Chapter 3: Who's That Chick?

88 5 0
                                    

From: 0927*******

Meet me at the canteen. Sa lunch time niyo. -Seth

Wow ayos makapagutos. Ano ka boss? Uy rhyming. HAHAHAHA.

To:  0927*******

Ayoko nga. 

From: 0927*******

Sasabihin ko na kundisyon ko. Dali. :)

To: 0927*******

My attitide is based on how you treat me. In Tagalog, ang ugali ko ay base kung pano mo 'ko ilibre. :P

From: 0927******* 

Fine. I'll treat you.

At 'di ko na siya nireplyan. Bwahahaha. Ang bait neto ah? Bumabawi siguro sa muta prank niya. Kapag naaalala ko yun, para gusto ko siyang kalbuhin at magtira lang ng tatlong pirasong buhok. GRRRR. 

Mabuti na ding ilibre niya ako. Papanload ko na lang 'tong pambili ko ng lunch. Kahit wala akong katext. Pinagtitripan ko lang yung 8888. Yung pangalan kasi ng 8888 sa phone ko ay BabyOliver. ♥ Hihi. Ba't ba. Walang basagan ng trip. Basagin ko mukha niyo eh. Hahaha.

Anyway, Physics period namin. Nakanganga kaming lahat. Literally and figuratively. What? Patunay na nakikinig po ako sa English. O maganda na matalino pa. Sa'n ka pa? Joke. Maganda lang talaga ako. HAHAHAHAHA.

Nakanganga kami talaga kasi 'di namin magets yung lesson at nakanganga lang talaga matulog yung iba kong kaklase. Eto ngang si Jaden para faucet ang laway eh. HAHAHAHA. Kadiri. 

'Di ko alam kung 'di lang talaga sila napapansin ni Ma'am Labid na napakaimposible naman o talaga 'di na lang niya pinapansin. Sabagay, matuto man kami o hindi, bayad pa din siya. XD

At sa kalagitnaan ng pag-iisip ko, naisip kong 'di lahat ng good bye ay masakit. Lalo na yung..

"Good bye class!"

Ang magic words na hinihintay namin upang magising lahat ng dugo namin sa katawan. Upang mabuhayan ang mga bulate namin sa tiyan. Tipong minumura na kami. HAHA. Tatlong subjet kasing magkakasunod 'to tapos lunch na. At after P6, lunch na. Ulit-ulit? HAHAHAHA.

Takbo na ako papuntang canteen. Gutom na gutom na talaga ako. Pagdating ko dun biglang..

"Psst!" 

Paglingon ko, si Tetet pala. Hahahaha. Cute no? Nickname niya yan eh. Pero nung bata lang siya nun. Korni daw nung tumanda. Pa'no ko nalaman? Well, lam niyo naman na die hard fans niya mga kaklase ko diba. Hahahaha. Tsaka minsan KL tawag ko sa kanya. Short for Kutong Lupa. :D

Lumapit siya sa 'kin. 

"Kala 'ko iindiyanin mo 'ko. Tagal mo eh."

"Oo sana. Kaso nagugutom ako eh."

"Anak ng.. etong gwapong 'to iindiyanin mo?" Sabay turo sa mukha niya.

"Utang na loob. Kilabutan ka naman sa mga sinasabi mo."

"Teka, order muna ako. Alam ko namang gutom na gutom ka na. Takaw mo pa naman. Kasya kaya pera ko?"

"Che!"

Tapos umalis na siya. Gwapo maglakad emeged. Hahahaha. Mejo nagtataksil ba ako kay Oliver? Sorry baby. Erase erase na yung sinabi ko kay Seth. Haha.

Dumating na siya. Tapos kumain. Walang imikan. Galit galit muna.

Tapos binasag niya ang katahimikan..

"Grabe no. 'Di pa pala tayo pormal na nakakapagpakilala sa isa't isa pero wagas na tayo magbarahan." 'Di ko siya tinignan habang nagsasalita siya. Busy ako kumain eh. Haha.

"Gusto ko naman magkakilala tayo sa maayos na paraan. Okay? Ako muna. Uhm.. Ako pala si Sethrose Rosario. Seth for short. Pero 'wag mo akong tatawaging Rose. Maliwanag? O ikaw naman.

"Ang korni mo. Ano 'to first day of classes?"

"You and your KJness. Dali na kasi. Pakshet naman o." Natawa ako sa pagkakasabi niya. Parang batang inagawan ng kendi. XD 

"Oo na, oo na. Ely Bautista po."

"Friends?" Pwede more than? Hahaha. Joke. Ay sorry Oliver. :(

Tapos naghandshake pa kami. Takte ang lambot ng kamay niya. Hjhdgffdhsjkawe. Sarap sa pakiramdam. 

"O nasarapan ka na." He chuckled. Bitaw naman ako. Urgh lagi na lang akong napapahiya. HUHU.

****

"WHAT?!"

"Ay eskandalosa lang teh?" Natawa ako dun. Para siyang bakla. Hahahaha. Nandito pala kami sa Secret Garden ng school namin pero hindi naman siya secret. So ewan ko kung ba't secret pa.

"Alam mo mga 1672890 times ko ng inulit sayo. Ulit-ulit? Unli? Dominante ka masyado."

"Dominante?"

"Dominante-nga mo grabe." Hinampas ko nga sa braso. 

"Hey, that hurts."

"Last na. Sino ulit?"

"Si Kim nga. Kim Rafael."

Grabe. Guess what. Nagpapatulong siya manligaw sa 'kin. I mean, wow. Seth the Great na tinitilian ng madlang people?! At isa pa, bestfriend ko yun si Kim. 

Si Kim.. maganda naman at mabait. May kaartehan nga lang. 

"Seryoso ka ba?"

"Yup. You're the only person I know na makakatulong sa 'kin eh. She's your bestfriend. You know a lot of things about her. Kaya please?" Sabay pout. Wth. Why are you so cute. :( =))))

Kung nakita niyo lang yung mukha niya, pareho ang magiging desisyon ko at desisyon mo..

"Fine, fine. Pero 'di ko pinapangakong magiging kayo."

"Ely.. Thank you." Weird. Masaya siya pero may lungkot sa mga mata niya? O baka naman I'm just seeing things. LOL. English yun!

S.E.T.H. (She's Everything To Him)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon