Chapter 2 "Hero" ♥

11 0 0
                                    

Flashback '8 yrs ago. ♡

"oh anak iiwan na kita dito ha. pakabait ka okay? Susunduin kita Later Mwaah ;* si madirr ko haha.

" Opo mommy. :)

iniwan na ako ni mommy na naglakad na ako papunta sa room ko. nakakahilo naman dito ang laki kase hayss. siguro sobrang yaman yung may ari neto.

"panget! panget!

"bago lang ba sya dito mukha syang taga bundok.

"ang itim naman nya Ita siguro yan! iwww

" Girls may maganda tong araw nato. may bago nanaman.

naririnig ko sa mga schoolmates ko habang naglalakad ako sa hallway. teka! ako ba yung sinasabihan nila. ako lang naman kase yung naglalakad dito sa hallway ehh. hayss bahala na nga.

"Buggggssshhhh. oh :D wag kayo tunog yan ng pagbangga sakin.

"aray! hala lagot natapunan ng coke yung uniform ko. lagot ako kay mommy lagot.sabi ko

"Hahahahah. Tatanga tanga kase ih. Bulag kaba tumingin ka nga sa dinadaanan mo. Haha pero bagay naman sa kulay mo oh! Negra hahhaa. naririnig kong nag tatawanan ang mga iba ding studyante.

"hindi naman ako maitim ha! at hindi rin ako tanga noh! sabi ko habang nakayuko.

"aba! Sumasagot ka pa ha! Kilala mo ba ako ha! Girls alam nyo na! - napatingin ako sa kanya at nakita ko ang nakataas nyang kilay at isa isa akong hinwakan ng mga kasama nya.! teka! teka! San nila ako dadalhin.

"Hoy bitawan nyo nga ako sino ba kayo ha! san nyo ako dadalhin. sabi ko pero ayaw parin nila ako bitawan naiiyak na ako huhu mommy asan kanaba? mommy.........

"Bitawan nyo na ako. pag mamakaawa ko. pero hindi parin nila ako binibitawan hanggang sa naiyak na ako.

"hahahah. umiiyak na sya oh. kawawang bata hahaha. narinig kong tinawanan nila ako tska nila ako tinulak sa gilid ng Cr ng school.

"wala naman palang kwenta to hayss. tara na nga sabi nung parang leader ba nila yun at umalis na sila.

Naiwan akong nakaupo dito sa sulok at umiiyak habang nakayakap ako sa tuhod ko. ano ba tong school na to mommy huhu.

"Sunduin mo na ako mommy gusto ko na umuwi huhu. - sabi ko sa sarili ko habang umiiyak.

"pst. pst. - may naririnig ako na parang may tumatawag sakin kaya tinaas ko yung ulo ko at nagulat ako ng may katabi na ako.

"Miss bat ka nandito? Tambayan mo ba dito ha? Tska bat ka umiiyak? ang dumi mo rin oh. sabay turo nya sa akin.

Sino ba to. ang daming tanong ha. hayss.

"Uy miss pipi ka ba? uyy. uyy. sabay dutdut ng daliri nya sa tagiliran ko. ang kullittt hayss.

"Ah. eh di ako pipi ano! Sino kaba? huhu aawayin mo rin ba ako ha? huhu. -sabi ko sa kanya baka kagaya lang din sya ng iba eh huhu.

"Huh? di kita aawayin noh! Teka inaway kaba ha? kaya ka nandito at umiiyak? Ey iyakin ka naman pala ehh. tss. loko to ah. sino ba to hayss. "Tara sabay lahad ng kamay nya sa akin. "di kita aawayin PROMISE ^^. Sabay taas ng kamay nya. Ngumiti sya sa akin kaya ngumiti narin ako sa kanya.

Tumayo na ako at pinagpag ang palda ko. at pagkatapos noon ay hinila nya ako teka! teka! ano na naman ba to hayss.

"Hoy bitawan mo nga ako! Sino kaba! -sabi ko habang hila hila parin nya yung kamay ko.

huminto sya bigla at humarap sa akin "Ako nga pala si justine Sandoval Miss" ? sabay ngiti at ayun hinila na naman ako para tumakbo baliw na ata to hayss..

"Oyy bitawan mo na ako. sabi ko.

"Ikaw ano ba pangalan mo ha? sabi nya ng walang lingon lingon. baliw nga talaga.

"Bitawan mo muna kaya ako. sabi ko at ayun binatawan nya nga ako. tss. kulit ehh.

"Ako nga pala si Jillian Cloie Sebastian. Jc For short :) at ayun ngumiti na naman sya sakin.

tumingin ako sa paligid ko at nandito na pala kami sa hallway ulit. di ko man lang napansin hayss. hila kase ng hila tong lalaki nato ehh. at nagulat ako nung nakita ko na nilalapitan ng mga babae si justine. wow ha! grade 3 palang kami pero ganyan na sya lapitan ano ba naman tong mga babae nato. Pero nagulat ako ng bigla nalang hatakin ni kulit ay este Justine pala yung kamay ko. at hinawakan yung balikat ko.

"Kayong lahat kung sino man ang mang away sa bago kong kaibigan na si... na siii anoo ba ulit pangalan mo hehe ^^. tanong nya sakin. matanda na ata to. ulyanin eh.

"Ah Jc nalang. sabi ko sabay yuko nakita ko kase yung iba na nakataas yung kilay sa akin ehh.

"ah oo si Jc pag nakita ko o nalaman ko lang na may nang away sa kaibigan ko malalagot kay mommy tandaan nyo yan. huh? Teka! sa mommy daw nya. ano naman magagawa ng mommy nya. hayss baliw na ata talaga to. padala ka na sa mental Lol hahah.

"Tara na Jc :) ngumiti na naman sya sakin at hinila nanaman ako waaah! baliw ba sya kanina pa ako hinihila ha. di na ako nakapasok sa room ko huhu isusumbong ko sya kay mommy.

nilibot namin ni justine yung school at tinuro sakin yung mga iba pang facilities ng school namangha talaga ako sa laki ng school nato. at nalaman ko rin pala na ang lolo ni justine ang may ari ng school na ito pero nasa ibang bansa yun kaya ang mommy nya ang namamahala ngayon dito. mayaman pala tong si kulit haha. Tas ayun kada dumadaan kami nag papansin sa kanya yung mga babae. tsk ang bata bata pa nila eh hayss. pero bilib din naman ako dito kay justine kahit na sobrang yaman nya simple lang sya. siguro mabait talaga to hehe.

"Ahm justine? :) sabay harap nya sakin. nandito kase kami sa playground ng school nila ehh.

"Oh bakit? May kailangan kaba? sabi nya.

"ah wala. Friends? ^^. sabay lahad ng kamay ko sa kanya. pero nag tignan ko ulit sya ay nakatingin lang sya sa kamay ko. teka! baka ayaw nya ako maging kaibigan hayss. gusto ko pa naman sya maging kaibigan.

"Nge. hindi pa ba tayo friends ah. Ahm BestFriends gusto ko ^^. at ayun ngumiti na naman sya sakin sabay kindat. loko to ah haha.

Flashback End ♡

at dun nga dun na nag umpisa ang pagkakaibigan namin ni justine. nalaman ko rin kay mommy na kaya nya ako pinasok sa school nato kase sabi daw ng kumare nya at yun ay ang mommy ni justine. magkababata pala yung mga mommy namin hehe. nalaman ko rin na magkapit bahay pala kami ni justine. sa tapat lang ng bahay nila yung bahay namin. kitams kahit na sobrang yaman ng pamilya nila justine simple lang talaga sila.

at habang tumatagal ay mas lalo pa kaming naging close ni justine laging iisa lang yung school na pinapasukan namin. lagi kaming magkasama hindi kami naghihiwalay sabi nga nila baka daw kambal kami haha lol. lahat ng sikreto namin ay alam ng bawat isa. ultimo mo pag utot haha. at masasabi ko na talaga sa sarili ko na BESTFRIEND FOREVER ko na talaga si justine. para narin akong may kapatid eh. at superhero kada kasi may nang aasar sakin sya yung sumasagot haha. pinag tatanggol nya ako sa lahat. Ganyan naman ang mag bestfriend diba? at alam nyo ba hindi pa kami nag aaway nyan. haha. parang di na ako makokompleto pag wala sa tabi ko si parekoy ang una taong naging bestfriend ko ang superhero ko at ang pinaka importanteng lalaki sa buhay ko.

AN: Waaah! nakapag UD pa ako kahit na MidTerm namin haha. So guys ayan na po yung kwento kung paano sila naging magkaibigan haha. Yung mga Iba pong scene E base po sa totoong buhay ni mis otor haha. Sana po magustuhan nyo ^^.

Jc ;*

BESTFRIEND FOREVER :)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon