Chapter 3 "Salamat ♥

9 0 0
                                    


Pauwi na kami ngayon ni parekoy galing school kaso may lumapit sa amin di ko Kilala eh. kaibigan ata ni jillian.

"Hi Jillian :) Pwede ba akong sumabay sa inyo wala kase ako kasabay ngayon eh. sira din kase yung sasakyan namin- sabi nung babae na nakangiti sa amin.

"Sige lang Angel. Ay angel si Justine nga pala BestFriend ko.. O justine si Angel New Classmate ko :) - sabi naman ni parekoy. ang ganda naman ni angel hahah.

"Ah Hi angel -sabi ko at ngumiti naman sya sakin. sabay na kami naglakad na tatlo at sa kabilang Block rin pala ang bahay nila . parang ilang bahay lang yung pagitan namin sa bahay nila angel. nauna ng humiwalay sa amin si angel at kami nalang ni parekoy ang magkasama ngayon.

"Parekoy mabait ba yun ha? - tanong ko.

"Oo naman parekoy. kaso nga lang tahimik na tao yun si angel eh. magsasalita lang sya kung kailangan o kung kakausapin mo sya kaya nga nagulat ako nung kinausap nya ako kanina. - sabi ni parekoy.

ANGEL'S POV.

Pauwi na ako kanina nung nakita ko sya. ang lalaking tumulong sa akin 3yrs ago.

Flashback

Nandito ako ngayonn sa sa may tulay. dito ko naisipan pumunta para mailabas ang lahat ng nararamdaman ko. niloko kase ako ng taong mahal ko. at habang nilalabas ko ang sama ng loob ko ay bigla naman kumulog ng malakas at umulan. oh shit!

"Ano ba ha? Nanadya kaba. lahat ba kailangan kuhain mo sa akin ha? Una yung mommy ko sunod yung lola ko tas ano hinayaan mong saktan at lokohin lang ako ng taong mahal ko. ano bang nagawa ko sayong kasalanan ha!? - sigaw ko habang umiiyak. hindi ko na kase nakayan. wala naman akong ginagawa sayo lord ha. bakit ganito bakit ba ayaw mo ako maging masaya. lahat nalang ba ha? Sige kuhain mo narin ako tutal kung dyan ka naman sasaya eh. grabe na talaga ang sakit na nararamdaman ko gusto ko ng mawala sa mundo gusto ko ng mawala lahat ng nararamdaman ko.

Tumingin ako sa ibaba ng tulay at unti unti akong umaakyat sa harang. wala na akong pake elam kung ano man ang mangyari sa akin basta ang alam ko lang ayoko na ng ganitong buhay.

Tatalon na sana ako ng biglang may humatak sa damit ko na naging dahilan naman ng pagkalaglag ko sa may semento sa tulay.

"Ay tang*na! ano bang problema mo ha! -sigaw ko sa lalaking nakahawak parin sa damit ko.

"Miss magpapakamatay kaba ha? - tanong nya.

"Eh gago ka pala eh. Diba halata ha? Bitawan mo nga ako- sigaw ko sa lalaki pero mas lalo lang nya hinigpitan ang pagkakahawak nya sa damit ko.

"alam mo bang masarap mabuhay ha! Bat mo sasayangin ang buhay mo sa ganyan lang.- sabi nya ng mahinahon sa akin

Tinabig ko lang ang kamay nya at tinulak ko sya "Ano bang pake elam mo sa akin ha? Sino kaba? Hindi nga kita kilala eh. kaya pwde ba just leave me alone" - sigaw ko sa lalaki. pero nagulat ako ng bigla nya akong niyakap. Oo niyayakap ako ng isang lalaki ngayon na hindi ko naman kilala pero di ko ba alam sa sarili kona bigla nalang ako napaiyak nun. nakaramdam ako ng comfort sa pagkakayakap nya sa aking yun.

"Sshh. sige iiyak mo lang yan. iiyak mo lang ang sakit na yan. handa akong makinig sa kung ano man ang gusto mong ishare sa akin..... wag mo lang tutuluan ng uhog mo yang damit ko ha - sabi nya sa akin. natuwa naman ako sa unang sinabi nya kaso nga lang yung pang huli hayss. napangiti akodun at yun binatukan ko nga tong lalaki hahah.

