Chapter 2

25 0 0
                                        

Ganon sya magalit. Ganon din sya magpatawad. Bestfriend ko yan eh. Lahat nalang ng nangyayari samin, alam namin. Bestfriend ko na yan since grade 1. Officemates din kasi parents namin noon. Naaalala ko pa nga dati ayaw na ayaw ko sakanya kasi napaka-arte nya. Kakain ako ng dinuguan, sakanya pasta. Iinom ako ng Milo, iinom sya ng iced tea. Sinanay sya ng nanay nya na maarte rin. Pero buti nalang naimpluwensyahan ko ng pagka batang kalye ko. Natuto sya sa buhay dahil sakin, at natuto akong maging maayos at organized dahil sakanya. Nabago namin ang buhay namin dahil sa isa't isa. Kaya nga sobrang nagpapasalamat ako na naging kaibigan ko si Cess, kasi kung hindi dahil sakanya, hindi ako ang 'Mae' ngayon.

***

Si Al naman, nagkakilala kami sa club namin sa school. (St. Monica High School, Arts club) Una, hiniraman nya ako ng basahan dahil wala syang dala, at sobrang kalat nung paint nya. Nasabi ko na ba na ang galing nya mag drawing? Sya yung pangalawa sa pinaka magaling magdrawing sa Art club. Alam nyo kung sino yung una? AKO :">

***

Lunch break na. Magkasama kami ni Cess, (as usual) sa lobby.

"Hi, Cess....." nagulat ako nang biglang may malalim na boses na umintriga sa tenga ko.

"Uy, Al!" sagot ni Cess. Mukhang di ata ako papansinin ni Al ah. :'(

"Hi.........." mukhang nakalimutan pa nya pangalan ko.

"Mae." tinapos ko sentence nya.

"Mae!! Right......"

Ouch. Sakit. Nakalimutan nya pangalan ko. Huhu saklap.

"Sige una na ako, may gagawin pa ko. Bye!!" paalam nya samin.

Grabe talaga super saklap na makalimutan ni crush pangalan mo -_- pagkatapos nya kong hiraman noon -_- wooooow!

"Mukhang ikaw pa ata pinansin." hinampas ko si Cess gamit yung notebooks na hawak ko.

"Sorry. HAHAHA!!" aba tinawanan pa ako!!

"Grabe ka, masakit na nga, tatawanan mo pa ako!" :(

Sobrang nasaktan talaga ako. Ang babaw ko noh? Mahal na mahal ko kasi yang taong yan. Ito pa yung unang beses na kinalimutan nya pangalan ko. Wow. Just. Wow.

***

Kinabukasan, hindi ko alam kung anong anghel ang pumasok kay Al, pero nag-sorry sya sakin. Ano, bawi?

"Mae!" tawag nya sakin.

"Oh?" medyo walang ganang sagot ko.

"Sorry kasi nakalimutan ko pangalan mo kahapon."

"Sus. It's no big deal." ningitian ko sya.

"Hindi, babawi ako. Libre kita mamayang uwian?" HALAAAA OMG OMG GRABE ANO 'TO TRIP BA KO NITO TOTOO BA 'TO TEKA TEKA. Parang pangalan lang naman!

"Uhh.... Sure ka bang.. AKO ang inaaya mo?" syempre ayokong umasa noh.

"Oo." patawang sabi nya.

"Uh.. Sige sige." sagot ko. SYEMPRE NOH, SI CRUSH 'YAN.

"Great!! See you later!" paalam nya.

"Geh. Bye."

OMG OMG OMG WAAAHHHH HEAVEN LANGIT GRABE INAYA AKO NI JOSHUA ALBERT SANTOS DE VERA WOOOOH!!!! Kailangan kong sabihan si Cess tungkol dito!!

***

"CEEEEEEESSSSSSS!!!" excited na sigaw ko sa hallway nang makita ko sya naglalakad papuntang canteen.

"Oh? Anyare sayo?" salubong nya sakin.

"Inaya ako ni Al mamayang uwian!" HEHEHE

"Weh? Congrats!! San kayo pupunta?" tanong nya nang sabay kami maglakad.

"Walang sinabi eh. Basta sabi nya lalabas daw kami mamaya! Hihi." grabe sobrang kinikilig akooooo!!

"Ahhh..... Okay. Ikaw, ah. Mag-iingat ka!! Baka anohin ka lang nyan." paalala nya sakin.

"Anohin?" umupo kami sa bench.

"Lokohin, ganon." suuus!! Hindi ako lolokohin ni Al! Ang bait bait nya nga sakin eh. :">

"Hindi naman ako siguro lolokohin nun noh! Abot langit kaya bait nyan!" medyo pasigaw kong sabi sakanya.

"Oh, wag kang magalit, pinapaalahanan lang kita. Kain na nga tayo!"

MU kami, MU din sila.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon