#7. is it just the memories?

4K 105 10
                                    

"sorry... Alam kong mali yung inasta ko at sobrang foul yung mga nasabi ko. Pero sana maintindihan mo naman yung side ko. Galit ako , naiinis ako. Galit ako sa sarili ko. Naiinis ako sa sitwasyon natin ngaun Pero wala akong magawa. I've messed up at ngaun merong bagong dumating. Dumating para mahalin ka. Alam kong ang selfish ko sa part na to Pero.."

Nakahawak lang siya sa kamay ko. Hinahayaan ko lang siyang magsalita. Wala naman akong magagawa eh nakahiga lang ako sa hospital bed.

Gusto kong malaman nararamdaman niya.

Ang unfair man isipin pero umaasa pa din ako.

I know for sure na may love pa.

Kahit kunti may pagmamahal pa ako sa taong nasa tabi ko.

"Just give me another chance. Isang chance pa para mapakita kong Mahalaga kapa sakin. I miss those days when I'm with you. I miss us...."

May mga pumatak na luha sa mga mata niya.

"Just give me one week. One week patutunayan kong ikaw pa rin. And after that kong wala na talaga I will set you free. Please?"

one week.

Siguro sapat na din yun para matimbang ko yung nararamdaman ko.

Kong sino ba talaga sa kanilang dalawa.

💨💨💨💨💨💨💨💨💨💨💨💨💨💨

💩

"Naaalala mo pa ba dito? First date natin dito. Tinakas pa kita after freshman orientation."

Skyranch tagaytay. First date.

Memorable. Halos lahat ng rides nasakyan namin. At halos lahat ng rides nakahawak lang ako sa kamay niya.

I miss those days na mahal na mahal pa namin ang isat isa.

"Ate gemaaaa...."

"Nicole ang laki laki muna"

NAmiss ko ang batang to. Sa lahat ng pamangkin ni fhen siya ang pinaka sweet.

"Bakit ngayon muna lang ako binisita? Miss na miss na kita" may pag pout pa Ito.

"Gema buti naman at napadalaw ka iha"

Agad sumalubong sakin ang mommy ni fhen at tulad ng dati pinagluto niya ako ng mga paborito kong pagkain.

Nung naging kami ni fhen halos sila na ang naging family ko kasi nasa states na sina mommy at daddy.

Pinuntahan namin lahat ng memorable places namin dito sakanila.

💩

Everyday for the past 6 days pinaramdam niyang Mahal na Mahal niya ako.

Pinaramdam niyang sincere siya sa mga sinabi niya.

Binalikan namin lahat ng good memories namin.

Maaga natapos ang shoot nakatingin lang ako sakanya habang nag aayos siya ng camera niya.

"Mag usap nga tayo."

"Bakit?"

Kinuha ko ang bag ko at sumunod kay celine.

"Kelan mo balak sabihin?"

"Hindi ko alam. Naguguluhan na ako."

"Wag mong paasahin Yung tao!"

Medyo lumakas na ang boses niya.

"Ano ba celine? Imbes na tulungan mo ko eh."

"Sinasabi ko lang naman. Mamili ka na habang maaga pa. Para hindi na umasa kong sino mang hindi mo pipiliin."

"Anong gusto mong gawin ko?. Nakikita mo naman yung effort ni fhen Diba? This past week parang bumalik yung sweetness niya sakin tulad nung college days namin. Masama bang maappreciate ko yun?! Masama bang maging masaya ako kasi bumabalik na siya sa dati??!"

"Wala namang masama sa mga yan. Ang masama may pinapaasa ka at nasasaktan ka! Ano ba si D sau? Reserba? Na pag hindi nag work yung saenyo ni fhen alam mong may sasalo sau?!"

Natahimik nalang ako sa mga binitawang salita ni celine.

Agad siyang umalis ng hindi ako makasagot.

Naalala ko si D.

Naguguluhan na ako.

Napaiyak nalang ako.

Bakit ba nangyayari sakin to.

Pagkatapos ng ilang minuto lumabas ako.

Nakatayo lang siya sa may harap ng kotse ko.

"Wag mo sanang isiping pinapahirapan kita. Alam kong masaya ka for the past days na to. Masaya kang binabalikan nyo yung mga good memories nyo yung sweet times nyo. Pero isipin mo din yung mga maling ginawa niya. Hindi sa maging Nega ka. Kaibigan mo ako at Ayoko ng makita kang masaktan"

"Pag isipan mo yang mabuti. Do you still love the person? Or you just miss those memories with that person"



AN:
pasensya na guys kong may lapses sa story. 15 chapters na po ang natapos ko. Paisa isa ko lang pinupublish.

Hehehe.

One Night With A StrangerWhere stories live. Discover now