Silip

159 9 0
                                    

SiLiP

Baguhang reporter lamang si Tommy at ang una niyang trabaho ay ang massacre na nangyari sa isang pamilya. Kaya agad na pinuntahan ng kanyang grupo ang bahay kung saan nakaburol ang pamilyang biktima.

Nagpaunlak naman ng panayam ang kamag-anak ng mga ito pero minabuti na muna ni Tommy na sumilip sa bawat ataul upang magbigay respeto at panalangin para sa mga biktima. Inuna niyang lapitan ang ataul ng ama at sumunod ang sa ina. Huli niyang sinilip ang anak ng mga ito na nasa gitna.

Nakita niya ang maamong mukha ng isang magandang dalaga na animo'y mahimbing lamang na natutulog.

Naramdaman niya ang kakaibang bilis ng pagtibok ng kanyang puso para sa babaeng ang puso'y hindi na tumitibok.

End.

One-shot CollectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon