Hello! Ako nga pala si Michelle Kate Jumagdao. 13 years old. Lahat ng isusulat ko dito kathang-isip lang na gusto kong mangyari sa totoong buhay. Sana'y magustuhan niyo ang mga isusulat ko dito. Yayy, salamat! Dun sa picture, ako yung pangalawa mula sa left. Yung naka-pink and ponytail. ^___^v
------------------------------------------------------
Ranz' POV
Hayy, first day of school na naman. Titilian ulit, marami na namang magpapa-picture sa hallway, sa canteen, sa veranda, minsan nga kahit bading sa CR di nahihiya eh. Buhay gwapo talaga kasi ganito. Sana nga maiba naman life cycle ko e. Ako nga pala si Ranz Kyle Viniel Evidente Ongsee or you can just call me Ranz. Mayaman ako, gwapo, dancer, at campus heartthrob, MVP nga din pala ako.
Ginawa ko na ang morning rituals ko tapos bumaba na para kumain. Pagkatas kumain, sumakay na ko sa kotse para magpahatid kay manong driver.
Pagdating ko sa school.
"Waa, Raanzzz!"
"Fafa Ranz, pa-photoo namaan!"
"Ui, sizzling hot."
See? Lobby pa lang dami ko nang fans. Paano pa kaya pag naglakad na ko sa field at sa hallway? :)))
"Oi pre! Andito ka na pala." Sabi ni Owy. Isa sa mga kaibigan ko.
"Hindi hindi, wala pa ko dito. Nasa bahay pa ko e. Picture ko lang to." Pagpipilosopo ko.
"Sus, corny mo tol" Sabi ni Oliver, ang kuya ni Owy. Magkaka-year level lang kami. Junior lahat.
"Pre, may naisip kaming dare para sayo!" Sabi ni Biboy.
"Ano naman yan?" Sabi ko.
Hinila ako nila Oliver papunta sa Gymnasium na walang tao.
"Ganito kasi yan. Manliligaw ka tapos kailangan mapasagot mo agad. Tapos pag 1 month na kayo, sa monthsary niyo, mag-break kayo." Sabi ni Biboy. Ah, madali lang pala. :)))
"Sus, kayang-kaya ko yan. Sino bang liligawan?" Tanong ko.
"Si Michelle. Yung taga Class 2-A last year?" Sabi ni Cav with matching sparkly eyes pa. Crush niya yun e.
"Sus, masasaktan ka lang." Sabi ko. Sinuntok ako ng pabiro ni Cav.
"Di ba pwedeng iba na lang?" Tanong ni Cav.
"Di pwede tol. Sealed na e." Sabi ni Owy.
"Oi Ully. Problema mo?" Di kasi nagsasalita e.
"Tss. Wala." Sagot niya. Bitter ang putek. Hahahah.
"Sows, affected ka din kay Michelle?" Tanong ko sabay tawa.
"Eh kasi, kapatid ko na yun e! Bakit kasi siya pa?!" Sabi ni Ully. Onga naman, kapatid niya na nga si Michelle. Kasi kinupkop siya ng parents ni Michelle nung iniwan siya ng totoo niyang mga magulang.
"Eh kailangan e. A deal is a deal pre, sensya na. Wag mo na lang sanang ipaalam sa kanya ha?" Sabi ko. Tumungo na lang siya at hindi na sumagot. Masunurin yang si Ully at mabait, may pagka-loko nga lang. :)))
Paglabas namin ng gym, may tumatakbong babae at bigla kong nabunggo. Napaupo siya sa sahig at nahulog lahat ng dala niyang gamit.
"Ay miss, pasensya na." Sabi ko at pinulot ang mga dala niya.
