Chapter 1

41 1 3
                                    

"Kyaaaaaaaaaaaaaaaaah!"

Napatingin silang lahat sakin.

Pakshet! 

Ang ganda ko kasi.

Pati yung mga estudyante na may sariling mundo at sobrang busy sa paglamon ng foods nila ---- napatigil para lang tingnan ako.

Ngumiti ako sa kanila ng pagkaganda-ganda at nagpeace (\_/) sign. Pa-cute ever! hihi.

Sobrang ganda ko kasi.

Wait, 

sinabi ko na bang maganda ako? Mwahahaha.

Tumayo si Pepz na nakaupo sa harapan ko...

Inilapit ang mukha sa may tenga ko at sinabing...........

"NAKAKAHIYA KA."

>.<

"SALAMAT HAAAAA! Napaka-supportive mo talagang KAIBIGAN." -(Note: w/ Sarcasm) na sabi ko nang makabalik na siya sa upuan nya.

Ngumiti siya sabay sabing..... "Your welcome!"

Aba! Napaka--- talaga ng babaeng to! Psh!

Binelatan ko nga :P

Bumawi naman siya :PPPPPP

Ganyan talaga kami, parang bata kaya masanay na kayo.

Anyways, we're having our snack here @ canteen.

Dito kami sa dati naming pwesto ---- sa center table.

Hindi naman kami special sa school na to e, sadyang kumakaripas lang kami ng takbo ni Pepz pagtunog ng bell. Favorite table kasi namin to. Ayaw naming maunahan kami . wahaha. Mini table lang kasi siya, good for two. Ang cute nga eeeee... ^^

Wala namang nagrereklamo sa pag-occupy namin sa table na to dahil lahat ng estudyante dito puro may grupo kaya mas prefer nila yung mas malaking mesa. Lucky us, di ba? ^_-

Kung itatanong niyo kung sino yung sumigaw kanina.....wag kayong assuming. Hindi po ako artista. 

Ako yung sumigaw kanina. hahaha.

Hindi naman ako sikat dito para tilian eh. Hindi rin naman ako ipis para tilian. xD

(Pepz: oy! sikat ka kaya!

Ako: talaga!?

Pepz: Oo. Sikat sa KAHIHIYAN. wahaha! )

Tae. Epal talaga yang Pepz na yan. Dapat pala Epz nalang tawag ko sa kanya. Mas bagay -______-

Napasigaw lang naman ako dahil sa tuwa e...

Nagtext kasi sakin si Kuya Izon na may concert daw dito sa lugar namin ang aking labidabs na si Klaude Lambino! Kyaaaaaah! Sobrang excited na ko! Makikita ko na siya sa wakas! :DDDDDD

Sino nga ba siya???

Isa siyang sikat na artista dito sa Pilipinas. Multi-talented siya. Magaling umarte, sumayaw, kumanta, gwapo at mabait! Nasa kanya na ang lahat......well, AKO NALANG ANG KULANG! :D

Itinabi ko sa mesa yung phone ko para ipagpatuloy ang naudlot kong paglamon sa spaghetti na nasa harapan ko.

"Bat ka ba sumigaw??? Anong kalandian nanaman yan???" -tanong ni Pepz.

Ngumiti ako ng sobrang lapad. Oo. Baliw na talaga ako kay Klaude! Nyahahaha!

"Okay. Ang tanga ko naman para itanong ka pa noh? Isa lang naman ang rason ng pagkabaliw mong yan e. Tss!" 

See? Hahaha! Alam kasi ng lahat na baliw na baliw ako kay Klaude xD

"Hahaha! Ano kasi.....EEEEEEEEE... MAY MINI CONCERT DAW SIYA DITO SATIN PEPZ!!! AAAAA----jadgjhsjhdg" 

"Ssssssshhhh! WAG KA NGANG MAINGAY!!" -sigaw niya habang nakatakip yung kamay niya sa bibig ko. Grabe...Kung makapagsabi ng "Wag maingay" parang hindi siya maingay noh? -____-

"Eeeeeeeeeew! Ang baho ng kamay mo!!" marahas kong tinanggal yung kamay niya. Nakakainis! Kumain lang naman siya ng MANGGA w/ BAGOONG! Ambaho! -_-

"Hahahahahaha!" tumawa lang naman siya.

Kung baliw ako, mas baliw siya!

T_______________T

Kumain na nga lang uli ako  >.>

Naramdaman niya sigurong mukha na siyang baliw kaya tumigil na siya sa pagtawa at itinuloy na rin ang pagkain niya.

Tahimik kaming kumakain nang biglang tumunog ang phone ko.

Nagkatinginan kami ni Pepz.

**********************

to be continued. xD

Shifted PlacesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon