6

2 0 0
                                    

1-4-3-4-4-5-2-5-[Six]-6-!

Ahra's POV

Waaaaah! T____T

Puchanggalanyawangputragislinshaknamanoooh!

Okeii! Ganyan lang po ang sinasabi kong bad words. Puro in direct.

At ngayon ko lang nagamit yan ng sabay-sabay na walang mintis!

Pano ba naman? Ang gulo ng sitwasyon koooooh!

Pero hindi about kay Tammy, bati na kaya kami. 2 days after kasi nung "confrontation" namin, nakapagbati na ako.

Kailangan ibaba ang pride dahil wala namang mararating yan.

So yun nga, hindi sya ang dahilan! Kundi si Macky!

Ang gulo kasi nyaaaa! Hindi ko alam kung nakasinghot ba yun ng panis na katol o kung naka-drugs ba yun o EWAN!

Gusto nyo bang malaman kung anong next after ng makahulugang line nya na "No! Hindi pwede!"?

Anywayssss...

Today is the Foundation Day of our university. Syempre walang klase. Andami ding nagkalat na mga estudyante sa buong parte ng school. May mga booths din na nagkalat na gawa ng mga students base sa  course nila.

Pero wala akong time para maki-saya sa kanila. Dahil kailangan ko pang mag-practice para sa finals namin sa P.E.

Alam nyo ba kung ang P.E. namin?

Swimming lang naman! Huhuhu T-T Hindi pa naman ako kagaling lumangoy kaya kailangang mag-practice ako. Habang ang mga walangyang classmates ko eh iniwan ako dito.

Pero mamaya, dadating dito sina Tammy at Athan. May ibibigay kasi silang damit kay Alona na classmate ko. May beauty contest chuchu kasi ngayon at si Alona yung representative namin. Eh since president ako, sinuggest ko si Tammy na bahala sa lahat ng kailangan ni Alona. Basta bigyan lang sya ng budget.

Haaay! Yaan na nga. Papunta na pala ako ngayon sa pool area para mag-suffer. Hahaha! Joke lang ^^v

Nang makarating ako sa pool area, nilapag ko agad yung bag ko sa may bench. Pero parang may kulang sa gamit ko.

Nilabas ko lahat ng gamit ko. Pero ang makapal kong tuwalya eh nawawala!

Ano ba naman yan! Kaya pala gumaan ang bag koooo!

Tsk! Naalala ko. Hindi ko nga pala sya nilagay sa loob mismo ng bag, pinatong ko lang sya.

Waaah! Ambobo mo talaga, Ahra Mae! Lagot na naman ako kay Mama nito. Tsaka pano pa ako makakapag-swimming kung wala akong tuwalya?

Binalik ko yung mga gamit ko at umupo lang dun.

"Aaaiiisssshh! Mahal kong tuwalya. Asan kanaaa?!" sabi ko tsaka ginulo yung buhok ko.

"Miss, sayo ba to?"

O___O

Si... Si... Si JM!

Tumango ako habang nakatingin parin sa kanya.

OMG!OMG!OMG!

Si JM! Ang super duper ultimate crush koooo! Nasa harap ko at hawak ang aking pinakamamahal na tuwalya.

(Crush? Akala ko ba si Macky?)

Crush nga diba? Iba naman si Macky eh.

So yun nga. Nasa harap ko sya. And then umupo sya sa tabi ko.

Linshak! Magha-hyperventilate ata ako dito.

"Ahra ba ang pangalan mo?" tanong nya with his oh-so-gorgeous-eyes looking at me.

"Y-yeah! Bakit?" tanong ko.

Umiling lang sya tapos ngumiti.

Waaaaah! >///////<

Ako na! Ako na talaga ang sobrang nikikilig ngayon!

"Eto oh!" inabot nya sakin yung tuwalya ko, "Bakit wala ka dun?" tapos tiningnan nya yung ibang estudyante na nagliliwaliw.

"Ah! Ano, magpi-pinitensya pa ako, este, magpa-practice kasi ako eh. Finals namin sa P.E. Hindi kasi ako ganun kagaling." sagot ko.

Hindi katulad mo. Alam nyo ba, leading si JM sa swimming class nila. Syempre alam ko, nag-ala stalker ako eh.

Lumingon sya sakin, "Gusto mo turuan kita?"

Napalingon ako ng di oras sa kanya.

WEH?!

Ako?

Ano?

Tuturuan?

Nino?

Ni JM?

Ng?

Ng swimming?

Reallyyyyyyyyyy!???!

Tumango ako. Papakipot pa ba? Alam mo yung feeling na inaalok ka ng crush mo na turuan kang mag-swimming?

Syempre naman. DUH! Swimming ito mga teh! Malamang eh magta-topless sya at makikita ko ang kanyang hot and sexy body. Nakita ko naman na sya dati eh, sa swimming class nila. Nag-stalk nga ako diba?

Tapos naka-leotards at cycling lang ako. Chance nato para mapansin nya ang aking hot and sexy body. May shape naman ako noh! Hindi nga lang obvious pag naka-uniform.

"Tara!" tumayo na sya tapos sinukbit yung bag ko sa balikat nya, sya na daw magdadala.

Oh my gulaaaay! Why is this happening to me?

Bale pumunta na kami sa dressing room at nagpalit. Naka-beach shorts lang sya.

Nung umpisa, medyo ilang pa ako. Pero nung sinabi nya na, "Wag kang mag-alala, andito ako. Hindi kita hahayaang malunod." with his encouraging smile pa.

Juice colooooooooored!

After almost one hour, keri ko na. Ambilis ba? Hahaha! Ang galing ng tutor ko eh. Niyaya pa nga nya akong kumain eh, treat daw nya. Eh bwisit tong si Tammy, nasa may gate na raw sya. Wrong timing lang eh noh?

Pero since hindi daw nya ako malilibre, ihahatid na lang daw nya ako sa gate. At ang lola nyo, ganto ang mata oh O__O ng makitang kasama ko si JM. Tsk! Crush nya na to.

4:30 ng mag-start ayusan ni Tammy si Alona sa room namin. 5:15 kasi yung start ng pageant. Andun lang ako sa room, taga-assist kay Tammy. May mga classmates din akong nakiki-unod, may tumitingin din sa mga dalang gamit ni Tammy, especially girls. Meron ding gumagawa ng banner. Si Athan? Ayun, nakikipag-usap kay Macky sa may corridor habang parehong may hawak na gitara.

Pauso na naman sila. Papa-pogi lang yan sa mga dumadaang chicks eh.

Hahaha! Bitter lang ang peg ko.

15 minutes before mag-start, pumunta na kami sa auditorium. Nag-final retouch na rin sia Alona.

Then the show starts.

Ayos naman yung flow nung program. May mga nag-intermission. Magaganda din yung ibang contestants. Pero ewan ko ba, pag tinignan mo silang lahat, angat talaga si Alona. Megan Young lang ang peg.

Dahil lang siguro sa damit o make-up nya. O baka dahil sa Tammy ang nag-ayos? Psh! Pag narinig nun na pinuri sya, siguradong palakpak tenga na naman.

------------------ -----------------

------------------ ----------------

1434452566! [Edited]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon