Simula

486 29 8
                                    

"Ama! Ama! Tignan niyo po ang ginawa ko para sa inyo!" Masiglang sabi ng isang batang babae sa amang hari.

Blangkong tumingin ang Hari sa anak.

"Wala akong oras para riyan, kaya maari bang umalis ka na! Doon ka maglaro sa iyong silid!" Malamig na turan ng Hari sa anak.

Nalungkot naman ang bata sa sinabi ng kanyang ama.

"N-Ngunit Ama, kahit tignan niyo lang po" pakiusap nito at pilit na ipinapakita ang gawa.

Nairita naman ang Hari sa pangungulit ng anak.

"Ilang beses ko bang kailangan sabihin sayo na umalis ka na! Gaano ba kaliit ang iyong kokote para hindi mo maintidihan ang sinasabi ko!? Bobo!" Singhal nito sa anak.

Pumatak ang mga luha sa mga mata ng bata.

"P-Patawad po Ama, gusto k-ko lang n-naman pong ipakita ang aking i-iginuhit sa iyo" naluluhang sambit ng bata habang nakayuko.

"Peste! Bakit ba kasi ikaw ang isinilang ni Rowena! Dapat pala ay isinama ka na lang ng iyong ina sa kanyang pagkamatay! Napakamalas mo! Walang kwenta! Ni hindi ka man lang nabiyayaan ng ganda ng iyong ina!" Galit na wika ng Hari sa anak.

Sakit. Yan ang nararamdaman ng bata ngayon. Sa mga masasakit na salita na binibitiwan nito. Na sana pati siya ay namatay na lamang. Napakasakit para sa kanya.

Oo tama ang Hari.

Hindi maganda ang bata. Napakapayat nito dahil sakitin. Maitim ang balat nito, hindi gaya ng kanyang ina at ama na napakaganda ng kutis. Ang buhok nito ay buhag-hag at mahirap suklayan. Ang kanyang kulay lilang mga mata lamang ang maganda sa bata.

The Disowned Princess[HIATUS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon