Simula nun, lagi na kaming nag-uusap ni Al. Lagi na nya akong nilalapitan at kinakausap, lagi na rin nya akong hinihintay sa school gate namin pag uwian. Pansin ko na lagi syang sumisilip sakin sa Art club. Waaah!!
***
*CECILE "CESS" RAMOS' Point Of View*
Grabe na 'tong nangyayari sa bestfriend ko. Lagi nalang 'Al' ang bukambibig nya. Tas eto namang si Al, chat naman ng chat sakin sa Facebook para lalong mapalapit kay Mae. Tanong sya ng tanong kung ano ba mga gusto nya, ano mga mahilig nyang gawin. Syempre kanino pa ba sya magtatanong, eh ako lang naman parating kasama ni Mae simula grade 1 hanggang ngayong 3rd year high school na kami. Madalas din akong lapitan ni Al sa school, lalo na pag ako lang mag-isa para pagpiliin ako kung ano ba mas gusto ni Mae, piliin kung ano mas bagay sakanya, magtanong ng kung ano-ano tungkol sakanya.
***
Next week na birthday ni Mae, at gustong i-surprise ni Al si Mae, kaya eto nanaman ako, nagiging source of information nanaman ni Al. Sabi ni Al nung Friday, tuwing uwian, pupunta ako sa bahay nya or pupunta sya sa bahay namin para mag-ayos ng mga kailangan sa birthday ni Mae. Balloons, food, presents, dramatic letters/messages. Parang girlfriend na nga nya si Mae eh.
Bumili na kami ng mga decorations at iba pang mga gamit para sa birthday surprise na gagawin namin. Nag-plan na kami sa bahay nila. Walang ibang tao sa bahay nila kundi sya, ako at ang 'yaya' nya.
"Ikaw lang dito?" tanong ko. Amaze na amaze ako sa bahay nila. Ang laki tas ang ganda. Sobrang linis.
"Yep, tsaka si Ate Fin." sagot nya nang ibaba nya ang Jansport nya na bag na plain red nya sa sofa.
"Uh, Ate, may gagawin lang kami ng kaibigan ko sa taas." paalam nya kay Ate Fina habang nanonood sya ng Pretty Man. Mahilig din pala sya sa Korean teleseryes.
"Sige Mag-aakyat nalang ako ng pagkain nyo." sagot nito kay Al.
"Good afternoon po." bati ko.
"Good afternoon din, Iha." sagot nya.
"Tara na." kinuha nya ulit yung bag nya. Bakit pa kaya nya yun nilapag? Gulo nito.
Umakyat kami sa kwarto nya. Wow. Ang linis, puro basketball and academic trophies and medals yung nasa shelf nya. Maayos yung kama pati cabinet. Maluwag. Ang laki din ng TV. Samsung pa. May mga games din sya, XBox, Wii, lahat na!! Super duper rich kid naman nito.
"Bakit kayo lang?" tanong ko kay Al. Na-curious ako eh.
"Nagttrabaho both parents ko sa America para sa business kasama Ate ko tas pati bunso kong kapatid." umupo sya sa kama nya. Wow talagang rich kid 'to.
"Ahh. Bakit hindi ka sumama sakanila?" umupo nalang din ako sa kama nya.
"Ayoko dun. Malungkot. Mas masaya dito." naks naman si Kuya.
"Ah... Okay." wala na akong masabi eh.
"Eh, ikaw, asan parents mo? May mga kapatid ka ba?" tanong nya sakin. Ay wow may personal questions pa.
"Yung father ko nasa heaven, yung mother ko nasa America din. Only child ako." sagot ko.
"Ah.. Sorry. Uh, ano trabaho ng mom mo?" pahabol pa nyang tanong nang ilabas na nya ang mga gamit na kailangan namin at inilatad ito sa kama nya. Kawawa naman kama nya, ang linis linis na eh.
"Business din kasama fiancé nya." ganon talaga eh.
"Oh.. We have a lot in common pala." sabi nya.
"Yeah.... Game na." kinuha ko ang lapis nya at nagsimulang mag sketch.
"Okay na ba yung balloons?" tanong sakin ni Al nang itapon ko ang calculator sa lamesa nya na punong puno ng kalat.
"Tsk. Opo, boss. Tapos na." pagod na pagod na sagot ko.
"Ba't parang galit ka pa?" sabi nya sakin.
"Hindi ako galit. Pagod lang. Php40 pala ang isang balloon na gusto mo," sagot ko sakanya. "kung ang gusto ko is 20 pcs., Php800 magagastos natin." dagdag ko.
"Sige, ako na bahala dun." sagot nya sakin.