Huling Sayaw

86 7 0
                                    

Huling Sayaw

— Selene —

Halo-halo na ang nararamdaman kong tuwa, kaba at excitement. My graduation and debut will happen this month. Medyo hassle at exhausting ang preparation. Gusto kong maging perfect ang lahat lalo na ang 18th birthday celebration ko.

“Daddy! 'Yong invitation po sa debut ko?” tanong ko kay daddy. Two weeks na lang kasi ay debut ko na ngunit hindi pa naipamimigay ang natitirang invitation.

“Relax lang, baby girl. Si daddy na ang bahala," sabi niya kaya napanatag ako. "Ang mabuti pa, mag-practice na lang tayo ng sayaw." Natawa ako kay daddy pero pumayag na rin sa suggestion niya. I took his hand at sumayaw kami kahit na walang musika.

"Dandandandandan-dandan..." 'Yan lang ang musika namin at si daddy lamang ang may likha.

Hindi ko na alam kung anong uunahin kong asikasuhin. May klase pa kami kaya hindi ako gaano makapag-focus sa debut ko kaya halos lahat ay si daddy ang lumalakad. Next week kasi ay graduation na kaya busy rin ako sa practice.

"I want our dance to be the highlight of my debut, Dad,” sabi ko at ngumiti si daddy.

Hindi naman kami mayaman. Pero ginawa ni daddy ang lahat at pinagsumikapan para mabigyan ako ng isang party. Para daw sa nag-iisa niyang prinsesa, nagsikap siya para sa pangarap kong 18th birthday celebration. Mas excited pa nga yata si daddy kaysa sa akin, e. Gusto niya talaga ang isinasayaw ako kahit noong bata pa lamang ako.

Isang linggo pa ang nakalipas at sa wakas ay graduate na ako. Masayang-masaya si daddy nang umakyat siya sa stage para sabitan ako ng medalya. I graduated as class valedictorian. Right after the graduation, mas dumami ang inaasikaso namin ni daddy dahil isang linggo na lang ay debut ko na. Mabuti na lamang at nakakatulong na ako at nakakapag-focus na sa preparation.

“Daddy, kukunin ko lang po 'yong pinagawa kong gown kina Tita Raquel!" Sa hagdan pa lamang ay sigaw ko na bilang paalam kay daddy. Pinuntahan ko siya sa kusina na kasalukuyang naghihiwa ng isasahog niya sa menudo para sa dinner namin. Hands on talaga si daddy sa gawaing bahay kapag weekends dahil wala siyang pasok sa opisina.

"Gusto mong ihatid kita?" tanong niya pero umiling agad ako.

"Okay na po ako, Dad. I'm a big girl now," I boast at tumawa si daddy.

"Hindi. Mananatili kang prinsesa at baby girl ni Daddy." Ngumuso ako. I'm a guilty daddy's girl.

"Oo naman po, Daddy. But can I go alone? Mukhang busy rin po kayo, e." Saglit na nag-isip si daddy.

"Alright! I trust you, Selene. Umuwi ka nang maaga,” sabi niya at tumango ako. I kissed him on the cheeks at muling nagpaalam. Pagkarating ko sa boutique ni Tita Raquel ay nakahanda na ang isang ball gown at isang cocktail dress na parehas kong gagamitin sa party.

Nang makuha ko na ang mga gown at makalabas ng boutique ay pumara agad ako ng taxi. Sinabi ko ang subdivision namin. Ngunit nang maipit kami sa traffic ay naka-receive ako ng text mula kay Anna. The message says...

‘Where are you? Nagyayaya si Gabriel. Despedida niya raw. Sa Manila na kasi siya mag-aaral ng college.’

Kahit hindi ko siya kaharap, batid kong malungkot siya sa nalalapit na pagkakalayo nila ng kanyang boyfriend. Ngunit nagdadalawang isip pa ako kung papayag ba ako at pagbibigyan sila. Hindi kasi ako nakapagpaalam kay daddy. Hindi ako umaalis nang walang permiso niya.

Okay lang kayang sumama ako? Pero hinihintay ako ni daddy. We've never missed our weekend dinners. Siguro naman ay maiintindihan iyon ni daddy, tutal ay kilala naman niya si Gabriel. Nag-reply ako kay Anna to inform her na sasama ako. Nang tatawagan ko na sana si daddy para makapagpaalam ay biglang na-dead batt ang phone ko. Hindi bale, pagkarating ko na lang doon.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 25, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

One-shot CollectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon