1

29 1 0
                                    

1434452566! [Edited]

by: myraein

Copyright (c) 2013 CMYB

All Rights Reserved

------------------ -----------------

------------------ -----------------

[One]-4-3-4-4-5-2-5-6-6-!

"Taaaaaaaam! Huhuhu T_____T"

"Alam mo Ahra, kanina ka pa ah! Kukutusan na talaga kita!"

Grabe talaga tong bestfriend kong to. Hindi man lang naaawa

"Grabe ka talaga! Kita mo na ngang broken hearted ako, kukutusan mo pa ako. Bestfriend ba talaga kita? Huhuhu"  sabi ko with paawa effect pa.

Ako nga pala si Ahra Mae. 1st year college Accountancy sa isang sikat na university. At sya naman ang bestfriend kong si  Tammy. Sa ibang school sya nag-aaral ng Multimedia.

Pero since maagang natapos ang class nila ngayon, pinapunta ko muna sya dito.

"Duh?! Ikaw lang naman ang nag-iisip na broken hearted ka eh. Pano ka naman kasi mabo-broken heart eh ni wala ka ngang lovelife."

Ang hard ah!

Minsan na nga lang ako magkagusto ng matagalan, kokontrahin pa ako.

Pero tama naman sya eh. May pagka-assuming kasi ako.

Kaya ito ako ngayon, iiyak-iyak.

"Oh ano? Natahimik ka? Kasi totoo noh?! Tsk. Alam mo, bilhan mo na lang ako ng Grahamm Shake and F.E.W.A. Yung with Cheese pareho ah!"

Isa rin yan sa dahilan kung bakit sya pumupunta dito eh. Favorite nya kasi yang mga yan.

"Tara na nga. Tsaka ako naman ang ilibre mo."

"Haaay! Pasalamat ka, naaawa ako sayo ngayon. Nakuuu! Pag nakita ko talaga yang Macky nayan ngayon mismo, lulunurin ko sya dyan sa Lagoon na puro lumot."

Haaaay! Ang hard talaga nito kahit kailan. Dayo na nga lang, nanglait pa ng lagoon ng may lagoon. Pero kahit ganyan yan, mahal ko yan. Ipagtatanggol pa nga ako diba.

So yun nga, gora na kami sa canteen kung san makakabili ng pagkain nya. Sayang din yung libre noh! Hindi dapat tinatanggihan ang grasya kahit broken hearted ka pa.

------------------ -----------------

------------------ -----------------

1434452566! [Edited]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon