A/N: Sorry kung may typo errors. Tinatype ko kasi 'to ng mabilisan. Haha.
Si Ely po yung nasa gilid. Hahahaha. I don't use Koreans for my story. HAHAHAHAHA. Overrated na kaya. =))))
Penge lang tatlong like, ipopost ko si Seth sa next chapter. Gwapo po siya. GIF pa ilalagay ko. Kaya 3 likes lang please? Ta's comment na din. Sige na. =))) :"> Grabe, gwapo talaga ni Seth. 'Di kayo madidisappoint lol. =))
************************************
Kanina pa kami palakad-lakad ni Seth. Parang 'di naman namin alam kung sa'n kami pupunta. Pinagtitinginan na nga siya ng mga tao eh. Pogi kasi talaga ni Kutong Lups eh. Mejo gulo-gulo pa buhok niya. Yung bangong gising pero sexy tignan. Anak ng.. ano ba pinagsasasabi ko? Haha.
"Hoy, san ba tayo pupunta?"
"Ewan ko."
Tignan mo 'tong ugok na 'to. Hila na hila sa 'kin, 'di naman pala alam pupuntahan.
"Eh kala ko ba may emergency?"
"Palusot ko lang yun. Nahihiya ako kay Kim kanina eh."
Tapos nagayos siya ng buhok. May hikaw pala siya sa tenga pero yung 'di adik tignan. Parang nakadagdag pa nga sa kapogian niya eh. Hay, swerte mo Kim. Ganda mo. Hahahahaha.
Bigla kong nakita si Kuya Fishball. Tawag ko lang yun sa kanya kasi 'di ko talaga alam pangalan niya. Hinila ko si Seth papunta dun.
"Teka, teka. Yun uniform ko naman. Nagugusot." Iritadong sabi niya.
Nung makarating na kami dun kay Kuya, biglang nagiba itsura ni Seth. Parang napangiwi. Luh. Kala niya ba ang gwapo niya kapag gumaganyan siya? Pwes..
Oo. Tama siya. HAHAHAHAHAHA.
'Di ko siya crush ah? Nagagwapuhan lang ako. Grabe! 'Di ako defensive! Wag nga kayo. Baka mabasa 'to ni Oliver. Magselos. :">
"Don't tell me--"
"Kuya! Pabili nga po. Tigsampung pisong fishball, limang kwek-kwek, ta's dalawang isaw na tiglilimang piso."
LOL. Kain construction worker ba? Hahahaha. Libre naman ni Seth eh. Mautak at maganda ata 'to! Tsaka super favorite ko kasi yung mga street foods eh. Kahit sabi nila madumi. Eh mamamatay ka din naman eh. XD
Tinignan ko si Seth. Binigyan niya ako ng seryoso-kakainin-mo-ba-talaga-yan look.
"You're really gonna eat that?"
"Hindi naman. Tutulungan mo ako eh."
"What the fuck! No!"
"Ay arte? Naku, Kuya. Pasensya ka na dito ah?" Nakakahiya kasi dun kay Kuya Fishball. Baka ma-offend siya.
"Ako na magbabayad, kainin mo na yan lahat."
"Aba, ikaw talaga magbabayad neto no. Bakla ka ba? Yan lang, di mo kaya?"
"Hello no! Ako? Bakla? Baka gusto mong halik--" 'Di niya natuloy yung sasabihin niya kasi inambangan ko siya na susuntukin.
"Hehe, joke lang! 'To talaga si Ely o. Di mabiro."
"De, wala. Bakla ka talaga. Yuck, sabihin ko nga kay Kim yan."
Tinigna niya ulit yung mga binili ko.
"Okay, this is really gross. Pero sige na nga. Malakas ka sa 'kin eh."
Kumuha siya ng fishball pero pinalo ko kamay niya.
"Hey, what's that for? Kakainin ko na nga diba?"
"Bakit? Sinabi ko bang yan kakainin mo? Etong isaw kakainin mo."
BINABASA MO ANG
S.E.T.H. (She's Everything To Him)
Teen FictionMasarap magmahal pero mas masarap kumain. Ang kwentong magpapaganda sayo, tiwala lang yo!