"O grabe ka naman hahah joke lang yun hehe. O ayan ah nakangiti kana :)- sabi sakin nung lalaki "Ako nga pla si Justine ikaw? anong pangalan mo? -tanong nya sa akin.

"Ah Salamat ha. Sige alis na ako. -sabi ko. di ko na sinagot yung tanong nya kase una di ko naman sya gaano kakilala at di ko alam kung mamaya bad person pala sya. hayss

"Oy miss tinatanong kita? teka lang! san ka pupunta? Hoy miss! - naririnig kong sumisigaw parin sya. pero di ko nalang sya nilingon..Hoy miss okay kana ba ha? sigaw nya ulit pero nagmadali na akong naglakad nun tinawagan ko na ang driver ko nung nasa 7/11 na ako. pumunta ako dito para bumili ng maraming maraming ice cream pero habang kumakain ako ay paulit ulit na lumalabas sa utak ko ang ngiti nung lalaking yun. Napapangiti nalang ako bigla hayss. Naisip ko kung tumalon pala ako dun wala na ako ngayon ang tanga ko kase kung nagpakamatay pala ako sino nalang ang mag aalaga kay Jelo at kay lolo hays. ang tanga mo angel. at dapat pala akong magpasalamat sa lalaki na yun kase kung hindi dahil sa kanya siguro wala na ako ngayon. ano ba ulit pangalan nya haysa. isip isip angel. at yun Shooooot.
" justine pala ang pangalan nya. Sa susunod ulit nating pagkikita JUSTINE :) bulong ko sa sarili ko.

nakita kong papalapit na sa akin si manong driver ko kaya tumayo narin ako. umuwi na kami sa bahay at sinalubong ako ni jelo at ni lolo.

"Hi ate bat ngayon ka lang umuwi kanina ka pa namin hinihintay ni lolo oh. - sabay pout ng baby brother ko ang cute nya talaga. haha. nakita ko naman si lolo na hinihintay ako sa sala.

" O lo nagpasaway nanaman ba to si jelo ha? - tanong ko kay lolo pero ngiti lang ang sagot nya sa akin it means na oo.  Naistroke kase yan si lolo nung namatay si lola kaya ganun nalang ang pag aalaga ko sa kanya kinausap ko ang mga katulong namin na asikasuhin na si lolo at jelo at umakyat na ako sa kwarto ko para magpahinga. matutulog na sana ako ng maisip ko nanaman ang lalaki na tumulong sa akin kanina

Flashback End ♥

at pagkatapos ng pangayaring yun ay hindi ko na nakalimutan ang lalaking yun I know bata pa ako nun kaya nung nisaktan at niloko ako ng taong mahal ko noon ay gusto ko ng mawala pero nung nakita ko yung lalaking yun binago nya lahat sa utak ko. parang binigyan nya ako ng chance na umayos ulit at ganun nga ang ginawa ko. inayos ko ang buhay ko at pinangako ko sa sarili ko na sa susunod na makita ko ulit ang lalaking yun ay may maipag mamalaki na ako sa kanya. Ginawa ko ang lahat nagsikap ako at inayos ko ang sarili ko at one day ay kinausap ako ng daddy ko na lilipat na daw muna ako ng school para daw malapit nalang yung pinapasukan ko.

Pag pasok ko sa school ay okay naman. maganda rin naman kagaya sa pinapasukan ko dati. At ayun hanggang sa nasanay narin ako sa school nato kaso wala akong kaibigan. pero okay naman na sakin yun. sanay naman na ako eh.

Nagulat ako nung makita ko si jillian na kasama nya ang lalaking matagal ko ng hinahanap agad akong lumapit sa kanila para makisabay wala kase ako kasabay umuwi ngayon at sira din kase ang sasakyan namin. pinakilala sakin ni jillian si Justine at kung may anong tuwa ako naramdaman sa loob ko. Naging masaya ako na kasama sila kaso nga lang parang hindi na ako naaaalala ni justine ngayon. hayss. nalaman ko na sa iisang subdivision lang pala ang mga bahay namin humiwalay na ako sa kanila dahil malapit lang naman ang bahay ko sa guardhouse nag paalam sila sa akin at umalis na.

A/N : Sensya po sa matagal na pag UD hayss. naging busy lang po . Alam ko na masyado sabay tong chapter nato :3 Sorry po talaga. promise aayusin ko po yung sa next chapter :)

- Jc ;*

BESTFRIEND FOREVER :)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon