Superman =)

512 7 7
                                    

Ully's POV

"Ui Soleil, balita ko kayo na daw ni Cav a." Pang-aasar ni Bea kay Soleil.

"Ui hindi ah! Kayo nga ni Owy eh!" Sabi naman ni Soleil.

Magkakasama kami nila Bea ngayon. Si Ranz kasi e, gusto daw kasama si Michelle. Kanina pa yun, di ko nga alam kung totoo ba o hindi eh. I'm planning to tell my sister the truth bago pa siya lokohin ni Ranz. Kasi naman, naaawa rin naman ako sa kapatid ko. Kasi tong sila Biboy e, kapatid ko pa napili e kabait-bait nun. Hayy. Oo nga pala, magkakasama rin kami kasi may program mamaya. May production number kami tas si Oliver kakanta daw e. xDD

"Kuyaaaaaaaa!" Sigaw ni Michelle. Haha, kinikiliti kasi ni Ranz eh.

"Ui, baka may ma-injure sainyo diyan. Haha." Sabi ko.

"Sus, di ko hahayaang ma-injure tong pinakamamahal ko no." Sabi ni Ranz. -_- Okay.

"Ayieeeeeee." Kanchawan nung mga kaibigan ng kapatid ko. Hay naku Ranz, sorry pre pero kailangan kong sabihin sa kapatid ko. :(

Oliver's POV

Kahapon halos buong araw nagpa-practice kaming Chicser para sa production number mamaya. Sasayaw kami malamang. =))) Pero ako? Meron pa akong add-on.

Kakanta ako para sa babaeng gusto ko. Di niyo kilala no? Si Ms. Louise Dela Vega, the prettiest girl in this whole world. >:)))))<

Close kami nun di niyo lang alam. Simula ngayon, malalaman niyo na kung gaano ko siya kamahal. Dati pa lang, childhood friend ko kasi yun. Ngayon kasi, sila Ranz ang palagi kong kasama kaya di kami masyadong nakakapag-hang out ng todo. Malayo layo na din ng onti yung bahay nila sa bahay namin, e di naman yun palaging pinapayagang lumabas. Tsk tsk, sayang. So nandito ako ngayon sa music room, pina-practice yung kanta ko mamaya.

(LunchBreak) 

Okaayy, bakit sa 2nd gate lumabas si Louise e maraming tambay diyan? Bala mapagtripan siya dun tsk tsk. Wala kasi masyadong dumadaan dun. Hay, sundan ko na nga lang baka mapahamak pa yun. 

"Aaahhh!" Sigaw ni Louise kaya kumaripas na ako ng takbo. Pagdating ko sa lugar kung san sumisigaw si Louise, nakita kong pinagdidiskitahan na pala siya ng mga tambay doon. Tanghaling tanghali, ganito sila?! Agad agad akong sumuntok sa lalaking nakahawak kay Louise. Marami sila, pero wala akong pakialam. Ginalit nila ako. May biglang sumuntok sa tiyan ko, kaya napaupo ako sa sobrang sakit pero tumayo pa ulit ako para makaganti. Pinipilit ni Louise na pigilan ang iba sa pagsuntok sakin, magsisisigaw siya dun at nakita kong may lalaking sumampal sa kanya. Lalong naglisik ang mga mata ko at sinipa sipa at sinuntok ko ang mukha nung lalaking sumampal sa kanya. Napaka walang puso, pero ang huli kong namalayan ay nung hinawakan ako sa kamay at pinilipit ito at bigla akong natumba sa sakit ng ulo ko dahil pinukpok ako ng isa sa mga tambay at nagtakbuhan na sila palayo.

Pagkagising ko, nandito ako sa kwarto ko. At.. 

Kasama ko si Louise.

"Oh hey, gising ka na pala." Sabi ni Louise.

"Kamusta? Napano yang cheek mo?" Pag-aalala ko. Hihimasin ko sana ang mukha niya pero pag galaw ng kamay ko, sobrang sakit. 

"AHHHHH! Ang sakit!" Mangiyak ngiyak ako.

"Oliverrr! Hala, teka lang. Tatawagin ko yung doctor mo." Sabi ni Louise at lumabas na. Nandito siguro si Dr. Lee, yung family doctor namin. 

Yayy. (Ranz Kyle Ongsee)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon