neo tasaday

43 0 0
                                    

Ako ay anak ng isang katutubo, noon ang tawag pa nila sa aming tribo ay Tasaday. Noong dekada 70s, nadiskubre ni Manuel Elizadle Jr. ang mga ninuno ko. Nakatira pa kami noon sa mga kweba ng Mindanao. Naging paborito ni Elizalde J ang ama ko, si Mahayag, isang datung Manobo. Binigyan ng pabor at pribilehiyo ang pamilya namin para hindi isiwalat na hindi talaga kami Tasaday. Bahagi ng asimilasyon ko bilang Tasaday ang pagpunta sa ibang bansa. Nabigyan ako ng full scholarship ng mga tagapagtaguyod ng ama ko. Sa tulong na rin ni Elizalde Jr. at sa bisa ng kanyang basbas, nakarating ako sa parehong eskwelahan  kung saan nagtapos din si Luther Blisset. Nakakuha ako ng digri sa robotics at computer logic deconstruction. Sa kasalukyan, tinatapos ko ang dissertation ko tungkol sa psychogeography at robotic psychoanalysis. Pagka minsan, nagtatrabaho ako sa mga palengke para magobserba ng mga gawi at asal ng mga mamimili. Gayundin, pagka minsa naman pumapasok ako bilang empleyado ng gubyerno. Ang papel ko bilang ahente ng estado ay upang mapag-aralan ang mga tendensiya ng gubyerno. Sa pagsisiyata ko sa imortalidad, gusto kong maka0imbento ng artipisyal na kamalayan na maaaring mapagana sa pamamagitan ng mga makina. Nakipagsapalaran ako sa Manila upang makakuha ng mga test subject. Dumalo ako sa mga pulong ng mga Anabaptist, Artist, Anarchist at nitong mga huli maging mga Maharlika at Ananda Marga. Ang naging resulta ng serye ng mga pulong na ito ay isang aktibidad kung tawagin ay Sining Kalikasan Aklasan. Hindi ito taliwas sa mga napapg-aralan ko, ang kasalukuyang krisis sa klima ay direktang resulta ng mga kagagawan ng sankatauhan. Palagay ko mas mainam kung ang matitira na lamang sa mundong ibabaw ay mga neo tasaday, mga makinang may kamalayang katutubo. Nakakunekta sa kapaligiran at hindi nag-aambisyon magtayo ng panibagong sibilisasyon.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 30, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

habambuhayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon