Chapter 4: Step One

80 7 0
                                    

Its been a week simula nung magpatulong sa 'kin si Seth sa panliligaw kuno kay Kim. At isang week na din siyang nakabuntot sa 'kin. OA lang. Baka bigla daw akong makaisip ng plano para sa panliligaw nya kay Kim at gusto niya kasama siya sa panahong yun. 

Haynako Kim. Ang ganda mo lang. HAHAHAHAHA.

"O ano? Nakaisip ka na?" Mga pang 1345678987654 times na niyang tinanong sa 'kin yan. Nakangiti pa siya. 'Di naman sa ayaw ko siyang tulungan. Nakakirita lang kasi talaga.

Pero kahit naiirita ako sa kanya, 'di ko maiwasang mapangiti din. Well, dati ko na siyang nakikitang nakangiti. Pero ngayon ko lang siyang nakitang nakangiti sa malapitan. Mas lalong naniningkit ang mga mata niya.

Bigla akong nagbawi ng tingin ng mapansin kong nagkatitigan pala kami. Lol what iz awkward.

"Seth, pang isang milyon at isa mo ng tinanong sa 'kin yan." 

"Wow, nacompute mo? You're so great!" Sarkastikong sabi niya. Nakngteteng.

"Alam mo, bahala ka na nga diyan."

Sabay walk out ang drama ko. HAHAHAHAHAHA.

Syempre gusto ko lang naman maranasan. Bakit ba. XD

*****

"Kuya, may tanong ako sayo."

"Basta walang kinalaman sa history."

AHAHAHA. Hate na hate kasi ni Kuya yung History. Hirap na hirap daw siyang magmemorize ng mga weirdong pangalan. Tsaka naniniwala daw siya sa "Past is past."

"Ah eh.. pa'no ka ba nagsimulang manligaw dun sa girl na nililigawan mo?"

"Una sa lahat, that girl has a name. She's Ivy. Ivy Dalao future Bautista. Uhm bakit? Don't tell me tibo ka ha?"

Binatukan ko nga. Bwiset eh. Haha. "Sa ganda kong 'to?"

"Aray ah. Masakit yun. Akala ko naging tibo ka na kasi wala man lang nagkakagusto sayo. Well una.. nagpapansin ako."

"Ha?"

"Slow mo talaga. Anak ka nga ni Mang Kanor. Hahahaha. Palibhasa 'di ka pa naliligawan eh."

"Excuse me, meron ho. Tinakot mo lang."

"Whatever. So yun nga. Kelangan magpapansin ng mga lalaki sa babae para may katiting ay magkaron naman ng interes yung babae samin."

"Ah. Sige. Salamat Kuya."

"Panget mo."

ALAM KO NA STEP 1! 

*****

From: Kutong Lupa

Hey. Sorry na. :(

AHAHAHAHAHAHAHA. Kala talaga niya galit ako sa kanya. Dalawang araw ko na kasi siyang 'di nirereplyan. 'Di naman ako galit, la lang talaga akong load. 

Kutong Lupa is Seth. Baka 'di niyo alam. Hahaha. 

"Hoy Bruhita. Ang taray mo ah."

Gulat naman ako. Kala ko kung sino. Si Kim lang naman pala. 

"Ha? Ba't naman?"

"Usap-usapan lang naman ho kasi sa lahat ng sulok ng paaralan natin na close na kayo ni Seth. Ikaw ha!"

Aynako. Kung alam mo lang kung ba't kami close. Malalaman mong mas mataray ka pa sa 'kin. Sa mga susunod na araw kayo naman ang paguusapan.

"Di naman. Sakto lang."

"Speaking of.." 

Pagtingin ko sa direksyon ng mga mata niya, andun si Seth. Pawis na pawis. Shet, ba't ang hot neto kahit pawis? Hala. Erase, erase. Tulay ka sa dalawang 'to, remember!

Papalapit sa sa 'min.

"Wew! Kala ko 'di na kita maaabutan." Sabay pahid ng pawis niya. Kadiri. LOLJK.

Naku.. step 1! Step 1!

"Ah. Hehe. Kim, si Seth pala. Seth, si Kim."

"Hi! Kilala kita Seth. Sikat ka kaya."

"Talaga?" Takteng Seth. Bakit ganyan ka!! Parang tanga. He said 'talaga?' na parang ang tono eh 'weh?' o kaya 'ows? pake ko?'. Parang ganun. Grr.

"Oo  naman." Sabay ngiti ng Kim. Ay, kilala ko 'to. Kinikilig 'to. Hahaha.

"Sorry Kim. May emergency kasi kaming kelangang puntahan neto ni Ely. See you around."

Kinaladkad ako ni Seth papuntang canteen.

*****

"Ely, sorry talaga. Pansinin mo na 'ko please?"

Binatukan ko siya. Wala lang. Trip trip lang. Hahaha.

"Sige. Batukan mo pa ako. Kung yan ang paraan para mapatawad mo 'ko." 

Grabe. Ang cute ni Seth 'pag ganyan. Hahaha.

"OA mo. Ang batok na yun ay 'di para sa kakulitan mo nung nakaraan."

"E para san yun?" Sabay kamot sa batok niya.

"Para yun sa wrong move. Step number one sa panliligaw mo. Kelangan mapansin ka niya."

"E para no need naman. 'Di mo ba narinig? She knows me already." Yung tono niya eh parang naiirita na mayabang. Eto ba talaga ang may gusto kay Kim? -___-

"Syempre dapat nagpapa-good shot ka. Inaya mo man lang sana kumain. Pogi points yun!"

"Talaga?"

"Oo."

"Hmm. Tsaka na. Ano? Kain muna tayo? My treat."

"Aba dapat lang. Kapal naman ng mukha mo kung 'di mo 'ko ililibre."

"Maya ka na magsungit okay?"

Tapos inakbayan niya ako hanggang sa makalabas ng school. Hay. Bango talaga neto.. oo na tsaka gwapo. 

OLIVER! SORRY! PINAGTATAKSILAN KITA. :(

********************************************************

A/N: May nagbabasa pa ba neto? Grabe. Alam niyo bang binalak ko ng burahin 'to dahil feeling ko wala namang nagbabasa neto. Hahahaha. Pero pinagpatuloy ko lang dahil sa mga kaklase ko.

IVY! Eto ka na o. :)

- D

S.E.T.H. (She's Everything To Him)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon