Ika-dalawang Kabanata

480 31 22
                                    

Flerryn's POV

Nagising ako dahil sa tunog ng mga ibon.

Pinagmasdan ko ang buong paligid at puro puno lamang ang aking nakikita.

Nasaan ako?

Tumayo ako at pinagpagan ang sarili.

Jeez! Where am I?

Ang natatandaan ko lang ay pauwi na ako sa bahay pagkatapos ay kumidlat tapos...

YUNG WORMHOLE!!!

Ibig sabihin dinala ako ng wormhole dito!

The question is, nasaan ako!?

Nagsimula na akong maglakad.

Kailangan kong makaalis agad sa gubat na to.

Habang naglalakad ako ay may nakita akong liwanag.

I can't sense any danger kaya sinundan ko na lamang ito.

At tama nga ako dahil nakalabas ako sa gubat.

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad para maghanap ng mapagtatanungan.

Hindi ko kasi alam kung nasaan ako.

Mukha kasing nasa isang baryo ako.

Tahimik at payapa kasi sa lugar na ito. Makikita mo ang mga halaman at mga bulaklak sa paligid. Mga ibong lumilipad sa langit at ang preskong simoy ng hangin. Napakasarap sa pakiramdaman.

Yung pakiramdam na naka-uwi na ako sa aking tunay na tahanan.

Parang....parang........Orcansia

Nakaramdam ako ng inis.

Orcansia! Napakagandang lugar ngunit ugaling demonyo naman ang mga naninirahan.

Tss!

Nakarinig ako ng ingay sa paligid ngunit hindi ko na lamang iyon pinansin at nagpatuloy sa paglalakad.

"Tabi!!" Sigaw ng kung sino.

Napatingin ako sa kanan.

Nanlaki ang mga mata ko.

Isang karawahe ang papalapit sa akin ngayon.

Dahil mabilis ang reflexes ko ay tumalon ako sa kabilang side para makaiwas.

Naramdaman ko namang huminto ang karawahe dahil sa hiyaw ng kabayo.

Nang naka-recover na ako ay tumayo ako at humarap doon sa karawahe.

Base sa itsura nito ay mukhang karawahe ito ng isang marangyang pamilya dahil sa magandang itsura nito.

Sanadali nga, bakit nga pala may karawahe dito?

Nakarinig naman ako ng bulong-bulongan sa paligid dahilan para mapatingin ako sa paligid.

Kita ko ang gulat sa mga mukha nila habang nakatingin sa akin.

Pinagmasdan kong mabuti ang mga tao dito.

Ang mga damit ay mahahaba at magaganda ang kasuotan. Ang iba naman ay mahaba din ngunit hindi kasing ganda kagaya ng iba.

Nabaling ang tingin ko sa likuran ng karawahe at doon ko nakita ang iba pang magagarang karawahe na sobrang pamilyar sa akin.

And then realization hit me.

Shit!!!

Don't tell me nasa, nasa Orcansia ako!

No!!

Napatingin naman ako sa mga karawahe ng biglang bumukas ito at iniluwa ang mga taong sakay nito.

Muling napuno ng galit ang aking puso ng makita kung sino sino ang iniluwa ng mga karawahe.

The Disowned Princess[HIATUS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon