#6. lets talk about ex's

3.9K 79 9
                                    

"ok kana?" Umupo si totz sa tabi ko.

"Ewan. Hindi ko siya maintindihan eh" totoo naman eh. Simula nung magkagulo kami nung ex niya parang mas lalo pa siyang naging ilag sakin.

"Ano bang dapat kong gawin? Mag iisang linggo na since that incident at sobrang busy nya. Alam ko namang priority niya trabaho niya. Pero kahit isang text man lang. Ayoko namang mangulit kasi wala naman akong karapatan, wala namang kami." Napabuntong hininga ako.

"Maghintay kalang. Alam kong parehas kayong nararamdaman. Ang problema nga lang may ex na involve sa part niya."

"Parehas?. Eh nasan siya ngayon?"

"Wag kana mag alala. Kong ayaw mong masaktan ng malala. Ngaun palang expect the worst."

Tumayo Ito at kinuha ang bag niya.

"Kausapin mo kaya. Para wag kang praning."

💨💨💨💨💨💨💨💨💨💨💨💨💨

Isang linggo na akong laging nag aabang sa paglabas niya.

Isang linggo na ding lagi silang sabay umuwi.

Isang linggo ng magulo ang isip ko at nararamdaman ko.

Nilakasan ko na ang loob ko. Kakausapin ko siya.

Gusto ko lang namang malaman kong may pinanghahawakan ba ako.

Kahit katiting na pag asa lang.

Pumuslit ako ng umalis ang guard.

Bubuksan ko na sana ang pinto ng office nila ng may marinig akong nag uusap agad akong tumago sa isang cubicle sa Comfort Room.

"Kelan mo balak sabihin?"

"Hindi ko alam. Naguguluhan na ako."

"Wag mong paasahin Yung tao!"

Medyo lumakas na ang boses ng isang Babae.

"Ano ba celine? Imbes na tulungan mo ko eh."

"Sinasabi ko lang naman. Mamili ka na habang maaga pa. Para hindi na umasa kong sino mang hindi mo pipiliin."

May namumuo ng luha sa mata ko.

"Anong gusto mong gawin ko?. Nakikita mo naman yung effort ni fhen Diba? This past week parang bumalik yung sweetness niya sakin tulad nung college days namin. Masama bang maappreciate ko yun?! Masama bang maging masaya ako kasi bumabalik na siya sa dati??!"

Nag aaway ba sila?

"Wala namang masama sa mga yan. Ang masama may pinapaasa ka at nasasaktan ka! Ano ba si D sau? Reserba? Na pag hindi nag work yung saenyo ni fhen alam mong may sasalo sau?!"

Hindi siya sumagot.

Hindi na siya nakasagot.

Isang malakas na pagsara ng pinto ang narinig ko.

At hindi ko na napigilan.

Unti unti ng tumulo ang mga luha sa mata ko.

Ang sakit.

Sobrang sakit.

'Masama bang umasang bumalik kami ulit sa dati?'

Habang tahimik akong umiiyak.

Naririnig ko siya.

Naririnig ko siyang umiiyak din.

Yung mga pakunting paghikbi niya ang mas lalong dumudurog sakin.

💨💨💨💨💨💨💨💨💨💨💨💨💨💨

🎶🎶Heto na naman ako
Nag-aabang ng bago sa istorya ko
Paulit-ulit na lang
Paulit-ulit na lang

Heto na naman ako
Tinitignan sa'n nagkamali ang puso ko
Parang walang katapusan
Walang katapusan

Kahit pilitin pa'ng sarili
Ibigin kang mali
Ako'y Mali
Ako'y Mali

Paano ba ang magmahal?
Palagi bang nasasaktan
Umiiyak na lang palagi
Gusto ko nang lumisan

Paano ba ang magmahal?
Kailangan bang nasasaktan
Lagi na lang, di maaari
Ngunit ayaw lumisan

Heto na naman ako
Parang hindi nadadala ang puso ko
Kahit nasusugatan
Aking ipaglalaban

Kahit pilitin pa'ng sarili
Ibigin kang mali
Parang mali
Parang mali

Paano ba ang magmahal?
Palagi bang nasasaktan
Umiiyak na lang palagi
Gusto ko nang lumisan🎶🎶

"Nikki tama na. Ang sakit sakit na."

🎶🎶Paano ba ang magmahal?
Palagi bang nasasaktan
Umiiyak na lang palagi
Gusto ko nang lumisan🎶🎶

Hinagis ko dito ang yelo na nasa harap ko hahahaha

"🎶Araaaaaay🎶"

Alam kong lasing ako.

Sobrang lasing ako.

Pero bakit hindi ko pa din makalimutan ung sakit?

Binagsak ko ang katawan ko sa kama.

🎶Paano ba ang magmahal?
Palagi bang nasasaktan
Umiiyak na lang palagi
Gusto ko nang lumisan🎶

'gusto ko nang lumisan'

"At San ka naman pupunta?"

Napatingin ako sa pintuan.

"Jen?"



OffTopic:

Is it just me or sobrang hot ng libero ng NUWVT?
💕JenniferNierva💕

One Night With A StrangerWhere stories live. Discover now