaaS pa siya ng kilay.

Nakatingin lang ako sa kalsada. At inaalala ang gabing Yun.

"I've meet someone"

"Aaaaaaaahhhh.... Tapos tapos??"

Kinikilig pa Ito habang pumapalakpak.

Napangiti naman ako.

Habang kinikwento ko ang mga nangyari ramdam kong nakatitig lang siya sakin at hindi mapigilan ang ngiti.

".....tapos ayon nahampas ko siya ng lamp shade."

"Pfffffft. Hahahahaha hahahaha ang epic naman nun jema. Kong ako siguro Yun inappreciate ko muna ung katawan ng nasa harap ko hahahaha."

Tinatawanan lang niya ako ng tinatawanan hanggang makarating kami sa venue.

Ni hindi na niya pinansin na halos maiyak na ako habang pinapalayas.

"Magsosorry ba ako?" Napahinto naman ito at napatingin sakin.

Alam niyang seryoso ang tanong ko.

"Syempre. Pero siguro pag nagkita kayo ulit, wala ka naman sigurong balak puntahan dba?"

Natahimik ako at napaisip.

"Ohmygooood. Jema ikaw ba yaaan?"

May patalon talon pa Ito ng biglang. 

"Aray ko."

"Ano ba naman yan!" Galit nitong bulyaw sa nakabanga sakanya.

"Ikaw pa talaga ang galit? Kong paharap ka siguro maglakad makikita mong may kasalubong ka."

Parang familiar siya sakin.

"Eh bakit kasi hindi ka umiwas?"

Oo nga siya ung isa sa mga kaibigan niya. Si tots.

Nagpalinga linga ako.

Kinakabahan ako. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko.

Parang hindi ko pa siya kayang makita pagkatapos ng nangyari.

"Sorry. Pasensya na sa kaibigan ko"

Paghihingi ko ng tawad.

"Dba ikaw yung-?"

Agad ko ng hinila si celine.

"Tara na. Ikaw naman kasi may kasalanan. Hindi ka na lang nag sorry"

Palinga linga pa rin ako.

"Bakit kasi patalikod ka maglakad? Haaaay... Ang laki laki ng maynila eh"

Hindi ko na alam. Hindi ako mapakali.

"May pinagkakautangan kaba? Parang mapuputol na yang Ulo mo."

"Ms. Galanza start na po tau ng 2:15 ready na po kayo."

Habang inaayusan ako ni celine.

Pinipilit kong magpakabusy sa pagbabasa ng libro.

"Kilala mo ba ung mahangin na nabangga ko kanina?"

"Huh? Ano. Kasi." Pano ko ba eexplain sakanya alam kong hindi ako tatantanan nito eh.

"Ms. Jema start na po"

"Ok ready na po ako"

"Mamaya na natin pag usapan. Punta na ako"

"Saglit lang. Alam mo parang may napansin ako kanina."

Napatigil ako. Please no.

"Cutie siya dba?"

Alam nyo Yung facepalm moment?

Ito Yun eh.

One Night With A StrangerWhere stories live. Discover now