Hanggang Highschool Lang Kita Crush
— Sam —
"Hanggang highschool lang kita crush," banta ko kay Jepoy para matakot siya at i-crush na rin niya ako.
"Bakit hanggang highschool pa? Puwede namang hanggang ngayong grade 1 lang." Inirapan niya ako at tinalikuran.
—
"Hanggang highschool lang talaga kita ika-crush, tignan mo!" muli kong banta kay Jepoy pero hindi pa rin siya natakot na malapit ko na siyang hindi maging crush.
"Bakit hanggang highschool pa? Puwede namang hanggang ngayong grade 6 lang." Inirapan niya ako at tinalikuran.
—
"Hanggang ngayon na lang kita crush," sabi ko kay Jepoy matapos ang graduation ceremony namin ngayong highschool.
Grade 1 pa lang ay crush na crush ko na si Jepoy. Pero kahit kailan, hindi niya pinansin ang feelings ko. Wala naman akong nababalitaang girlfriend niya o nililigawan man lang kaya hindi ko alam kung bakit hindi niya ini-entertain ang feelings ko. O talagang hindi niya lang ako gusto?
"Finally," tanging sabi ni Jepoy.
"’Yon lang talaga masasabi mo?"
"Yes, finally. Finally tapos na ang pagkaka-crush mo sa’kin." Inabutan niya ako ng bouquet ng red roses pero tulad ng dati, inirapan at tinalikuran ako ni Jepoy.
Ilang sandali ko ring tinitigan ang bulaklak na iniabot niya sa akin hanggang sa nanginginig ang kamay kong kinuha ang card na nakaipit dito.
‘You were too focus with your childish feelings for me and didn't realize that I have a serious one for you. Stop crushing on me and learn to love me.’
End.
BINABASA MO ANG
One-shot Collection
RandomCompilation of one-shot, flash fictions and short stories written by PakingTeypZAYN.