Flerryn's POV
Agad akong napabangon sa aking higaan dahil sa panaginip na iyon. Pinagpapawisan ang buo kong katawan at mabilis ang tibok ng aking puso.
Napaginipan ko na naman iyon. Ang nakakatakot kong bangungot. Hindi ko mapigilang mapagawak sa aking dibdib dahil hanggang ngayon ay ramdam ko pa rin ang sakit sa aking puso.
Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin makalimutan ang nangyaring 'yon. Ilang taon na ang nagdaan ngunit patuloy pa rin akong dinadalaw ng mga ala-alang pilit kong kinakalimutan.
Lungkot, pighati, at pagkamuhi ang aking nararamdaman para sa kanila, para sa kanya.
Hindi ko maiwasang kamuhian ang mundong aking kinagisnan, ang mundong aking kinalakihan sapagkat sa mundong iyon ako nakaranas ng sobrang sakit. Ang mga tao mula sa mundong iyon na nagparamdam sa akin ng sakit.
Pilit kong kinakalimutan ngunit patuloy ko pa ring naaalala.
Galit ako sa kanila, sa kanya!
Sa haring itinakwil ako hindi lang bilang anak, kundi bilang isang mamamayan sa mundong iyon. Ang aking ama.
Kinamumuhian ko ang mga tao roon na walang ibang ginawa kundi ang laitin at pagtawanan ang itsura ko.
Walang sinuman mula sa mundong iyon na itinuring akong tao. Lahat sila ay itinuring akong sumpa at malas sa mundong iyon.
Hindi ko namalayang tumutulo na pala ang aking mga luha.
Sumisikip ang aking dibdib sa mga emosyon na aking nararamdaman.
How miserable I am?
Napabalikwas ako ng biglang may kumatok sa pinto ng aking kuwarto. Agad kong pinunasan ang mga luhang dumadaloy sa akong pisngi.
Pilit kong iwinaksi sa aking isipan ang mga masasakit na alala-alang iyon.
Inayos ko ang aking sarili bago ko buksan ang pinto.
Bumugad sa akin ang mukha ng taong kumopkop sa akin. Si Lolo Andres.
"Apo, gising na. May pasok ka pa" napangiti naman ako.
"Opo Lolo" masayang wika ko at agad niligpit ang aking pinaghigaan. Pagkatapos ay naligo ako at ginawa ang morning rituals ko.
Pagkatapos ay nagbihis na ako. Tinignan ko ang aking sarili sa salamin. Ang laki ng ipinagbago ko.
Ang dating buhag-hag na buhok ay ngayo'y napakalambot at madulas. Ang aking itim na balat ay ngayo'y maputi at makinis na. At lalong nagpaganda sa akin ang aking kulay lilang mga mata.
Noong tumuntong ako sa ika-labinganim na taong gulang ay bigla akong inatake ng sakit ko. Akala ni Lolo ay mamatay na ako ngunit ganon na lang daw ang pagtataka niya ng biglang lumiwanag ang katawan ko at nag-iba ang anyo ko. Ikinuwento ko lahat kay lolo ang nangyari sa akin at kung sino talaga ako. Naniwala siya sa akin.
At ang kapangyarihan ko ay lalong lumakas. Patuloy kong sinasanay ang aking sarili sa paggamit ng aking kapangyarihan. Minsan ay si Lolo ang nagsasanay sa akin.
Malaki ang utang na loob ko kay lolo dahil siya ang kumupkop sa akin noong itinakwil ako.
Siya nga pala. Wala na ako sa mundo kung saan ako nagmula. Nandito ako sa mundo ng mga mortal. Hindi ko alam kung paano ako napunta dito basta ang alam ko ay pagkagising ko ay nasa bahay na ako ni Lolo.
Pagkatapos ay agad na akong bumaba para mag-agahan. Baka kasi malate pa ako.
Naabutan ko si lolo na naghahanda ng pagkain. Gusto ko ngang ako na lang ang maghanda pero ayaw niya dahil sanay siyang siya ang naghahanda ng almusal.
BINABASA MO ANG
The Disowned Princess[HIATUS]
FantasiaShe was disowned by her father, by the people. She was disowned in their world. But, what if she came back?