Chapter 1

80 0 0
                                    

"Wooooh!" kilig na kilig na sigaw ko nang ma-shoot ni crush, a.k.a si Al ang bola ng basketball sa ring.

"Haynako!! Halikana, Mae! Nagugutom na ako!!" sigaw naman ni Cess, na malapit nang umiyak dahil kanina pa nya akong kinukulit na kumain habang ako, nageenjoy sa laro ni Al.

"Sandali nalang! Malapit nang matapos yung game." sabi ko sakanya.

"Ewan ko sayo, Mae!! Bababa na ako!" bumaba sya sa canteen. Tyak nagtampo yun. Wala akong magawa kundi sundan nalang sya.

"Uy teka!!" sigaw ko habang hinahabol ko sya. Napansin ko na medyo binilisan nya lakad nya. Sigurado akong galiiiiiit na galit yun sakin. Pano ba naman kasi, crush na crush ko si Al. Lahat ng laro at laban nya, nanonood ako. Lahat ng sinasalihan nya, pumupunta ako para panoorin at suportahan sya. Star player sya ng team namin sa basketball. Sobrang gwapo nya. Ang puti nya, sobrang dark brown ng mata nya, medyo makapal kilay, matangos ilong, ganda ng smile!! Ang tangkad pa! Tapos kasali sya sa top 10 ng batch namin. Eto pa, mabait din sya sakin! Nasa kanya na ang lahat! :">

At last, nahabol ko rin si Cess.

"Huy! Sorry na! Si Al kas--"

"'Yan! Si Al nanaman. Alam mo bang kinakain na ako ng sarili kong tyan kanina? Nakakainis ka!!" rant nya sakin.

"Sorry na!! Alam mo naman kung gano ko ka-mahal si Al noh!! Simula grade 6, crush ko na yan! Tas 3rd year na tayo ngay-" hindi nya ako pinatapos magsalita nang bigla syang tumalikod.

"Wala akong pake!! Hindi naman ako mapapakain nyan ng Al mo eh! Bahala ka dyan! Kakain na ako!" sigaw nya habang naglalakad papalayo sakin.

Wow. Mukhang galit na galit sya sakin. Shet. Pano ko ba 'to papa-amuhin. May hyperacidity kasi sya kaya kailangan nyang kumain oras oras. Masyado kasi akong nagenjoy sa laro nila Al kanina kaya di ko na naalala yun. Ang galing galing talaga ni Al, eh! WAHHH!!!

***

"Uy sorry na, Cess. Masyado kasi akong na-distract kay Al kahapon. Sorry naaaaa."

Naka ilang milyong sorry na ata ako ngayon sa bestfriend ko, pero parang itinatakwil na nya ako. Shemay. Hindi nya ako pinapansin. Hindi nya ako kinakausap. Sobrang seryoso sya. Ang laki ng kasalanan ko sakanya.... WHAT TO DO? :(

At last, nahuli ko syang mag-isa sa bench malapit sa court, kumakain. Hindi talaga pwedeng hindi sya kumakain ng tinapay.

"Cess?" umupo ako sa tabi nya.

"Ano nanaman?" galit na galit na sabi nya.

"Sorry na talaga. Hindi na mauulit. Promise."

"Kasi naman eh, alam mo naman yung kalagayan ko, pero yang Al mo parin nasa isip mo. Akala ko ba bestfriends tayo?"

Sobrang na-ouch ako sa sinabi nya. Totoo naman kasi. Mas inuna ko pa si Al.

"Kaya nga sorry na eh. Ako may kasalanan. Pansinin mo na ako. Bati na tayo, please?"

Nagkaroon ng konting silence. (Konti kasi may mga estudyante pa na nag-iingay.)

"Hay, Mae." inangat nya ang salamin nya.

"Pleeeeaaassseeeeee" kulit ko sakanya.

"Basta wag mo lang uulitin ah." YEEEESSSS AT LAST!!!!

"Yaaaaaay!!! Opo opo!!" ako yung pinakamaingay sa area namin. Niyakap ko sya ng mahigpit.

"Tara, kain." aya nya sakin nang maglabas ulit sya ng tinapay sa  Jansport nya na bag na may design na Cheeseburger.

MU kami, MU din sila.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon