"Eh Mama, mukhang 'di naman magigising yung tulo laway na pangit na yun eh!"
"Ikaw talaga Eri, lagi mong inaaway kapatid mo. Kaisa-isang kapatid mo na nga lang eh. Gisingin mo na."
"Aynako naman. Lagot ka talaga sa 'kin Ely."
Naalimpungatan ako sa ingay na naririnig ko. Ba yan, wala pa akong karapatang magkaron ng masarap na tulog. Deserve na deserve ko kasi eh! Hahaha.
Minulat ko na ang mga magagada kong mata (oops bawal kumontra, kwento ko 'to) at sinuot ang salamin ko. Pagtingin ko sa orasan... WTFHFLHDBJKMLASMBHFDJKS!!11!!one!!!eleven!!11!!
Isang malaking 7:10 ang nakita ko sa orasan. Anak ng.. late na ako!
Napuyat na naman kasi ako sa pagtitig sa mahal kong si Oliver eh. BWAHAHA.
Diretso agad ako sa banyo. Syempre mataray ang kwarto ko, may banyo. Hahaha.
Mga 15 minutes lang ako naligo. Nakakapagtaka nga yung ibang babae e, ba't inaabot ng isang oras mahigit ang paliligo. Minsan nga naisip ko kung kulang ba ko sa body parts na dapat kuskusin eh. Or sobra ang body parts nila? Hahahaha.
Buti Friday ngayon ~it's Friday, Friday~ at hindi hassle magsuot ng uniform. Unlike kapag skirt diba, andaming butones at magnenecktie ka pa.
At dahil wala na akong pagasang umabot sa first subject o second subject, nilubos ko na. Nagbagal na ako ng kilos.
"Ba, ayos 'to ah. Kung makakain kala mo hindi late. Ninanamnam mo pa ata bawat butil ng magic sarap diyan sa sinangag ni Mama ah."
"Epal mo talaga Kuya. Ganyan ba kapag hindi sinasagot ng nililigawan?"
"Ulul."
"Eri narinig ko yun ah. Bunganga mo." Sita ni Papa.
Nagbelat ako kay Kuya. Ely - 1 Eri - 0
"At least ako may pag-asa. E ikaw? Meron ba? Kay ano.. sino ba yun? Oliver Posadas ba yun?"
Anak ng.. ang sakit ah. Ang sakit malaman na wala kayong pag-asa. Pero mas masakit kapag nasuklay mo ang pimple mo. Grabe. Magiingat na nga ako sa pagsusuklay sa susunod.
"Oliver, sorry ha." Oliver kasi pangalan ng pimple ko. Diba sabi nila yung crush nagiging pimple daw. Syempre uto-uto ako eh. Pake niyo ba. Pangalanan niyo din pimple niyo.
Nagtoothbrush na ako tapos pabango here, pabango there.
"Aba pangit, tagal mo naman." Syempre si Kuya yan.
"Anong pangit? Kung pangit ako, pangit ka din. Magkadugo tayo eh."
"Hindi ah. Ampon ka kaya. Anak ka ni Mang Kanor eh."
Si Mang Kanor yung mejo may tililing diyan sa kanto. Tambay sa tindahan nila Stephanie na patay na patay naman sa Kuya ko. One time kasi bumili kami ni Kuya dun kela Stephanie. Tapos bigla akong sinitsitan ni Mang Kanor at tinawag na anak. Mangiyak-ngiyak nga si Kuya kakatawa eh. Pagkatapos nun inaasar na ako lagi ni Kuya na anak ni Mang Kanor.
"Papa oh. Inaaway ako ni Kuya."
"Ikaw talaga Eri, inaaway mo yang anak ni Mang Kanor. Este si Ely."
Di ko alam kung kakampi ko ba 'to si Papa o ano eh.
Si Kuya maghahatid sa 'kin. Dalawa kasi kotse namin at siya nagdadrive nung isa. 'Di naman kami mayaman, yung trabaho kasi ni Papa ay sa mga sasakyan.
"Sige alis na po kami. Bye Ma! Bye Pa!"
Yung lagi palang umaaway sa 'kin, si Kuya Eri yun. Enrico Bautista Jr. for long. Gwapo talaga yan. Malamang kapatid ko eh, labag man sa kalooban ko. Crush ng bayan yan eh. Nakabrace pa. Dagdag pogi points. Tall, white (maputi kasi siya lol) and handsome yan. Magaling magbasketball at magaling sa math. Ang maipipintas ko lang kay Kuya ay saksakan ng kuripot at lakas mangasar. Tsaka 'di babaero yan. Kaya swerte nagiging girlfriend niyan. Protective din.
BINABASA MO ANG
S.E.T.H. (She's Everything To Him)
Teen FictionMasarap magmahal pero mas masarap kumain. Ang kwentong magpapaganda sayo, tiwala lang yo!