Mariz's Point of View
Napatili ako pagkakita ang babaeng nakaputi na may hawak ng kutsilyo, kapareho siya ng babaeng sinabi nina Sophia at Minseo.
Dali-daling pumasok sina Samuel at Kuya Jisoo sa kwarto ko.
"Mariz!" sigaw nilang dalawa. Tinuro ko lang ang bintana at napahahulgol, hindi ko alam kung bakit ako biglang nakaramdam ng matinding takot. Napalingon ako sa gawing kanan ko at nakita ko siya doon na unti-unting lumalapit sa akin.
Bigla akong nahilo at nahirapan himinga. Nag hyper ventilate ako at nandidilim na ang paningin ko.
--
"Mariz! Gising!" pagyugyog saken ni Muel. Nakatulog na pala ako habang nanonood kami ng palabas.
"Ah?" pagupo ko ng maayos at nagkusot ng mata.
"Parang 'di ka makahinga? Okay ka lang? Namumutla ka ata." pagaalala niya. Napayuko lang ako at ibinaon ang mukha ko sa unan.
"Back to you Muel" sarkastiko niyang sinabi.
"Nakita ko siya..." bulaslas ko habang nakatulala lang sa isang tabi
"S-sino?" nanginginig na tanong niya sa akin
"Yung babaeng nagpakita kayna Sophia" sabi ko at tumingin sa kanya. Hinawakan niya ang magkabilang kamay ko at saka ako niyakap.
Tahimik lang siya pero alam kong may gusto siyang sabihin saken. Kumalas na siya sa pagkakayakap at ngumiti saken
"Sina kuya pala?" tanong ko sa kanya
"Lumabas sandali si kuya Jisoo tas si Ate Parker naman may kinuha sa kusina... Mariz gusto mo tabi tayo matulog?" sabi niya sabay kumindat. Agad naman akong namula sa sinabi niya at binatukan siya.
"Matulog ka magisa mo!" sigaw ko sa kanya, napasmirk naman siya at sinimulan akong kilitiin
"Matulog magisa pala ah" sagot niya at patuloy parin akong kiniliti hanggang sa napahiga na ako sa sahig
Tumigil siya at tumingin sa akin, ilang dipa na lang ang layo niyo sa mukha ko. Napatingin siya sa labi ko kaya napalunok ako Soimai alam ko na sunod nito unti unti siyang lumapit saken at super lapit na ng labi niya sa labi ko, napapikit na lang ako ngunit lumayo siya agad pagkarinig namin ng may kumakatok sa bintana
"Kuya Myeongho?" sabi ko at dali-daling tumayo at binuksan ang bintana
"Hi! P-pwede na ba akong pumasok?" tanong niya kaya umurong ako ng unti para makapasok siya. Bumulagta naman siya sa sahig habang nakahawak sa dibdib niya, pilit hinahabol ang hininga niya
"Eh? Anong ginagawa mo sa labas? Ba't di ka pumasok sa pinto?" sunod sunod na tanong ni Muel
"Eh kasi nakakatakot yung mga guard sa baba ng apartment niyo kaya dito ako sa Fire exit pumasok. Halos mamatay na ako pagakyat dito" sabi niya at dumapa saka rumolyo
"Anong nangyayari? Myeongho!" sigaw niya pagkakita kay Myeongho. Biglang umupo ng maayos si Myeongho at nagpacute kay Ate Parker
"Hi babe" sabi niya sabay kumindat. Malamig siyang tinignan ni Ate Parker at binatukan
"Babe your face" sabi niya at piningot pa ang tenga ni Kuya Myeongho
"Wag kang lilingon" bigla akong kinilabutan sa boses ni Muel kaya di ko naiwasan na lumingon sa kanya. Napalayo ako agad ng 'di oras kaya tumawa siya ng tumawa. Leche nahalikan na naman ako ng loko
![](https://img.wattpad.com/cover/15134483-288-k110579.jpg)
BINABASA MO ANG
1135RM2068716 : All Over Again
Bí ẩn / Giật gânNew Batch. New Students. Same Tragedy. 1135RM2068716 : All Over Again