Flerryn's POV
Nasa gitna ako nina Prinsipe Ruhen at Calid habang nakagapos pa rin. Habang nasa harapan ko naman sina Haring Augustus at Reyna Persia.
"Pwede bang tanggalin mo na tong nakagapos sa akin? Hindi naman ako tatakas eh" iritang tanong ko habang pilit na kumakawala sa lubid niya.
Nagkatinginan muna ang dalawang Prinsipe bago ako pinakawalan. Nag-unat naman ako. Hay salamat! I'm free again hihi!
Tumikhim naman ang reyna dahilan para mapatingin ako rito.
"Mahal na Prinsesa, gusto ko lamang malaman. Bakit ganyan ang inyong kasuotan? Kakaiba at" tumingin naman ito sa kabuoan ko hanggang sa mapadpad sa mga hita ko "maiksi" dugtong nito.
Namula naman ako at inilagay ang dalawang kamay ko sa aking hita.
"Nanggaling ho kasi ako sa malayong lugar kung saan ito ang aming sinusuot kapag papasok sa paaralan" sagot ko rito.
Napatango naman ito.
"Saan mo natutunan ang linggwaheng iyon?" Tanong naman ni Prinsipe
Tinaasan ko naman siya ng kilay.
"At bakit ko naman sasabihin sa 'yo?" Tanong ko habang nakataas ang aking kilay.
Mukhang nagulat naman ito sa tanong ko at umiwas ng tingin. Napairap naman ako.
"Tss!"
Namuo naman ang katahimikan sa amin hanggang sa huminto na ang karawahe.
Naunang bumaba ang hari at reyna sunod si Prinsipe Calid at inalalayan akong bumaba.
Pagkababa ay tumambad sa amin ang napakalaki at napakagandang palasyo. Hindi ko maiwasang makaramdam ng lungkot at pagkamuhi.
Saksi ang palasyong 'yan sa mga kalupitan na ipinaranas sa akin ng aking ama. Mga lungkot at pangungulila, at pag-iisa.
"Ayokong pumasok sa palasyong iyan!" Malamig ngunit matigas kong saad.
Napatingin naman sila sa akin. Lumapit naman si Haring Feron sa akin at hinawakan ang aking kamay na agad kong iwinaksi.
"Pero, anak. Dito ka nakatira. Lubos akong nagulila sayo" malungkot nitong saad sa akin. Tumawa naman ako ng pagak.
"Nangulila? Sino ba ang may kasalanan kung bakit ako nawala sa lugar na ito? Kung bakit ka nakaramdam ng pangungulila?" Napayuko naman ito.
"Patawarin mo ako anak. Hindi ko naman sinasadya iyon. Mahal na mahal kita" sabi nito at tumingin sa akin na lumuluha. Nanikip ang dibdib ko sa nakita pero pinatatag ko ang aking sarili.
"Hindi sinasadya? Nagpapatawa ka ba? At mahal? Ni minsan hindi ko naramdaman yang pagmamahal na sinasabi mo!" Singhal ko rito.
Hindi ko napansin na lumuluha na rin pala ako. Agad kong pinahid ang luha at tinalikuran siya.
Hindi pa ako nakakalayo ng biglang may humawak sa braso ko dahilan para mapatigil ako sa paglalakad.
"Mahal na Prinsesa" bulong ni Prinsipe Louid. Siya pala ang pumigil sa akin.
Iwinaksi ko naman ang braso ko sa pagkakahawak niya.
"Huwag mo akong hawakan!" Galit kong turan rito.
"Mahal na Prinsesa, pakinggan mo muna ang mahal na hari. Pakiusap" marahang sambit ni Prinsipe Crynon.
Tumingin naman ako sa kanila. Kumpleto pala silang lahat. Ang mga Prinsipe, mga reyna at hari ng ibang kaharian. Ibinalik ko ang tingin kay Prinsipe Crynon.
"Bakit? Ano bang mapapala ko kung papakinggan ko ang mga sasabihin niya? At kung maaari lang, tigil tigilan niyo na ang pagtawag sa akin ng mahal na prinsesa dahil hindi ako isang prinsesa. Itinakwil niyo na ako diba?" Malamig kong turan sa kanila.
"Mahal na Prinsesa!" Iritang sigaw ng Prinsipe. "Kung pwede galangin mo ang mahal na hari! Ama mo pa rin siya!" Natawa nama ako.
"Nakakatawa, kasi sa pagkakaalam ko. Walang ama ang itatakwil ang kanyang sariling anak." Nakangising turan ko.
"At galangin? Bakit? Ginalang niyo ba ako? Ang kapal niyo naman para humingi ng galang sa akin samantalang kahit kailan hindi niyo ako ginalang. Pwede ba, huwag niyo akong pinapatawa." Turan ko sa kanila.
Akmang aalis na ako ng biglang tawagin ng hari/ama ang pangalan ko.
"Flerry, anak ko!" Tawag nito sa akin at mabilis na lumapit sa akin at hinawakan ako sa kamay.
Tumingin naman ito sa mga Prinsipe.
"Mga mahal na prinsipe, pakiusap hayaan niyo muna ang anak ko. Kung maaari lang, pumasok na muna tayo sa loob at doon na mag-usap." Sabi nito sa kanila. "Anak, tara na. Pumasok na tayo" malambing nitong turan sa akin.
"Ayokong pumasok" matigas kong tugon sa kanya.
"Pakiusap anak. Halika na." Pagmamakaawa nito sa akin. Parang piniga naman ang puso ko ng makita ang malunggkot na mukha ng ama ko. Umiwas ako ng tingin sa kanya.
"Anak, pakiusap. Tara na sa loob." Huminga naman ako ng malalim. Bago sumagot.
"Sige" maikling turan ko. Ngumiti naman ito ng malawak saka ako hinila papasok sa loob ng palasyo.
Nang makapasok kami ay nakaramdam ako ng excitement. Matagal ko ring di nakita ang loob ng palasyo. Namiss ko ang lahat lahat dito kahit na minsan lang ako lumabas ng kuwarto noon.
Nasa isang silid ang lahat at hinihintay kami.
Nang makarating kami roon ay binati kami ng lahat at yumuko.
"Umupo na muna tayo anak" sabi ng hari at aalalayan na sana akong umupo ng pigilan ko siya.
"Ako na po" sabi ko dito at mag-isang umupo. Bumuntong hininga naman ito at saka marahang umupo sa dulo ng mesa, sa tabi ko.
Namayani ang katahimikan sa buong silid. Walang nagtakang magsalita kahit isa sa kanila.
Pinagkrus ko ang dalawang kamay ko at sumandal sa upuan. Nakakabagot naman. Bumuntong hininga ako bago nagsalita.
"Ano? Magtititigan na lang ba tayo rito? I'm bored" bagot kung wika sa kanila.
"And besides---"
"Mahal na prinsesa, kung maaari lang huwag kang magsalita ng kakaibang lingguwahe. Hindi ka namin maintindihan" malumanay na tugon nito sa akin. Napatingin naman ako sa kanila na naguguluhang nakatingin sa akin.
"Patawad, nasanay lang akong magsalita ng ganong lingguwahe." Paumanhin ko. "Ang ibig kong sabihin ay nababagot na ako. At isa pa, pagod na ako. Kung pwede lang. Maaari na ba akong magpahinga. Bukas na tayo mag-usap" sabi ko sa kanila at marahang tumayo. Tumayo naman ang aking ama at lumapit sa akin.
"Patawad anak, halika ka na. Ihahatid na kita sa kuwarto mo." Sabi nito sa akin at saka ibinaling ang tingin sa mga hari at reyna. "Paumanhin, maaari na kayong umalis. Bukas na natin ipagpatuloy ito." Sabi nito. Hindi ko na sila binalingan ng tingin at nauna nang naglakad palabas ng silid na iyon.
Third Person's POV
Sinundan nila ng tingin ang Prinsesa papalabas ng silid na sinundan ng kanyang amang hari.
"Ang mahal na Prinsesa, galit siya sa atin" malungkot na turan ni Reyna Quera sa asawa nito.
"Hindi na ako magtataka, sa ginawa natin sa kanya. Siguradong galit siya"
BINABASA MO ANG
The Disowned Princess[HIATUS]
Viễn tưởngShe was disowned by her father, by the people. She was disowned in their world. But, what if she came back?