4

1 0 0
                                    

1-4-3-[Four]-4-5-2-5-6-6!

Ahra's POV

Ewan ko ba dito sa babaeng to. Ang labo talaga minsan. Pinipilit ba naman akong dumaan dun sa kabilang way, eh pagtingin ko dun, nakapwesto dun yung C.N.C. or Code Name Chika.

Mga classmates ko sila. Isa sila dun sa mga nabuong group sa room. 5 girls to be exact. Sila yung gumagawa ng mga chismis sa room tapos ipagkakalat nila. Pero bibigyan nila ng codename yung taong yun base sa chismis about sa kanya.

[a/n: Ang C.N.C. po ay mababait na tao. Hahaha! Kasali po ako sa group nayan nung high school. Hindi kami nagkakalat ng maling mga chika. Parang kami yung may alam ng lahat ng dark secrets at kahihiyan ng mga classmates namin noon. Hahaha ^^v. Pero inuulit ko,nung high school pa po ito. At hindi po kami limang babae. At pati po kaming members eh may codename din.]

Parang ako, na-chismis narin nila ako. Ang codename ko nga eh President Gloria. Hindi dahil sa may nunal ako o kurakot ako o maliit ako.

Kasi daw, inaangkin ko daw yung hindi naman akin. Na gumagawa pa daw ako ng way para makuha yung gusto ko.

Like Gloria, inangkin nya yung termino na hindi naman kanya.

Bakit hindi si Marcos?

Kasi daw, babae ako.

Pano ko nalaman na ako?

Obvious ba sa codename na President? At ang sinabi nilang inangkin ko DAW, si Macky. Kay Jane daw kasi sya. Psh!

Kaya nung time na yun, dumistansya muna ako kay Macky. And that's because of the lies that they made.

Dumistansya ako hindi dahil sa guilty ako, kundi dahil ayokong masira yung focus ko sa studies ko dahil sa kanila.

At dahil din dyan, kaya lalong lumalim ang feelings ko kay Macky. Palagi nya kasi akong sinusuyo -- tinatanong kung anong problema ko at bakit ako umiiwas.

In short, masyado akong nag-assume sa mga actions nya na pa-sweet at kung anu-ano pang ka-chuchuan.

Ewan ko ba kung bakit ganun ang mga lalaki. Hindi mo na alam ang pinag-kaiba ng malandi sa friendly.

Kaya masyadong maraming babae ang nasasaktan eh, dahil paasa sila.

Tapos magtatanong sila na kung ano daw bang ginawa nila? Hindi ba nila alam na likas na sa babae ang mag-assume?

Wala naman kasing aasa kung walang nagpapa-asa diba?

Tapos sa dulo sasabihin lang nila, "Sorry, friend lang talaga ang tingin ko sayo."

WALA!

Wala ng magagawa ang sorry nyo. The damage has been done.

Yan ang ginagawa ng mga manloloko at mga lalaking masyadong confident sa sarili. Dahil GWAPO DAW.  Iniisip nila na hindi naman kawalan ang isa.

Men are tended to use their power to get what they wanted.

Ang kapaaaaaaal!

Men were nothing but chavaunistic, egoistic pigs.

Tapos, yung mga lalaking seryoso naman, sila yung mga naba-basted ng mga babaeng manhid.

Bakit manhid?

Kasi nasaktan na sila nung una sa mga lalaking paasa. At ayaw na ulit nilang mag-assume dahil masakit.

Kaya minsan, hindi na nila alam ang pagkaka-iba ng paasa sa totoo.

PERO TEKA NGA!

Pano ako napunta dyan?! Si author masyadong na-carried away eh. Hmm. Mukhang may experience ah?

(Shaddap!)

Hahaha! Defensive! Sige na nga, back to the story.

So yun nga, hindi na ako tumuloy dun, mahirap na. Kaya umikot na ako para sa kabilang exit kami lumabas, since malapit lang naman.

Pero paglingon ko.

<<////////33

OUCH!

As in to the highest level!

"Si Jane." nasabi ko na lang bigla.

"Huh? Sya yung Jane?" narinig kong tanong ni Tan-Tan habang nakaturo kay Jhana.

I nodded.

Si Macky, kasama si Jane sa kabilang dulo ng Lagoon.

Magkatalikudan silang nakasandal sa isa't-isa. Si Macky may hawak na gitara, tapos si Jane naman, hawak yung phone nya.

How sweet TT______TT

"Waaah! Mackyyy! Akin na yan.!"

Bigla kasing inagaw ni Macky yung phone ni Jane.

"Sino ba kasing ka-text mo? Mas importante ba to kesa sa pagkinig sa kinompose kong kanta?" sabi ni Macky.

Wow! Nag-compose pa talaga sya ng kanta para kay Jane.

Tumakbo lang si Macky ng nakatalikod. Dito sya sa pwesto namin papunta. Hindi ako maka-alis sa pwesto ko. Bakit ayaw gumalaw ng mga paa ko? Pag hindi pa ako umalis dito, matatamaan nya ako. At lalo akong masasaktan.

Masasaktan emotionally. Dahil nakikita ko syang masaya sa iba.

And then....

*Boogsh*

Nabunggo nga nya ako. Napa-upo pa ako dun sa sahig. Pero sya, nakatayo lang.

"Ahra? A-anong ginagawa mo dyan?"

Double Ouch!

--------------- ---------------

--------------- ---------------

1434452566! [Edited]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon