Mariz's Point of View
Woke up with a very bad headache. Hindi ko maalala kung anong nangyari sa akin kagabi, last think I know is that tapos na kaming magreview and all.
"Wag ka munang bumangon" sabi ni Muel na kakapasok lang sa kwarto ko. Naka-school uniform na siya at nakasabit na naman ang headphones niya sa leeg
"Anyare?" sabi ko at humiga ulit.
"Kahit ayoko man pumasok ngayon dahil sa may lagnat ka, di naman ako papayagan ni Ate Parks kaya kailangan ko parin pumasok"sabi niya. Kahit na nanghihina na ang buong katawan ko, malakas ko siyang binatukan
"Ang layo ng sagot mo sa tanong ko" sabi ko sa kanya. Hindi siya nagreact at nilagyan na lang ng basang bimpo ang noo ko.
"Babalik ako mamaya, anong gusto mong pagkain?" tanong niya. Napaisip ako saka napangiti
"Isaw, kwek-kwek, fishball, kikiam tsaka... MANGGA!!" sabi ko. Napatingin siya sa akin nung sinabi ko yung mangga. May sinabi ba akong masama?
"Sige dalhan na rin kita ng pregnancy test. Uh.. Bye!" sabi niya sabay karipas ng takbo
Aish! Talaga yung lalaking yun!
Sophia's Point Of View
"Sophia!!! Tulungan mo ko" Ang aga aga ayun ang bungad saken ni Samuel. Pinahawak ko kay Hanbyul ang gamit ko, I crossed my arms and looked at him straight
"What do you want?" I asked. Tinignan niya lang ako pero halatang nagmamakaawa.
"Samahan mo ko bumili ng pregnancy test" deretso niyang sabi saken. Nanlaki ang mata ko at the same time nagulat sa sinabi niya, ganoon din si Hanbyul dahilan para malaglag niya ang gamit ko
"Ano?!" sigaw naming pareho sa kanya, napatakip siya ng tenga dahil sa lakas ng sigaw namin.
"Eh kasi eh, nahimatay, nagcrave ng pagkain tas andami tas isa dun Mangga, eh malay niyo naman kay Mariz diba" he explained. He left my jaw hanging and its like WTH! Kuya Hansol ano ba to?!
"You know. Muel..." tatanggi na sana ako kaso nag puppy face siya kaya iba ang sinagot ko
"Okay fine, but if ako ang napagkamalan na buntis magkita tayo sa puntod ni Kuya" sabi ko at binigyan siya ng death glare at kinuha ko na ang gamit ko.
Papasok na ako ng classroom ng bigla akong may nakabunggo ako. Nalaglag na naman ang mga gamit ko kaya dali-dali ko itong pinulot
"Sunbae-nim Jeosonghamnida" sabi ko at tumayo
"Sunbae-nim?" sabi niya na tila nagtataka at hindi naintindihan ang sinabi ko, napatingin tuloy ako sa kanya. Shemay! Ang gwapo! Mas gwapo pa keysa sa Kuya!
Bigla akong nakaramdam ng lamig, sobrang lamig. Hala kuya! Wala namang ganyan! huhuhu minumulto ako ni Kuya
"Okay ka lang ba?" tanong niya ulit kaya dahan-dahan akong tumango
"Myeongho! Insan!" sigaw ng kasama niya. Napalingon siya kaya napatingin na rin ako
"Kuya Jisoo?!" hindi ko sinasadyang mapasigaw, nanlaki ang mata nito at napalunok. Anong meron?
"Sophia, kaw pala" sabi nito
"Magkakilala kayo?" tanong ng gwapong oppa na nasa harap na sa kasamaang palad pinsan pala ni Kuya Jisoo
BINABASA MO ANG
1135RM2068716 : All Over Again
Mistério / SuspenseNew Batch. New Students. Same Tragedy. 1135RM2068716 : All Over Again