#5. Slow Down

4.2K 114 13
                                    

Hindi ko ineexpect na sobrang daming taong dadating.

Habang andito ako sa table at nag sisign ng mga books busy si fhen sa pag assist sa event coordinators.

Si fhen ang manager ko. Bestfriend kami since college days. Teammate ko siya sa Adamson nagraduate kami at nag usap na siya nalang mag manage sakin kasi she knows me best she's my bestfriend after all ,. Pero wala eh.

Ako lang Yung sobrang nagmahal.

Ako lang Yung nag expect na siya na.

At first galit na galit ako Pero umasa pa din ako.

Until she meet someone.

Sa relasyon namin isang bagay ang natutunan ko.

'never get too attached caused people wake up with different feelings everyday'

.
.
.
.
.

Mabilis natapos ang event , palinga linga pa din ako.

Umiiwas ba ako?

O umaasa na makita ko siya?

Nakita ko agad sa may bar counter si celine ang aga aga umiinum Ito at tuwang tuwa pa talaga siya.

"Sobrang pagod na ako girl uwi na tau."

"Oy anjan kana pala I want you to meet D"

Napako lang ako sa kinatatayuan ko.

Pakakita niya sakin napakunot ang noo niya.

"Ang daming cutie dito infairness pero si D friendly hindi katulad nung isang Yun" sabay nguso niya kay tots na naglilinis lang ng mga Baso.

"Hi" ano ba jema??! Wala ka bang ibang sasabihin. Ito na yun mag sorry kana.

Tumango lang Ito bilang tugon.

Grabe ang awkwaaaaard.

Lupa kainin muna ako.

Parang sasabog na Yung puso ko sa kaba.

"Birthday niya bukas. Ininvite niya ko at ok lang daw may Kasama akong ibang friend. So ikaw ang isasama ko... Ang perfect ng timing no kasi wala Kang schedule bukas. .. "

hindi ko alam kong matutuwa pa ako sa babaeng to eh.

Nakatitig lang kami sa isat isa ng biglang.

"Jema"

Pwede bang mahimatay para makatakas sa sitwasyon na to.

Tumingin ako sa likod ko at si fhen nga.

"Tagaytay tau bukas."

"Huh?"

"Alam mong ayaw kong tumatanggi ka."

Ano bang isasagot ko.

Papayag na ba ako? Para umalis na to at hindi malaman ni Deanna na siya si fhen.

"Ah sig-......"

"Hindi pwede eh"

Nagulat nalang ako ng bigla siyang sumulpot sa likod ko at nagsalita.

Hindi maipinta ang mukha ni fhen at napasmirk pa to.

"At sino ka naman? Do I know you?!"

Tumaas na ang boses ni fhen.

"Nanliligaw kaba kay jema o kayo na?!?"

Hindi ko alam kong anong inaasta ni fhen. Wala na kami Pero bakit parang galit na galit siya?

May pakialam pa ba siya sakin?

Meron pa ba kahit kunti?

"Parang ganun na nga. Dba?"

Tinitigan lang niya ako.

Napatingin ako sa mga mata niya.

"Napakaimposible! Diba Mahal mo pa ako??! Bakit nagpapaligaw ka sa gantong tao?! Sa isang bartender?"

Tiningnan niya si D ng ulo hanggang paa.

"Hindi ka man lang pumili ng maayos ayos. Ganyan kana ba kakati para pag palit ako agad?"

Napako ako sa kinatatayuan ko.

Parang ilang minuto akong nablanko.

Namumuo na ang mga luha sa aking mga mata. Napaluha ako at hindi ko na naiwasang mapapikit.

Pag mulat ko Nakita kong nakatumba na si fhen at hawak hawak ang bibig nya.

May dugo.

Pag tingin ko Kay D ganun din Ito.

Nagsimula na akong mahirapan huminga.

Pinipigilan ni tots si D. Pero ako?

Wala akong magawa. Nakatayo lang ako.

Isang mahabang tunog lang ang naririnig ko.

Unti unti ng lumalabo ang paningin ko. At nahihirapan na din ako huminga.
.
.
.
.
.
.
.
.
💨💨💨💨💨💨💨💨💨💨💨💨💨💨

Sumasakit ang Ulo ko. Pero pinipilit ko ng imulat ang mga mata ko.

Tulad ng inaasahan ko. Nasa hospital nga ako.

Naalala ko ang mga nangyari kanina.

Babangon na sana ako ng magulat akong may nakahawak ng kamay ko.

Tulog na tulog Ito kahit hindi maganda ang pwesto niya.

Para siyang anghel kong matulog.

Pinagmamasdan ko siya.

Ang higpit ng pagkakahawak niya sa kamay ko.

Hindi Yung higpit na masakit Pero higpit na may assurance. Assurance na safe ka, assurance na anjan lang siya.

'Ayokong maging unfair sayo.'

Hinawakan ko ang mga pisngi nya.

'Kaya sana mahintay mo ko. mahintay mong buo ako.'

One Night With A StrangerWhere stories live. Discover now